SA PAGKAKATAONG ITO tinalakay ni Maestro Honorio Ong
ang tungkol sa Karunungang Lihim na may kaugnayan sa Kabbalah.
Itext – June
22, 2012
Dear Mho,
Ano po ba yong sinasabing aklat ng Kabala? Mahilig
din po kasi ako sa mga karunungang lihim at mistisimo? Code name: Red Sapphire
ng 908774****
SAGOT:
Isa sa pinaka-mahirap
ipaliwanag in lay man term ang salitang Kabala o ang karunungang Kabala. Bakit?
Siyempre mahirap itong
ipaliwanag, dahil ang karunungang Kabala ay ginagamit ng Jewish Mysticism,
upang marating nila ang kaluwalhatian ng Diyos at para na rin magkaroon sila ng
ibat-iba karunungan at maunawaan nila ang mga karunungang ito. Ang Kabala ay
ginagamit din upang magkaroon ng pang-bihirang kapangyarihan.
Yong salitang Jewish
Mysticism palang mahirap ng intidihin, kung ano ba ito at sino ba sila?
Ganon paman, kahit
mahirap ipaliwanag, susubukan natin itong talakayin ngayon. Ewan ko lang kung
maiintidihan nyo o kaya naman’y bahala
na kayong mga giliw kong mambabasa umintidi, nang ating espesyal na diskusyon sa araw na ito.
Ganito yan!
Para madaling intidihin,
ugatin muna natin kung saan galing ang salitang Kabala.
Ang Kabala, o Kabbalah,
na maaari ding isulat ng Cabala o kaya’y Quabbalah, ay salitang hango sa
Aramaic word na “qwabia” na nangangahulugang “to receive”.
Ano naman ang
tatanggapin at bakit naman tatanggap?
Pansinin mo “may
tatanggapin at may tatanggap” sino naman kaya ang “nagbigay?”
Dito na ngayon
pumapasok ang Banal na Aklat ng Biblia, partikular ang Lumang Tipan.
Alam nyo ba kung saan
nanggaling ang Biblia, partikular nga ay ang Lumang Tipan?
Ang Biblia sa
mabilisang paliwanag ay para ding Karunungang Kabala. Ang mga pangyayari sa
Genesis o sa unang Aklat ng Biblia ay “ibinigay ng Diyos kay Moises” at
sinasabi nga na si Moises mismo ang nagsulat ng mga Unang Aklat sa Biblia.
Sa matuling salita
galing sa Jewish Mysticism ang Biblia partikular ang Lumang Tipan.
Nangyari ganon dahil
ang relihiyon ni Moises, hanggang sa mga magulang ni Jesus, si Maria at Jose ay
Judio o Judaism.
Ang tanong ngayon,
kanino o sino ba ang nag-sulat ng Lumang Tipan, sa particular isinulat ang
Lumang Tipan, upang ang mensahe ni Yahweh o ng Makapangyarihang Diyos na
nagpala sa Israel, tumulong kay David at kay haring Solomon, upang silay maging
hari, at nagbigay ng anting-anting o kapangyarihan kay Mosies at sa iba pang
mga propeta?
Sino ang nagsulat ng
Lumang Tipan? Tulad ng nasabi na sa itaas may nagsasabing ang unang aklat sa
Lumang Tipa ay isinulat ni Moises mismo. Pero hindi ganong ka-simple yon!
Sa halip, ang Lumang
Tipan o ang unang bahagi ng Biblia, na pag-aari nga mga Jewish Scholar, o mga
dalubhasa sa Kasulatan, Rabbi o teacher ang tawag sa kanila. Ang bahaging ito
ng Bibliang ito sa partikular ang Lumang Tipan ay nahahati sa mga sumusunod na
aklat.
Una ang tinatawag na
Pentateuch o mga aklat na isinulat ni Moises, na siya ring tinatawag na Torah,
na ibig sabihin ay Law of Moses.
Bukod sa Torah, may
tinatawag ding Talmud, kung saan ito rin ang aklat na Law of Moses, ngunit
matatagpuan dito ang commentaries ng mga Jewish Scholar or Jewish Rabbi.
Bukod sa Pentateuch,
Torah, at Talmud, na hinango nga sa Lumang Tipan, ang mga Judio partikular ang
mga Jewish Mysticism ay may tinatawag pang Aklat ng Kabbalah.
Ang Aklat ng Kabbalah,
na wala sa Biblia o wala sa Lumang Tipan, bagamat minsan ay mapapansin ang
ilang mga nakasulat sa Luma at Bagong Tipan ay parang galing din sa Aklat ng
Kabbalah, tulad ng mga mystic numbers na:
Seven (7) na nangangahulugang complete or completion and
perfection dahil Seven Days ganap na nalikha at nayari ang ating mundo.
Priests springkled
sacrificial blood or holy oil seven times.
Seven (7) candlestick
is the symbol of the State of Israel.
Three (3) as a sacred number, 3 crosses on the
Calvary, 3 days in the tomb, Trinity of Father, Son and Holy Spirit.
