(ANG matutunghayan nyo ngayon ay isang katanungan mula sa letter sender na natanggap ni Maestro Honorio Ong. Ang kanyang kasagutan ay ipinablished sa Pahayagang BULGAR, as of third or last week of February 2015 sa kanyang artikulong Kapalaran Ayon sa Inyong Numero. Ang "topic" sa artikulong ito ni Maestro Honorio Ong ay tungkol sa "pangarap at kung paano natin maaabot ang ating mga pangarap.)
Dear Maestro,
Sa ngayon po ay nagta-trabaho ako bilang factory worker. Maliit at mababa lang ang aking suweldo kaya
kulang na kulang pa sa pamilya ko. Balak ko sanang mag-abroad upang mabigyan ng
magandang kinabukasan ang aking mga anak. Kung mag-aapalay ako sa ibang bansa,
may pag-asa kaya akong makapag-abroad at guminhawa ang buhay ko doon? Sana
maanalisa nyo kung ano ang mangyayari sa aking kapalaran sa susunod pang mga
panahon, nababahala kasi ako hinggil sa magiging kinabukasan ng aking mga
anak, dahil alam naman nating lahat na napakahirap ng buhay sa ngayon baka
hindi ko sila mapag-aral, kaya ngayon palang plinaplano ko na ang aming magiging
future dahil hindi naman po masamang mangarap, hindi po ba? July 5, 1978
Umaasa,
Jemuel ng Hulo, Meycauyan, Bulacan
Dear Jemuel,
Hindi totoong hindi masamang mangarap, bagkus masamang mangarap kung hindi
mo gagawin at hindi mo ipapatupad ang pangarap mo!
Masamang mangarap, dahil nga kung hindi mo naman magagawa ito, tatawagin ka
ng lipunan na bigo. At kapag nag-reunion kayong magkaka-classmates, hindi
maiiwasang pagtsi-tsismisan ng mga dalahira mong ka-klase ang naging buhay mo at
sasabihin nila, habang nakaumpok sa isang lamesa: “Si Kurdapyo pala na dating
crush mo, traysikel driver lang at ang napangasawa ay proninsyanang katulong
lang, tapos sunod-sunod pa ang naging anak nila!”
Sasagot naman yong isa pang mapanlait na ka-klase mo, “Oo nga noh, kawawa
naman anoh!”
Kapag naman tagumpay na tagumpay ka, ganito naman ang maririnig mo sa mga
tsimoso at tsimosa mong ka-classmates na naguumpukan sa kabilang lamesa habang
nagaganap ang inyong reunion at may nagsasalitang kamag-aral nyo sa stage: “Si
Kurdapya pala mayaman na, ang gara at mamahalin ang sasakyan samantalang
napaka-bobo nya noong nag-aaral pa tayo noh!”
Sasagot naman yong kausap na ka-klase nyo: “Oo nga e, nangongopya lang kaya
siya sa akin, pero ngayong bigtime na, nakapag-asawa kasi ng foreigner e.”
Ganon ang kadalasang nangyayari sa reunion, tuwang-tuwa ang mga ugok na
pag-kuwentuhan ang buhay ng kanilang mga ka-klase “after so many-many years” na
hindi sila nagkikita-kita.
Kaya ako iniiwasan kong umattend ng class reunion, hindi naman dahil sa isa
ako sa mga nanlalait ng mga ka-klase, sa halip “kinikilabutan ako kapag naririnig
ko ng pinagtsi-tsismisan ng mga ka-class mates ko na para bang minamaliit yong mga
ka-klase naming nanatiling mahirap na lamang at hindi nagtagumpay sa kanilang buhay.”
Kaya masamang mangarap Jemuel kung hindi mo naman tutuparin, isasabuhay at
bibigyang aksyon ang mga pangarap mo, dahil kapag sumablay ka, kapag hindi mo
na paunlad ang iyong buhay at nag-reunion kayong magkaka-klase, mas mainam pang
wag ka na lang umattend dahil ang totoo, ikaw ang malamang sa isa sa mga
pag-tsismisan ng mga ka-klase mo na bagamat hindi nila sinasadya, lalait-laitin
nila ang buhay mo – dahil matapos ang maraming mga taon, matapos kayong grumadweyt
ng elementary o ng high school wala kang ginawa upang umunlad ang buhay mo, sa
halip ang iyong pangarap ay nanatiling pangarap na lamang hanggang sa tumanda
ka na at magka-apo!
Kaya nga para wag mangyari sa iyo ang senaryong binabanggit natin sa itaas,
ngayon palang kahit paunti-unti tuparin mo ang anomang pangarap na iniisip mo sa
buhay mo, tulad nga na makapag-abroad ka para mabigyan mo ng magandang
kinabukasan ang iyong mga anak.
Samantala ang birth date mong 5, sa destiny number na 1, (7+5+1978=1990/
19+90=109/ 10+9=19/ 1+9=10/ 1+0=1) sa zodiac sign na Cancer ang nagsasabing
konting lakas lang ng loob, sigurado ang magaganap, basta’t nag-aplay ka sa
abroad, kusa kang makapangingibang bansa sa takdang panahong inilaan ng
kapalaran sa tulong ng isang kaibigang Virgo.
Kaya tama ang ginagawa at iniisip mo sa ngayon hindi ka dapat makuntento
bilang isang factory worker lang, sa halip mag isip ka ng paraan upang umunlad
ang kabuhayan ng inyong pamilya at tama ang naisip mo mag-abroad ka at sa
sandaling nakapag-abroad ka, pilitin mong makaipon ng sarili mong puhunan, at
pagkatapos magnegosyo ka, dahil ang lagda mong simple lang, dawalang letra at
pagkapos ay idinugtong mo na agad ang iyong aplido ay nagsasabing bukod sa
pag-abroad, magtatagumpay at uunlad ka rin sa pagnenegos.
Lalo na kung sa halip, na pasubsub o sa pababang stroke mo tinapos ang iyong
lagda, tapusin mo iyan sa paitaas o kaya’y pa-straight line na stroke. Sa
ganyang bahagyang-bahagyang pagbabago lamang ng iyong signature, tulad ng
nasabi na, kusa mong matutupad ang pangarap mo sa buhay – ang mabigyan ng
magandang kinabukasan ang iyong pamilya.
Ang lahat ng positibong pag-aanalisang inilahad na sa itaas ay magsisimulang
mangyari at maganap sa taong kasalukuyan 2015 sa edad mong 37 pataas, makapag-aabroad
ka at makapag-nenegosyo, hanggang sa sumapit ang taong 2027, sa edad mong 49
pataas, mayamang-mayaman ka na at maunlad na maunlad na ang buhay ng inyong
pamiya at sa sandaling nag-reunion kayong magkaka-klase, ganito ang hindi mo
sinasadyang maririnig mo sa umpukan ng iyong mga kamag-aral sa kabilang mesa: “Si
Jemuel nangungutang lang sa akin dati yan ng pambili ng pang-meryenda, ngayon ubod
ng yaman na pala, paano nya kaya nagawa yon?”
--------30--------
No comments:
Post a Comment