SEX ang hangad o pangunahing motibasyon ng bawat indibidual ayon kay Sigmund Freud. Maaaring tama si Freud, sa panahon ngayon ito rin ang usong-usong hanap ng mga kabataan - ang makipag-talik!
Ngunit dapat ba itong gawin at paano kung magbunga ang gagawing pakikipagtalik sa iyong boyfriend?
Sa pagkakataong ito sa kanyang artikulong Kapalaran Ayon sa Inyong Numero malinaw na pinaliwanag ni Maestro Honorio Ong, ang pratikal na dahilan kung bakit hindi dapat makipag-sex ang mga inosenteng teenagers.
****
ANG IKA-11 UTOS: “WAG KANG MAGPAPA-BUNTIS!”
MAINIT na pinag-uusapan at pinagdedebatehan sa ngayon ng Simbahan Katoliko at ng mga Mababatas ang hinggil sa batas na nagsa-sa-legal ng abortion at iba pang contraceptives.
Sa pagkakataong ito, lumundag pabalik ang topic ni Maestro Honorio Ong sa nasabing isyu. Kung saan, tama lang na bago pag-debatehin ang “contraceptives at abortion” ang dapat munang ipalianag sa mga kabataan ay kung “paano maiiwasan ang pagbu-buntis, habang nage-enjoy sa premarital sex.”
Tunghayan natin ang tugon ni Maestro Honorio Ong sa isang letter senders na “handa ng makipag-sex sa kanyang boyfriend.”
******
Numero –
Dear Maestro,
Kumusta na po! Handa na po akong ibigay ang pagkababae ko sa aking boyfriend kaya naisipan kong sumulat sa inyo.
Wala lang po! hindi naman po ako masyadong nagmamadali o naiinitan! Kaya lang gusto ko na syang itry anu pong masasabi nyo? Compatible po ba kami ng boyfriend ko at kami na po ba ang magkakatulyan?
At anu po bang pinakada best na safe sex para sa inyo except sa abstinence at masturbation?
Umaasa,
Ms. Precious Secret ng
Dear Ms. Precious Secret,
Kung compatibility ang tatanungin, tunay ngang magka-compatible kayo ng boyfriend mo, dahil ang zodiac sign mong Pisces at Cancer naman siya ay kapwa pinaghaharian ng elementong water o tubig, gayon din naman ang inyong mga numero, kung saan, ang destiny number mong 7 ay tugma-tugma naman sa birth date ng boyfriend mo na 7. Habang ang destiny number niyang 5 ay nagkataong sakto din naman sa birth date mong 23 o 5. Ibig sabihin, ano’t-anoman ang mangyari, possible at maaaring kayo na nga ang magkatuluyan. Pero bago bumigay ang pinaka-safe parin hindi para wag kang mabuntis, kundi para magkaroon kayo ng isang maligaya at pang habang buhay na pagpapamilya ay iyon nga – magtapos muna kayo ng pag-aaral.
Regarding sa safe medthod, ganito iyon! Alam mo maraming "safe method" kaya lang sa bandang huli kapag nawili ka na sa sex, sasabihin mo o kaya sasabihin ng ka-partner mo, "hindi masarap kapag naka-safe method".
Halimbawa iyong condom, bandang huli aalisin nya rin iyon kaya may tsansa na bigla kang mabuntis.
Kapag naman naka-calendar method, iyong binibilang ang arawr ng regla para malaman ang "safe period", puwede din iyon, kaya lang minsan kapag lagi kayong mag-kasama ng boyfriend mo at naginit kayong dalawa, hindi maiwasang kahit "hindi safe period" magse-sex kayo, dala ng pangangailangang katawan at pang-emosyonal. Sa senaryong iyon, may tsansa ka paring mabuntis.