Four (4) Ito naman ang
kalihim-lihiman Four (4) Letter of Pangalan ng Diyos YHWH na bawal bigkasin
kaya walang “vowel”, na tinatawag ding “Tetragrammaton”.
Mapapansin ding ang 40 ay madalas gamitin sa Biblia,
tulad ng mga sumusunod:
40 was the number of years the Israelites wandered
after the Exodus.
40 was the number of days that Moses spent on Mount
Sinai.
40 days nag-ayuno si Jesus bago tuluyang nangaral at
gumawa ng mga pambihirang himala.
666 naman ang number ng “beast” o ng anti-Christ sa
aklat ng Revelation o ng Pahayag o ng Apocalipsis.
Kapag masusi mong pinag-aral ang mga numbers sa
Biblie, unti-unti na nating matutungkad ang isa pang
karunungang hango sa
Kabbalah, ang Kabbalistic of Numbers.
Itutuloy…
Itext – June 23, 2012
Dear Mho,
Ano po ba yong sinasabing aklat ng Kabala? Mahilig
din po kasi ako sa mga karunungang lihim at mistisimo? Code name: Red Sapphire
ng 908774****
SAGOT:
Tulad ng naipaliwanag
na, kapag masusi mong pinag-aral ang Biblia, mapapansin mo talaga na maraing karunungan
dito na hinango sa Jewish Mysticism.
Kung saan, bukod sa
Lumang Tipan, na galing nga at sinulat ng mga Jewish Mystic, may tinatawa pa
silang akalt na Kabbalistic of Knowledge, ganon din ang aklat na Zohar, na
nangangahulugang Book of Splendor at ang aklat na Sefer Yetsirah na
nangangahulugang Book of Creation.
Tulad ng nasabi at
naipaliwanag na, ang mga aklat na ito kung gayon ay sinulat ng mga Jewish Mysticism,
upang maabot ang kapangyarihan ng Dakilang Lumikha. Kung “union with God” n ang
tunay na layunin ng mga Jewish mystic at ito ay madaling maabot sa pag-aaral ng
nasabing mga aklat, kabilang ang aklat ng Kabbalah.
Sa Kabbalah matatagpuan
ang mahiwagang Kabbalistic Letters. Bukod sa Kabbalistic Letter, matatagpuan
din sa Kabbalah ang Kabbalistic of Numbers. Sa bawat numero at sa bawat letra
ng pangalan o ng salita - ito ay may katugong “merkavah” isang saksakyang mahiwaga
papalapit sa kaluwalhatian ng Diyos.
Bukod sa “merkavah” may
tinatawag din ang mga Jewish mystic na “hekhalot” ito ang pintuan papasok sa piling
ng Diyos.
Sa sandaling
pinag-aaralan mo ang Kabbalistic Letters at Kabbalistic Numbers, matatagpuan mo ang tinatawag na “sefirot” ito
ang “divine emanations”, kung saan, unti-unti kang magiging banal at
magkakaroon ng kakaibang kapangyarihan.
May “ten sefirot”. Ito
ang sampung andana o baiting papalapit sa Diyos. Habang minamaster mo ang “ten
sefirot” papalapit sa luklukan ng Diyos, ibat-ibang kapangyarihang ispiritual
at temporal ang nakatakdang sumanib sa
iyong pagkatao, ang mga kapangyarihang ito ay mapapasa iyo at magagamit mo,
dahil sa panahong nabanggit, unti-unti ka ng nagiging “mistiko”.
Kapag halos ganap ka ng
naroon sa piling ng Diyos, ito naman ang tinatawag ng mga Jewish Mystics na “Ayn Sof,” ang pagiging walang hanggan.
Bukod sa “mistiko”
tinatawag din nilang Hasidei Ashkenaz, ang mga banal na naglalayong maabot ang
kapangyarihan ng Diyos sa pamamagitan ng various mystical activities.
Bukod sa pagiging
Hasidei Ashkenaz, ang nag-aaral ng Kabbalistic of Knowledge ay maaari ding
maabot ang pagiging “zaddik” (holy person), patungo sa pagiging “rebbe”
(spiritual leaders), at pagkatapos ay magiging “zaddikim” na sinasabing, were
spiritually superior individuals who had attained the highest level ng kabanalan
na tinatawag na “devekut”.
Ganon yon! Kaya sa tanong
na ano ang ibig sabihin ng Aklat ng Kabala at ano ba ang aklat na iyon?
Simpleng maipapaliwanag na bukod sa Biblia, may aklat pa upang ang isang tao ay
maging banal, magkaroon ng pambihirang kapangyarihang halos mabot mo na ang
luklukan at kaluwalkatian ng Diyos, at ang isa sa mga aklat na ito ayon sa mga
Jewish mysticism ay ang Aklat ng Kabbalah.
-----30-------
(Note: Dahil libre at walang bayad nyo namang natutunghayan ang mga artikulo ni Maestro Honorio Ong sa blog na ito, mas maganda kung magbabasa din kayo ng pahayagang BULGAR araw-araw, upang matunghayan nyo ang mga latest articles ni Maestro Honorio Ong.).