Friday, May 9, 2008

FORMULA NG PAGYAMAN





FORMULA NG PAGYAMAN

Ang Mga Taong Yayaman

SA PAGKAKATAONG ito pinagkumpara ni MAESTRO HONORIO ONG ang Kapalaran ng Taong Otso (8), Tong Capricorn at Taong Singko, hinggil sa particular na paraan ng pagyaman.

Numero – May 12 -08

Dear Maestro

Maaari nyo po bang talakayin ang kapalaran ng isang Capricorn? January 17, 1965 ang birthday ko.

Umaasa,

Momoy ng San Jose Del Monte City, Bulacan

Dear Momoy,

Ang zodiac sign na Capricorn tulad din ng numerong otso (8), kabilang dito silang may bitbit ng numerong 17 at 26 ay halos may iisang kapalaran, sapagkat ang numerong otso at ang zodiac sign na Capricorn ay may iisang ruling planet na tinataglay ang Planetang Saturno.

Itong si Saturno ay siya ring si Cronus (Kronos) sa Mitolohiyang Griego, kung saan, ang anak niya ay si Zeus na siya ring si Jupiter sa mitolohiyang Romano o ang makapangyarihang Diyos ng mga Diyos, kaya lang malungkot ang nangyari sapagkat inagaw ni Jupiter sa kanyang tatay na si Saturno ang kapangyarihan, kaya ng bandang huli si Zeus o Jupiter na ang naging ruler of the universe.

Kung bagay medyo may kamalasan ang nangyari kay Saturno dahil mismong anak niya ang kanyang nakalaban.

Ganon din ang magiging kapalaran ng mga taong isinilang sa zodiac sign na Capricorn at Taong Otos, magkakaroon sila ng kayamanan at karangalan tulad ni Saturno, subalit isa sa kanilang anak ang magrerebelde o hindi naman siguro makaka-away sa panahon ngayon, kundi sabihin na lang nating isa sa kanilang mga anak ang makakasamaan niya ng loob.

Bakit ba pangkaniwan na nating sinasabing yumayaman ang mga Saturnian personality, tulad nga ng zodiac sign na Capricorn at Taong Otso?

E kasi nga ang nangyayari talaga sa buhay nila ay ganito. Binibira sila ng mga pagsubok, pasakit, hirap at kalungkutan sa buhay particular sa kanilang murang edad ng tadahana dahil iyon ang nakatakda sa kanila, kung saan, handiyan ang taong otso o isang Capricorn, na ulila sa mga magulang, o kaya’y produkto ng broken family, may kakaibang kapansanan, o kaya naman ay stow away. Ngunit pagkatapos ng tila napakahirap na senaryo ng buhay, o sabihin na nating ang kalungkutan at kahirapang iyon ang pumanday na lubos upang sila ay matutong magtiis at magsikap sa buhay, hanggang sa sila ay yumaman.

May isang istorya ng taong otso na mahirap lang sila ngunit dahil masipag at matiyaga siya, pinag-aral siya ng ibang tao sa halip na pag-aralin siya ng kanyang mga magulang. Para siyang kaawa-awa sa simula, pero ng nakatapos na siya ng pag-aaral, umunlad at yumaman din siya.

May isa ring taong otso na ulila sa ina, kaya nuong musmos siya para siyang kaawa-awa, kung sino-sinong kamag-anak niya ang kanyang napuntahan upang magpa-ampon o makitira. Subalit natuto siyang magsikap at magpakahirap, kaya umunlad at yumaman din siya.

Nandiyan din ang istorya ng isang taong otso na galing sa malayong probinsiya at ng napunta sa Luzon inapi-api siya ng mga taong nakakasama niya. Subalit natuto siyang magsikap, magtiis at magpakahirap, yumaman din siya at nakapag-paaral ng mga anak.

Ang nakatutuwa sa Taong Otso o taong Capricorn ay may pattern matapos na sila ay yumaman, lagi silang nakakabili ng mga bukirin, lupain o mga ari-arian, gayon din nakapagpapatayo sila ng square o kaya’y rectangle na building.

Iyon kasi ang nakatakda sa kanila, pagkatapos magtiis ng hirap, ng pang-aapi ng mga tao, pambubusabos, o lahat na ng salita upang mayurak-yurakan mo ang pagkatao ng isang tao, ay nangyayari sa taong otso, pero pagkatapos naman ng pangyayaring iyon, dahil ang susui nga ay inapi sila kaya sila nagsikap ng todo-todo, ika nga ay down to earth, iyon naman ang kanilang nagiging premyo sa dakong huli – ang pagyaman.

