Saturday, April 21, 2012

Dalawang Sekreto ng Kaligayahan



SA PAGKAKATAONG ITO, ipinaliwanag ni MAESTRO HONORIO ONG ang sekreto kung paano makakamit ang kaligayahan. Dalawang bagay na nagsisimula sa letrang “P” ang sekreto upang lumigaya ang isang indibidual.


Itext – April 21, 2012

Dear Mho,

August 1, 1955 ang birthday ko, bakit kaya ako malungkot? Biyuda na po ako. Code name: Ms. Lonely ng 9294319831

SAGOT:

Aba mag-asawa ka kaya – yan ang magbibigay sayo ng kaligayahan.

Naalala mo yong kuwento sa paraiso ng Eden na hinango sa Bible. Isipin mo lang mabuti ha, paraiso na yon, pero pag binasa mong mabuti ang Bible, mapapansin mo, nasa paraiso na si Adan, subalit nalulungkot parin siya.

Yong mga hayop na kasama nya don may kanya-kanyang kapareha, pero nagtataka si Adan bakit siya ay walang kapareha? (Genesis 2:5-25).

Kung baga, ang tao pala kahit ilagay mo sa paraiso o sa halamanan ng Eden, pero kapag walang kasama, yon nga ang mangyayari – malulungkot din siya!

Nuong binabasa ko nga ang kuwetong ito sa Bible, naisip ko lang: “Ano ba namang klaseng paraiso ito, hindi puwedeng nag-iisa si Adan, nangangailangan pa ng Eba?”

Duon ko napagtanto, kung paniniwalaan yong sumulat ng Genenis, kailan man’y hindi magiging “paradise” o magiging “maligaya ang buhay”, kung wala sayong babaing nagmamahal. Sa kabilang banda, hindi magiging paraiso ang buhay at hindi makukumpleto ang kaligayahan, kung babae ka, kung wala sayong lalaking nagmamahal.

Kaya ako natutuwa sa mga kabataan na nasa hustong edad na, ganon din sa mga katandaan, na na-i-in love pa ng nai-in-love. Tama lang yang ginagawa nyo, dahil ano pa ba ang gagawin natin sa mundong ito, kundi ang umubig at magmahal!

Sapagkat habang umiibig at nagmamahal, nananahan sa ating puso ang hindi maipaliwanag na kakaibang kaligayahan.

Dalawang bagay lang ang maaaring gawin ng tao sa mundong ito. Umibig ng umibig at mag-mahal. Ngayon kung sakali namang mahirap lang kayo at walang kapera-pera, ang isa pang assignment ng tao sa mundo ito ay magpayaman, upang mabili mo ang lahat ng karangyaan at mga pangangailangan mo sa buhay.

Magpayaman ka at umbig ng umibig at mag mahal, makikita mo, kahit papaano sa malungkot at maikling buhay natin sa mundong ito, makakasumpong ka ng kakaibang kaligayahan. Ganon yon!

Umaapela yong bago kong sekretarya habang nagtitipa ako ng mga letrang ito, sabi ba naman: “Maestro hindi pera at pag-ibig ang gusto kong gawin ngayong summer na magpapaligaya sa akin, gusto kong puntahan ang magagandang mga beach sa ating bansa, sa Palawan o kaya’y sa Boracay?”

Sa isip-isip ko lang, “Gaga, pano mo mapupuntahan yon kung wala kang pera?”

Ganon yon! Uulitin ko uli. Dalawang bagay lang ang magpapaligaya sa buhay nating ito, parehong nagsisimula sa letrang “P” – Pera at Pag-ibig.

Ang isa pang nagtataka ako, ay kung bakit nalulungkot ang mga tao, gayong maikli lang naman ang buhay. Yong iba, abalang-abala sa pakikipag-away sa kapit bahay, sa kasamahan sa opisina, sa mga hindi makasundong kaibigan, samantalang mas maraming makabuluhang mga bagay ang mas dapat pahalagahan at gawin.

Sa bagay, hindi pa naman huli ang lahat, puwede pa namang baguhin ang maling attitudes sa buhay. At kung nagbabasa ka ng artikulong ito – magsimula ka na ngayon!

