Monday, June 2, 2008

ANG TUNAY NA MAPALAD







NAMAMANAHON ANG ARTIKULO NI MAESTRO HONORIO ONG NITONG NAKARAANG JUNE 4, 2008 sa pahayagang BULGAR, kung saan, ipinakita niya kung paanong sa kabila ng Krisis Pandaigdig na nararanasan ng mga tao, may mga bagay na dapat paring ipagpasalamat.

Sa artikulo niyang: ANG TUNAY NA MAPALAD

Itext – June 4, 2008

Dear Mho,

May pag-asa po ba akong tumangkad Maestro kahit na half inches lang, bago sumapit ang edad kong 30. October 19, 1983 po ang birthday ko. Code name: Libra ng 9166777629

SAGOT:

Sad to say na wala ka ng pag-asang tumangkad, sapagkat ayon sa mga pagsusuring isinagawa hinggil sa height o pagtaas ng isang indibidual, kadalasan itong nagaganap mula sa pagkapanganak hanggang sa ika-18 at minsan ay umaabot pa ng 21 hanggang 22 years old. At dahil lagpas ka na sa nasabing edad malabo at imposible ka ng tumangkad o madagdagan pa ang iyong height.

Tandaan ding ang height gayon din ang pigura ng katawan, tulad ng matambok na dibidb, malaki at matabang pagkalalaki ay namamana, gayon din ang hubog at hugis ng katawan, kaya nga kapag ang pisikal na anyo ang problema ng isang tao, mas ipinapayo ng mga dalubsa na tanggapin na lang ng maluwag sa loob ang kapalaran at maging satisfied na sa kung ano ang ibinigay sa iyo ng Dakilang Lumikha.

Hindi rin naman ipinapayo ng matinong at mabubuting loob na mga experto na magpa-opera ka, uminom ka ng ganito o ganireng gamot, gumamit ka ng mga aripisiyal na bagay at kung ano-ano pang pamahid upang masulusyunan ang iyong problema, sa halip tulad ng naipaliwanag na, ang tamang pag-counsel sa nasabing mga indibidual na hindi mapakali sa pisikal nilang itshura ay ang salitang “pagtanggap!”

Maluwag sa loob mong tanggapin ang iyong pisikal na katangian, pagandahin mo ito sa natural na paraan, at pagkatapos magpasalamat ka sa Diyos, dahil kahit na mababa o kulang ang iyong height mas mapalad at mas mabuti ka parin, dahil iyon iba nga diyan ay pinanganak na kuba, palinghado ang spinal column, at ang iba ay hindi nga makalakad.

Ganon din ang parabula hinggil sa isang bata na may lumang sapatos. Nakadungaw siya sa bintana ng kanilang bahay, namumroblema at nalulungkot dahil malapit na ang pasukan. Sa isip-isip niya: “ang upod at luma ko na naman sapatos ang aking isusuot habang bago at magaganda ang sapatos ng mga ka-eskuwela ko.” Maya-maya may isang batang nakasaklay ang nagdaan sa karsada, hilahod ang kaliwang paa at putol naman ang kanan.

Nasabi ng bata sa sarili: “Buti na lang may luma akong sapatos, di tulad ng batang iyon, kahit kailan hindi na makakaranas pa na magsuot ng sapatos.

Kaya iyong mga may asawa diyan, magpasalamat kayo at kayo ay may asawa, iyong iba nga diyan, walang asawa o kaya naman’y hiwalay sa asawa. Pagsapit ng gabi sakbibi ng kalungkutan at pagiisa.

Kaya kayong mga may girlfriend at boyfriend, magpasalamat kayo sa kanya, dahil iyong iba nga diyan, walang syota. Sakbibi ng pananabik at pangungulila nagtatanong kung ano ba ang karanasan na magkaroon ng dyowa?

Kayong may mga regular na trabaho pero maliit ang suweldo, magpasalamat kayo dahil iyon iba nga diyan, palipat-lipat ng trabaho, habang iyong iba naman naubos na ang pera sa pag-bili ng biodata at pagkuha ng mga requirements hanggang ngayon istambay parin at walang kinikita.

Kayong mga butas ang bubong at laging tumutulo kapag umuulan, mapagsalamat kayo dahil iyon iba nga diyan ay squatter lang, malapit ng paalisin sa kanilang tinitirahan at iyong iba naman, sa buong buhay nila, lagi na lang silang nangungupahan at hindi na nagkaroon ng permanenteng tirahan.

Iyong mga walang sariling computer sa bahay, magpasalamat parin kayo dahil iyong iba nga diyan, hindi marunong sumulat at bumasa.

Sa mga estudiyanteng nag-aaral, magpasalamat kayo at mahalin at pahalagahan ninyo ang inyong edukasyon, dahil iyong ibang mga bata diyan, namumulot lang ng basura at sa halos-araw-araw ay nagkalat sa lasangan para mamalimos.

Sa mga may anak na makukulit magpasalamat kayo, sapagkat iyong iba ngang mag-asawa diyan, inip na inip ng magka-baby, ngunit nanatili paring baog.

Sa mga sanggol na may nadedede pa, kahit na mumurahing gatas lang magpasalamat kayo sapagkat iyong ibang sanggol diyan, sabaw na lang ng kanin at kung minsan ay purong tubig na lang ang dinedede sa maghapon.

