Dear Maestro,
Wala pa po akong anim na buwan sa kasalukuyan kong trabaho na hindi ko na lang sasabihin kung anong company. Ang problema marami na akong nakatalo, ang gara kasi sa kumpanyang ito, puro tamad ang empleyado at hindi seryoso sa kanilang ginagawa. Kapag itinatama ko sila, dahil obvious na
Umaasa,
Mr. Virgo ng
Dear Mr. Virgo,
Isa alang-alang mo ang apat na paalala ilalahad sa ibaba, bago ka tuluyangmag-resign sa kasalukuyan mong pinagta-trabahuhang kumpanya upang hindi ka mamali ng desisyon.
Una, huwag mong laging ipaglaban ang alam mong “tama” kung alam mong hindi ka naman mananalo sa iyong kausap.
Pangalawa, huwag mong ipangahas ang iyong talino at ikaw ay makikipagtalo sa isang taong alam mo naman na bobo.
Pangatlo, huwag kang aalis sa iyong trabaho kung alam mo naman wala ka pang ibang malilipatan.
At pang-huli, huwag mong masyadong seseryoso ang buhay, dahil ang totoo nito, hindi rin naman sineseryoso ng mga kasama mo ang kanilang trabaho, sa halip hindi masamang paminsan-minsan magpabandying-bandying ka dahil sa bandang huli, ang totoo kasi nito, hindi naman sa iyo ang kumpanang iyan, sa halip ikaw ay isang trahabador lang.
Iyan ang apat na napaka-simpleng “rule” upang manatili ka sa iyong trabaho. At tulad ng naipaliwanag na, kaya maraming nagre-resign o nakukunsume sa kanilang trabaho sa isang opisina at kumpaya e kasi pilit nilang ipinaglalaban ang tama, gayong karamihan sa mga kasamahan nila ay puro
Pangalawa, lagi kang nakikipagtalo sa mga kasamahan mo, sa mga supervisor mo o sa mga mas mataas sa iyo, kasi alam mong mga bobo sila, habang ikaw ang matalino. Sentido komon kung ganon, na kahit anong paliwanag ang isampal mo sa kokote ng iyong katalo, hindi ka maiintidihan dahil nga mga bobo sila. Kaya sa bandang huli, dahil alam mo kasing ikaw ang matalino at bobo ang mga kasamahan mo, maii-isip mong mag-resign na lang kaysa mahawa ka pa sa kanila ng kabobohan. Pero sa bandang huli, dapat mong ma-realize na mas matalino sila sa iyo, dahil sila ay nanatili sa kanilang trabaho ng mahabang panahon na pasipsipsip lang, habang ikaw naman na matalino ay nag-resign agad sa iyong trabaho ng walang pang isang taon.
Pangatlo, masyado mong seneseryoso ang buhay at ang trabaho mo, gayong ang iba ay pabandying-bandying at pa-easy-easy lang kaya naisip mo tuloy na wala palang mga malasakit at wala palang kuwenta ang mga tao dito, kaya nag-resign ka na lang. Pero sa bandang huli, ang hindi mo alam sa sobrang pagiging seryoso mo ikaw tuloy ang nawalan ng trabaho habang nanatili ang mga empleyadong pa-easy-easy lang.
At pang-apat, wag na wag kang magre-resign, dahil hindi lang naman ang pakikipagtalo sa mga mataas sa iyo ang magbu-bust ng iyong ego, hindi lang naman ang pakikipaglaban sa tama ang mahalaga, hindi rin ang pagiging seryoso sa ginagawa mo sa iyong trabaho ang tintimbang, bagkus may mas mahalaga pa diyan, iyong tanong na dahil sa pagre-resign mo, wala ka na tuloy maasahang pera o salapi na dating kinikita mo buwan-buwan. Kaya nga ang solsuyon, puwede ka lang mag-resign, kung may malilipatan ka ng mas magandang trabaho na may mas mataas na suweldo.
Habang ayon sa birthday mong September 19, 1987, kapag umalis ka sa kasalukuyan mong kumpanya, tiyak ang magaganap, dahil matalino ka naman, mapapasok ka uli sa ibang company at malaki din ang iyong suweldo, ang kaso magugulat ka pa, dahil kung paanong naging “imperfect” at maraming kapintasahan ang kumpanyang inalisan mo, ganon din palang kumpayan ang malilipatan mo – imperfect at maraming kapintasan, dahil ang totoo, mali ang kundisyon ng iyong isipan, na may maganda at ideal na company, sa halip, maganda at ideal talaga dapat ang mga kumpanya, ang kaso ang pangit at hindi ideal ay ang mga taong namamalakad dito.