Saktong-sakto sa mga taong otso at taong Capricorn ang kasabihang “from rugs to riches” o mula sa basahan o mukhang basahan sa simula, pero kagulat-gulat ang tinamong pagyaman.

Kaya nga kung ang isang taong otso at taong Capricorn ay hindi naman nakaranas ng pang-aapi sa buhay, ang todo-todong hirap, ng pagaaglahi, ng pagyurap sa pagkatao, iyon nga, malabo o maaaring hindi siya yumaman.

Pero iyon ngang inapi-api at sinipa-sipa ng tadhana na parang tele-nobela na Babangon Ako at Dudurugin Kita (si Salve kasi ang saktong ehemplo ng taong otso), e tiyak na sa bandang huli ay makapaghihigati, sisikat at yayaman.

Teka muna, bago ko makalimutan, halos iyang ding inilarawang pangyayari na iyan sa buhay ng taong osto at taong Capricorn, ay siya ring nangyayari sa kapalaran ng isang taong mataba na may well pronounced na nunal sa mukha, regardless kung Caprciorn ba o otso ang bibit nilang numero. In short, iyong taong matataba na may well pronounced na nunal sa mukha ay yumayaman din at inaapi ng tadhana, pero pagkatapos ng sobrang hirap at pagtitiis, tulad ng nasabi na, yumayaman din sila.

Ganito pala ang mas angkop na salita, “ang magara ay tinadaan sila ng tadhana, upang makilala ang taong otso o taong Capricorn nilagyan sila ng malaking nunal sa mukha!”

Samantala, minsan naman, iyong mga taong otso ay maunlad sa simula o mayaman na. Pero dahil tulad ng nasabi nakatakda sa kanilang buhay ang apiapihin ng tadhana, bigla ngayong naghirap ang buhay nila, kaya natutunan din niyang magsikap, magpurisgi, magpakahirap at magtiis ng pagaaglahi sa kanyang pagkatao, pero kapag nalusutan niya ang lahat ng iyon, hindi imposibleng ang nasabing tao ay muling yumaman.

Kaya nga kung ikaw ay taong otso o taong Capricorn ay sa ngayon ay inaapi-api ka ng mga nasa paligid mo, inaaglahi ang iyong pagkatao, na sa tingin mo ay para bangmasyado kang kinawawa, at sa kaibuturan ng iyong puso ay batbat ka ng pasakit at kalungkutan, sa totoo lang dapat kang matuwa, dahil ang kailangan mo na lang ay ang pagsisikap, at pagpupursigi, at kapag nagawa mo iyan, tulad ng nassabi sa itaas, “pagkatapos api-apihin at malugmok sa sobrang kahirapan ng buhay, ang taong otso o ang taong Capricorn na ito ay nakatkada ngang yumaman, hindi lang yumaman, tulad din ng taong singko, ubod ng yaman at talaga namang kaiinggitan ng kanyang mga kapit bahay, sa sobrang gara o sa sobrang taas ng isang malaking building na kanyang naitayo na talaga namang dahil sa kanyang pinuhungang pawis at dugo sa sobrang sikat at pagtitiis na naranasan niya sa buhay.

----------30--------

Numero – May 13

Ituloy na natin iyang usapang pagyaman, na tinalakay natin kahapon hinggil sa taong otso at taongCapricorn kung paano sila yumayaman. Sa pagkakataong ito paano naman yumayaman ang mga taong singko, kabilang dito silang may bitbit na numerong 5, 14 at 23.

Hindi naman sila inaapi ng tadahana, para lang yumaman, iyon ang masaya sa buhay ng taong singko. Sa halip ang hinihingi lang sa kanila ng kapalaran ay patuloy na kumilos ng kumilos o kung baga sa bolang bato, ay umikot ng umikot mula sa tuktok ng bundok papa-hulog o papadausdos sa ibaba, at habang patuloy na umiikot at gumugulong ang taong sikong (ibig sabihin ay kilos ng kilos), madaming alikabok at sari-sariling kalat o putik ang kusang kukulapol sa kanilang pagkatao, at ang putik, o alikabok o yagit na naipon ay siya ring sasabihin nating kayamaman.