Samantala, Ms. Lonely, tugaygayin at nilaynilayin mo sa loob ng iyong sarili kung bakit ka nalulungkot? Kung wala kang pera kaya ka nalulungkot; maghanap ka ng pagkakaperahan, kapag marami ka ng pera, siguro naman, mabibili mo na ang lahat ng gusto mong bilin at matutugunan mo na ang lahat ng iyong mga pangangailangang pang-materyal, mapupuntahan mo na rin ang lahat ng mga magagandang lugar na gusto mong puntahan. Sa ganyang paraan at sa ganyang estado ng pamumuhay, malamang na makamit mo na ang hinahanap mong kaligayahan.

Ganon paman, kung mapera ka naman sa ngayon, pero nalulungkot ka parin. Tulad ng nasabi na sa itaas, subukan mo uling umibig at magmahal. Kapag may “love interest” ka na makikita mo, maaalala mo ang artikulong ito, masasabi mo sa iyong sarili: “Tama si Maestro tinatanggal ng pag-ibig ang anomang uri ng kalungkutan, upang kapag ang pag-ibig na ito ay natugunan ng isa pa uling pag-ibig, sa sitwasyong iyon, kusang mahuhubog ang isang napakaligayang karanasan!”

Hanggang isang umaga, sa tuwing ikaw ay gigising magugulat ka pa sa iyong sarili, kahit hindi ka marunong kumanta, kusa magbibigay himig ang iyong puso, kung ano ang dahilan at napapakanta ka sa tuwing ikaw ay gumigising sa umaga, hindi mo rin alam kung bakit, kung bakit ka masaya - kasi nga in love ka!

---30---

(Ang Artikulong ito ay ipinablished sa Pahayagang Bulgar nuong April 21, 2012, sa artikulong Itext Kay Maestro Honorio Ong. Dahil libre nyo namang natutunghayan ang mga artikulo ni Maestro Honorio Ong, mas maganda kung araw-araw kayong bibili o magbabasa ng BULGAR, upang matunghayan nyo naman ang mga latest article ni Maestro Honorio Ong - Mho).

Saturday, April 14, 2012

Formula Upang Maging Consistent Honor Ang Inyong Anak



Gusto mo bang maging Consistent Honor ang iyong anak? Sa pagkakataong ito, ibinahagi ni Maestro Honorio Ong ang Apat na Simpleng Sekreto Upang Maging Consistent Honor ang inyong Anak.


Ang artikulong ito ay napablished sa pahayagang BULGAR sa Kolum na Itext Kay Mho nuong April 17, 2012

Itext – April 17, 2012

Dear Mho,

September 14, 2010 ang birthday ng anak ko. Totoo po bang matalinong bata pag 14 ang petsa ng kapanganakan. Code name: Concern Mom ng 9304019383

SAGOT:

Hindi yon birth date na 14 ang matalino, kundi yong pagiging Virgo ng anak mo. Yong mga Virgo kasi magaling mangatuwiran, kaya napagkakamalang matalino. Alalahing dalawang klase ang matalino, isang matalino sa “academic” yong pala-aral, kaya matataas ang grade sa school, habang iyong isang klase naman ng matalino ay yong “likas” kahit hindi pala-aral kahit hindi gaanong nagre-review, pero nakakapasa at nakakaintindi ng leksyon sa klase.

Yong unang matalino, matalino sa “academic” hindi masyadong ganon ang character ng mga Virgo, sa halip, matalino ang mga Virgo ng “likas”. Kahit hindi sila mag-aral, makakapasa sila, kaya nga kapag ang isang Virgo ay “masipag na mag-aral o mag-review” yon ang perfect na Virgo, “likas na matalino” matalino pa sa “academics”, tiyak na maho-honor pag nag-aral na siya sa school.

Subalit hindi yan ang magandang pag-usapan. Sa halip, ang magandang pag-usapan ay kung paano magiging mataaas ang marka ng bata sa academics para maging proud naman si Mommy at Daddy sa kanilang anak at masabing hindi na sayang ang kanilang mga pagsisikap, dahil nga consistent honor ang mga anak.

Yon ang magandang pag-usapan. At magagawa mo yan Mommy sapamamagitan ng mahiwagang salitang “magaling na tutor”. Ganon yon, kung may pambayad ka naman ng magtyu-tutor sa iyong mga anak, kumuha ka nito, upang ahead of time, o advance, hindi pa pinag-aaral yong “book o subject” ia-advance na agad ng nasabing magaling na tutor na ituturo sa iyong anak.

Lalo na ngayong summer o bakasyon, i-enroll mo na ang iyong anak, para makuha nya na yong mga books na gagamitin sa June. Ngayon palang ikuha mo siya ng magaling na tutor at isa-isahin ng ituro sa bata ang mga asignatura. Makikita mo, sa susunod na pasukan, maho-honor ang iyong anak.