At ang katotohanang iyan ang dapat mong tanggapin at maunawaan habang bata ka pa, upang sa susunod na pagta-trabaho sa iba uling kumpanya na ang dami na namamg problema at kapinsatan ay tumagal ka na, bitbit ang paniniwalang, walang maganda at wala talagang perpektong kumpanya, ang higit na mas mahalaga, malaki ang suweldo mo at maraming benepisyo na maitutulong mo naman sa minamahal mong pamilya!
-------30--------
ang birthday ko june 06,1961,tanong lang maestro kung suerte po ba ang birth number ko kasi nag apply ako sa abroad na deny ako maestro may suerte ba ako sa lotto sana maestro bgyan nio ako ng masuerte numero para makatulong ako sa kapwa kung mahirap sa mga taong nangangailangan.... maestro sana matulungan nio sa aking kahilingan maraming salamat po.... god bless
ReplyDeletehindi k po alam kng tama ito ksi now k plang sinubukan, magandang hapon po, mtagal k ng gusto sumulat sayo maestro kaya lng d k alam kng paano sisimulan anyway sana po mabasa nyo rin ang kapalaran ko at maipublish maestro gustong gusto k pong mg abroad pero lagi ako bigo nov.28 1969 po ang gnagmit k at ang lve in k ay o6,13,58, sa plagay nyo po may swerti kaya kami sa taong ito salamat po ng marami and god bless po...
ReplyDeletevery well said.
ReplyDeleteMaestro,magandang araw po sayo . May tanung lang po ako na matagal ko nang gustong itanong sainyo. Ako po ay isang saguittarius na fire type,ang birthday ko naman po ay december 11 1996. May boyfriend naman po ako na isang water type sya po ay march 9 1997. Tatlong taon na po kaming magkarelasyon,pero hindi naman po namen pinapabayaan ang aming pag aaral sa katunayan po ay taon taon kming nasa top. Mas mataas nga lang po ako palage saknya. Magkaklase po kasi kami ng tatlong taon nung highschool kami. Pero ngayon college na kami at hindi narin po kami araw araw nagkakasama. Hindi narin kami nakakapag usap ng seryoso kasi hindi na sya nagtetext at hindi narin sya tumatawag. Ako lang tong tumatawag sakanya kung minsan. Pero hinahanap ko parin yung dati nameng spark,noon po kasi kahit na araw araw kaming nagkikita pag uwe namin sa kanya kanyang bahay nandun parin yung pagtetext namin tska tawag na parang hindi kami nagsasawa sa isat isa. O kaya kung mag away kmi naaayos din agad agad. Eh samantalang ngayon ,feeling ko wala lang ako sakanya. Ang gusto nya pag nag away kmi space muna.tama po ba yun.?magkaiba kasi kmi ng pananaw. Nagbago na talaga sya. Tuwing monthsary namen wala lang hindi rin sya babati saka lang sya babati kapag tatawag ako. Samantalang dati todo effort sya khit wala kaming pera. Ramdam na ramdam ko talaga yung pagmamahal nya noon. Everytime na magkikita naman kami ngayon ok lang naman masaya kami at parang walang nagbago. Pero hindi ako satisfied dun kahit sinung magkarelasyon naman kasi kayang kaya maging masaya pag magkasama. Hinahanap ko yung effort!. Ako nlng kasi ang nageefort ngayon. Anu po bang dapat kong gawin.?
ReplyDeleteMaestro,magandang araw po sayo . May tanung lang po ako na matagal ko nang gustong itanong sainyo. Ako po ay isang saguittarius na fire type,ang birthday ko naman po ay december 11 1996. May boyfriend naman po ako na isang water type sya po ay march 9 1997. Tatlong taon na po kaming magkarelasyon,pero hindi naman po namen pinapabayaan ang aming pag aaral sa katunayan po ay taon taon kming nasa top. Mas mataas nga lang po ako palage saknya. Magkaklase po kasi kami ng tatlong taon nung highschool kami. Pero ngayon college na kami at hindi narin po kami araw araw nagkakasama. Hindi narin kami nakakapag usap ng seryoso kasi hindi na sya nagtetext at hindi narin sya tumatawag. Ako lang tong tumatawag sakanya kung minsan. Pero hinahanap ko parin yung dati nameng spark,noon po kasi kahit na araw araw kaming nagkikita pag uwe namin sa kanya kanyang bahay nandun parin yung pagtetext namin tska tawag na parang hindi kami nagsasawa sa isat isa. O kaya kung mag away kmi naaayos din agad agad. Eh samantalang ngayon ,feeling ko wala lang ako sakanya. Ang gusto nya pag nag away kmi space muna.tama po ba yun.?magkaiba kasi kmi ng pananaw. Nagbago na talaga sya. Tuwing monthsary namen wala lang hindi rin sya babati saka lang sya babati kapag tatawag ako. Samantalang dati todo effort sya khit wala kaming pera. Ramdam na ramdam ko talaga yung pagmamahal nya noon. Everytime na magkikita naman kami ngayon ok lang naman masaya kami at parang walang nagbago. Pero hindi ako satisfied dun kahit sinung magkarelasyon naman kasi kayang kaya maging masaya pag magkasama. Hinahanap ko yung effort!. Ako nlng kasi ang nageefort ngayon. Anu po bang dapat kong gawin.?