Ganon ang nangyayari sa isang taong singko, kilos lang siya ng kilos, mantras mabilis at may konsentrasyon sa iisang bagay, siguradong yayaman siya. Kung bagay, larawan ng isang taong singko ang pendulum, walang tigil sa pagpapanhik-manaog sa sandaling nasaling o nahipan ng hangin, at dahil sa walang tigil na pagalaw at pagkilos lalo’t na;t ang nakagaguhang ikilos ay pagkakaperahan, puwedde rin ang pag-aabroad, puwede rin ang isang tumbok na negosyo, magugulat ka pa, bigla na lang yumayaman, o sabihin nating hindi akalain ng isang taong singko na sa puntong iyon ng kanyang buhay “vast empire na pala ng kayamanan o mga ari-arian ang kanyang tinatangkilik!”

Hindi tulad ng taong otso, o taong capriconr, aware o mulat siya na siya ay nagpapayaman, pero iyong taong singko, gulat at di pa nga siya makapaniwala sa nangyari sa kanyang buhay, isang araw, habang naglalakad siya sa karsada o kaya’y nagda-drive ng kanyang sasakyan, masasabi pa nga niya sa kanyang sarili, “hindi ko akalain mayaman na pala ako!”

Kabaliktaran naman ng taong otso, habang nanungungaw siya sa terahe ng kanyang kongkretong bahay, masasabi nya sa kanyang sarili, “sa wakas mayamkan na ako, at ang kayamamang ito ay hindi na sa aking mababawi pa ng tadhana kailan man!” At minsan pa nga, dahil sabi ko naman sa inyo, sobrang hirap ang pinagdaanang buhay ng taong otso, hindi nila sinasadya, pero minsan ay sinasadya niya, iyong tinamo nilang kayamanan at karangalan sa lipunan, ay ginagamit nilang kasangkapan, upang sila naman ang mang-api at mangyurak ng pagkatao ng kanilang kapwa.

Kaya nga kung masasabing mas mabait ng kaunti ang taong singko na yumaman, dahil hindi naman sila masyadong inilublob ng tadhana sa sobrang kahirapan, itong taong otso ay masasabi nating kung minsan, hindi nga pala minsan, bagkus madalas, kapag yumaman na sila ay nagiging walang hiya sila. Minsan, hindi nila alam na naging walang sila, bagkus ang tawag nila dito sa ginagawa nilang pang-aapi sa mga mahihirap ay “nasa tama lang ang aking ginagawa!”

Bukod nga pala sa konsentrasyon sa pagkilos o kilos lang ng kilos at galaw lang ng galaw ay yayaman na ang isang taong singko, may mga taong singko din na yumayaman, sa pamamagitan ng pag-aasawa o bigay, handog, o natisod na kayamanan ng iba, handiyan ang taong singko na napamanahan ng malaking halaga o sabihin na nating bata palang siya, mayaman na sila, handiyan din ang taong singko na nakapangasawa ng mayaman o nagkaroon ng isang kaibigan o tagapagtangkilik na mayaman.

Ang masakit nga pala sa taong singko kapag yumaman, minsan ay nalulong sila sa sugal o bisyo, hanggang sa sila ay maging talamak, na kadalasan ay nagiging dahilan kaya bumabagsak ang kanilang kabuhayan, iyong sinasabi kong sugal, kabilang din dito iyong mga gawaing panlibangan, nahihirati ang taong singko sa ganoong gawain, kaya minsan nauubos sa gawaing ito, pagpapasarap ang kanilang kabuhayan, pero sa taong otso taong Caprciorn, hindi mangyayari iyon, dahil batid niyang dugo at pawis ang naging puhunan niya sa pagyaman, kaya tulad ng nasabi, kung baga sa isang pelikula, tatawa-tawa ang isang taong osto habang nakatayo sa mataas na terahe ng kanyang bahay kinakausap ang sarili: “Ha….ha…ha…ha… ha….mayaman na ako, lalo ko pang palalaguin ang aking kayamanan, upang kailaman may hindi na ito mababawi pa sa akin ng kapalaran...ha…ha…ha…ha…ha….!”


Kaya kung minsan, sa rurok ng kanilang kabaliwan, puro pantutuso at panlalamang sa kapwa ang iniisp ng mga taong otso, ng hindi niya namamalayan, pero ang totoo nito, nangyayari talaga iyon sa buhay niya, dahil takot na takot at ayaw na ayaw na nga niyang maghirap pang muli at bumalik sa pagiging isang basahan.

-----30-------