Hindi mo dapat asahan yong salitang “matalino ang anak ko!” Dahil kagaya ng naipaliwanag na natin sa itaas, dalawang klase ang matalino. Isang matalino sa academics at isang likas na matalino. Mas magaling kung likas na matalino ang anak mo at nai-advans nya pang aralin ang aspetong pang-academics. Sa ganoong paraan, yong likas na matalino, ay siguradong maho-honor.

Alam nyo si Jesus King yong panganay kong anak, magyayabang muna ko ngayon, consistent first honor mula Grade I hanggang Grade V, Grade IV na siya pag-pasok sa darating na pasukan.

Pero hindi ko pinanghahawakan yong salitang “matalino kasi ang lahi namin” at hindi ko rin pinanghahawakan yong salitang “likas kasi siyang matalino!” Bagkus, first honor na si Jesus King, kinukuha ko pa siya ng magaling na tutor at tinutyuturan pa siya ni Winnie My Love sa English at Math, habang tyinutyuturan ko pa si Jesus King sa Sibika at Science.

Ganon katindi ang ginagawa namin, para masiguradong hindi siya papalya sa pagiging consistent first honor.

Minsan kasi hindi usapan dito sa pagiging honor yong matalino ba ang anak mo. Sa halip, dapat mo ring ikonsidera ang “effort” o mga teknik ng pagsisikap kung paano mo momodelhin ang iyong anak na maging consistent honor.

Yon nga ang susi. Upang maging consistent honor ang anak mo, ikuha mo ng magaling na tutor. Kung may time ka o panahon at alam mo magaling ka sa isang asignaturang itinuturo sa school sa anak mo, ikaw na ang magturo non, bukod sa kanyang regular na magaling na tutor. Kung si Daddy naman ay may special na subject na magaling siya don, dapat ituro nya din sa kanyang anak, yong subject na magaling si Daddy.

Sa ganoong paraan, tatlo bale ang tutor ng anak mo, siguro naman kahit bobo ang anak mo, mlamang na ma-honor!

Nangyari, dahil iyong ibang estudiyante na karibal nya, ano sa palagay nyo, may tutor kaya? Kung may roon man, magaling naman kaya yong tutor nya? Kailangan kasing magaling ang tutor ng anak mo para maging magaling din siya.

Yong ibang estudiyante ano sa palagay nyo, tyinutyuturan din kaya ng mga magulang nila? Kung tyinutyuturan din, e nagkataong hindi naman “espesyalidad ng magulang yong subject na itinuturo nya sa anak nya” paano ngayon yon? Baka ang mangyari, pareho pang mabagsak yong nanay at anak?

Ganon yon! Lilinawin at uulitin natin: Apat ang Susi o Sangkap, upang ang isang estudiyante ay ma honor sa school, simple lang:

(1)Ikuha mo siya ng magaling na tutor.

(2) Kung ikaw ay may subject na master na master mo nuong nag-aaral ka pa, bilang Mommy, tyuturan mo pa uli sa subject na iyon ang iyong anak.

(3) Kung ikaw naman si Daddy at may subject ka na master master mo nuong nag-aaral ka pa, tyuturan mo pa uli sa subject na yon ang iyong anak.

At pang-apat (4) pinakamahalaga sa lahat, i-enroll mo na agad ang iyong anak. Ngayon palang pa-advans mo na sa magaling na tutor ang mga subject, para pagdating ng pasukan sa June, Oo nakikinig yong anak mo sa nagle-lecture na teacher, pero sa isip-isip ng anak mo “alam ko na yan, naituro na sa akin yan!”

Sa ganyang mga simpleng paraan, tiyak ang magaganap magiging consistent honor ang iyong anak, at hindi lang yon ang maganda bilang isang magulang, kung hindi ka na-honor ni minsan nuong elementary at high school, proud na proud ka, masasabi mo ngayon sa iyong sarili: “Wow naman, honor ang anak ko para narin akong na-honor!”

****

(Dahil Libre at Walang Bayad nyo namang natutunghayan ang mga artikulo ni Maestro Honorio Ong, mas maganda kung paminsan-minsan o kaya'y araw-araw bibili kayo ng pahayagang BULGAR upang matunghayan nyo naman ang mga latest articles ni Maestro Honorio Ong - maraming salamat po!)

--------30-----