ReplyDeleteHindi kc gaanong compatible ang March 9, 1982 at December 11, 1996 kaya ganon ang nangyari "kung baga sa kape" medyo tumabang na ang iyong pagmamahalan.
DeleteGanon paman, kausapin mo siya. Baka kc busy lang cya o kaya naman'y may iba na siyang nililigawan.
Ganon talaga ang "relasyon - may nawawala at may dumadating; may napapanatili at may umaayaw." Anoman ang maging sitwasyon nyo..kailangang matanggap mo ito dahil ito ay bahagi ng "learning at experience".
Kung sakali mang hindi na mag-"prosper or mag workout" ang inyong relasyon...tandaan mo ang mga taong ka-compatible mo ay silang....
Isinilang sa zodiac sign na Aries, Leo, Gemini at Kapwa mo Sagittarius, ganon din ang lahat ng mga lalaking isinilang sa buwan ng Mayo, higit lalo silang may birth date na 7, 16, 25, 2, 11, 20, 29, 1, 10, 19, 28, 8, 17, 26, 4, 13, 22, 31, at lahat ng ipinanganak sa "series of 3-6-9".
Hanggang dito muna...hangad ko na sa susunod na mga buwan at taon ng iyong buhay at karanasan "magkaroon ka ng isang maligaya, very satisfied at successful love life." :)
Salamat sa comment mo at pagbabasa ng blog ni MAESTRO HONORIO ONG...
Have a nice and lovely holy week sayo at sa iyong family :)
Maestro good day po November 5 1984 po ang birthday ko at September 27 1976 ang asawa ko may 3 po kaming anak puro lalake ang panganay po ay November 26 2003 ang pangalawa ay November 21 2005 at ang bunso po ay May 3 2012 gusto ko pong malaman kung mga swerte din po b kami; god bless po @ thank u po in advance..;)
DeleteMaestro,magandang araw po sayo . May tanung lang po ako na matagal ko nang gustong itanong sainyo. Ako po ay isang saguittarius na fire type,ang birthday ko naman po ay december 11 1996. May boyfriend naman po ako na isang water type sya po ay march 9 1997. Tatlong taon na po kaming magkarelasyon,pero hindi naman po namen pinapabayaan ang aming pag aaral sa katunayan po ay taon taon kming nasa top. Mas mataas nga lang po ako palage saknya. Magkaklase po kasi kami ng tatlong taon nung highschool kami. Pero ngayon college na kami at hindi narin po kami araw araw nagkakasama. Hindi narin kami nakakapag usap ng seryoso kasi hindi na sya nagtetext at hindi narin sya tumatawag. Ako lang tong tumatawag sakanya kung minsan. Pero hinahanap ko parin yung dati nameng spark,noon po kasi kahit na araw araw kaming nagkikita pag uwe namin sa kanya kanyang bahay nandun parin yung pagtetext namin tska tawag na parang hindi kami nagsasawa sa isat isa. O kaya kung mag away kmi naaayos din agad agad. Eh samantalang ngayon ,feeling ko wala lang ako sakanya. Ang gusto nya pag nag away kmi space muna.tama po ba yun.?magkaiba kasi kmi ng pananaw. Nagbago na talaga sya. Tuwing monthsary namen wala lang hindi rin sya babati saka lang sya babati kapag tatawag ako. Samantalang dati todo effort sya khit wala kaming pera. Ramdam na ramdam ko talaga yung pagmamahal nya noon. Everytime na magkikita naman kami ngayon ok lang naman masaya kami at parang walang nagbago. Pero hindi ako satisfied dun kahit sinung magkarelasyon naman kasi kayang kaya maging masaya pag magkasama. Hinahanap ko yung effort!. Ako nlng kasi ang nageefort ngayon. Anu po bang dapat kong gawin.?
ReplyDeletemaistro ako po pinanganak noong march 8, 1982 gusto q lang po malaman kung ano kapalaran q dito sa dubai at my tao bang mg mamahal sa aking tapat..salamat po pieces poh ako.
ReplyDeletemaistro ako po ay pinanganak noong april,10,1979 ano pong kapalaran sa pag aabrod ko at buhay ko
ReplyDeletegandang gbi po pinanganak po ako ng april 10 1979 ano pong kapalaran naghihintay sa pag aabroad ko.
ReplyDeleteim pregnant kaya d q mkpgtrabaho,ano po ba magandang business pra sa february 11,1983 ?
ReplyDelete