In short, kung ako lang ang tatanungin o sa sarili o personal ko lang na opinyo, sa sandaling nakipag-sex na ang isang babae sa isang lalaki, sa totoo lang "walang safe-safe" dahil mas matindi ang init ng katawan, ang pag-ibig, ang pagpupuyos ng damdamin at laman. Ang sarap na nararanasan, at higit sa lahat, ang sex ay parang iyong pinakamasarap na nakain mo, kung anoman iyon, kapag nakaranas ka na, uulit-ulitin mo na at sa bandang huli, siyempre kung may mga babaing madaling mabuntis mabubuntis ka.
Minsan nga ay may naka-halikan akong babae, tinanong ko siya kung ano ang na-feel nya, sabi nya: “Habang siya’y nakapikit para daw nakatingkayad at may gustong-gusto siyang pilit na inaabot sa ibabaw ng aparador pero hindi niya maabot-abot, pero nakakapa at nahahawakan na nya pero di parin niya maabot-abot.”
Ganon iyon! Lips to lips palang iyon, halos hindi nya na ma-explains ang dulot na sarap ng napaka-garang sensasyon, paano pa kaya kung aktuwal na sex na ang kanyang matitikman? Paano nya kaya ito ilalarawan?
Ano ngayon ang buod o summary ng sinasabi natin?
E di iyon nga, kapag ibinigay mo na ang iyong pagkababae, okey paring gumamit ka ng mga contraceptives at iba pang safe method, pero dapat aware ka ring anomang oras, anomang sandali ay baka mabuntis ka!
Sa matuling salita, hindi safe method ang dapat mong isipin sa ngayon, (pero gagawin mo parin iyon at obligado ngang gawin iyon hanggang hindi ka kayo nakakatapos ng pag-aaral), bagkus ang mas dapat isipin ay "iplano ang pagpapakasal" ika nga "expect for the worst".
Kung saan, "dahil expect for the worst" sa sandaling bigla kang nabuntis, hindi ka mako-caught in the act ng kapalaran, dahil hindi nya alam, matagal mo na iyong pinaghandaan.
Na-get mo ba?
Kung baga sa giyera o barirlan, nakikipag-barilan ka, at alam mong hindi ka tatablan o tatamaan kasi nga may bullet proof ka, pero ang hindi alam ng kalaban mo, bale wala sa iyo ang bullet proof mo, kasi nga, handa ka naman kung sakaling dumating ang sandali na tinablan ka na ng bala.
Sasabihin ng kabarilan mo, "patay ka na ngayon dahil tinamaan na kita sa katawan", sa isip isip mo naman, "mali ka don" kasi nuon ko pa pinaghadaan na darating din ang panahon tatamaaan mo ko, kaya sabay hugot ng isa mo pang baril, "pratatattttt....." patay uli ang iyong kalaban.
Ang bullet proof ay ang contraceptives, habang kahit na sumablay pa ang contraceptives, tulad ng naipaliwanag na, "hindi nila alam, kahit mabuntis ka, matagal ka ng nakahanda sa senaryong iyon!"
Ganon iyon! Kailangang ang isang tao ay laging nakahanda sa anomang mangyayari sa kanyang kapalaran kahit na iyon ang pinaka-worst pang senaryo.
Sa ganyang paraan lamang, hindi ka mabibigo at magiging maligaya ka habang buhay!
Kasi nga, malayo palang ang kaganapan, alam mo na ang susunod na mangyayari at may nakahanda kana agad solusyon, kapag dumating na ang pangyayaring iyon!
Naalala ko tuloy iyong sinasabi nilang may 10 utos, at ang pang-labing isa daw ay “huwag ka raw pahuhuli!” Sa pagtatalik o sa pure sex na tinatawag may 10 Utos din, at ang ika-labing isa na siya ring pinaka-mahalaga sa lahat, “wag kang magpapa-buntis!”
Ingat... at hangad kong bago ka mabuntis,
(Ang artikulong ito ay na-ipablished at inilabas sa Pahayagang Bulgar nuong 18, 2008).