Kung malusog ang inyong pangangatawan, pero laging gulay at mumurahing pagkain lang ang kinakain, magpasalamat parin kayo dahil iyong iba nga diyan, kahit sabihin pang mayaman, nakaratay sa banig ng karamdaman at iyong iba naman ay may taning na ang buhay dahil sa mga sakit na walang kagalingan.

Sa mga may buo at maayos na pamilya, kahit na naghihirap at kung minsan ay walang makain, magpasalamat parin kayo dahil iyon iba nga diyan, walang pamilyang dadatnan pag-uwi ng kanilang bahay.

Lagi tayong magpasalamat, kahit naghihirap ang ating bansa, di tulad sa Iraq at Afghanistan, patuloy na nagsu-suicide ang mga panatiko nilang kababayan upang maibalik lamang ang kalayaan na winasak ng mga walang hiyang dayuhan.

Magpasalamat tayong lagi sa Diyos, sa pagsikat ng bagong silahis ng araw ngayong umaga, sapagkat sa ibang panig ng mundo, sa tuktok at sa ilalim nito, sa loob ng isang taon minsan lang sumikat ang araw!

--------30---------

FORMULA UPANG SUWERTEHIN SILANG ISINILANG SA PETSA 2, 11, 20, 29 7, 16 at 25

SA PAGKAKATAONG ITO TINALAKAY NI MAESTRO HONORIO ONG ANG FORMULA UPANG SUWERTEHIN ANG MGA TAONG ISINILANG SA BITH DATE NA 2, 11, 20, at 29, gayon din silang may weak number na 7, 16 at 25.


Numero – June 3

Dear Maestro,

April 29, 1985 po ang birthday ko. Ang problema ko ay ang kawalan ko ng trabaho. Iyon pong pang-matagalan at masasabi kong regular na po talaga. Masipag naman akong maghanap ng trabaho pero bakit kaya pulos contractual lang ang natatagpuan ko. Mas mahaba pa nga ang buwan na natatambay ako kaysa sa may trabaho ako. Ano po sa palagay mo Maestro may pag-asa ba akong makatagpo ng trabahong pang-matagalan? Pagod na pagod na po kasi akong mag-aplay bukod sa gatos na sa pamasahe gastos pa sa mga requirements. Sige po Maestro sana sa pagkakataong ito masagot nyo na ako, sumulat na po ako dati at walang palya akong bumibili ng BULGAR pero talaga yatang hindi pa ako sinuswerteng inyong mapagbigyan, sana sa pagkakataong ito masagot nyo na ako.

Umaasa,

Green Emerald ng Parola, Tondo, Manila

Dear Green Emerald,

Sabi ko naman sa inyo, kailangan ng mga taong may weak number na tulad mo, 2 kasi ang birth date mo sa destiny number na 2 din, ay “backer” upang mas madali silang hindi lang magka-trabaho kundi mapanuto ang karanasan nila sa lahat ng aspeto ng buhay.

Ayaw mo kasi yatang manila na “backer, kapit padrino, taong maimpluwensiya, kaibigang kakilala na nagta-trabaho na,” o kung sino pamang makakatulong sa iyo ang kailangan mo at hindi “walk in” ka lang ng “walk-in” sa pag-aaplay o lakas loob na wala ka namang backer, ay ganon nga ang mangyayari, kahit na matanggap ka, hindi karin magtatagal sa anomang trabaho.

Kaya ngayon palang maghanap ka hindi ng trabaho kundi ng isang tao na tutulong sa iyo upang magkaroon ng trabaho, at ang taong nasabi ay puwedeng isinilang sa zodiac sign na Libra, Virgo, Capricorn, Scorpio, Cancer o kaya’y kapwa mo Taurus. Sa particular malaki ang maitutulong sa iyo ng mga taong isinilang nuong October 6, 15, 24, 9, 18 at 27 o kaya naman’y ng isang taong isinilang nuong November 2, 11, 20, 29, o kaya naman’t isinilang nuong July 7, 16, 25, September 7, 16, 25, o kaya naman’y isinilang nuong May 1, 10, 19, 28, o kaya naman’y isinilang nuong January 1, 10, 19, at 28.

Pagkatapos kapag nakakita ka ng taong tutulong sa iyo, ngayon pala mag-pratice ka na ng mas magandang lagda. Wag mo kasing bilugin na parang koretng irregular shape na puso ang letrang “C” sa unahang bahagi ng iyong pirma. Mano bang isulat mo ng maayos ang letrang “C” idugtong mo ang iba pang mga letra at pagkatapos, okey na iyong gitnang bahagi ng iyong lagda, habang iyong ending ay tapusin mo sa isang “straight line” sa halip na masyadong pinasibat sa pagkataas-taas na kalawakan ang nasabing ending ng lagda. Ayos na ang striaght line na ending upang mas mapanuto ang karanasan mo sa paghahanap ng regular na trabaho.

Pagkatapos dapat mo ring malaman ang pinaka-favorable month mo sa paghahanap ng trabaho at sigurado din namang sa mga buwang ito ka magkakaroon ng trabaho, sa buwan ng Mayo, sa buwan ng Oktubre, sa buwan ng Enero, sa particular mapalad ka rin mula sa ika-20 ng Agosto hanggang ika-25 ng Setyembre, mula sa ika-20 ng Disyembre hanggang ika-25 ng Enero at mula sa ika-20 ng Abril hanggang ika-25 ng Mayo.

Habang ang pinaka-masuwerte mo namang kulay ay ang kulay na pula, asul, berde at itim. Lagi kang magsuot ng nasabing mga kulay upang mas madali mong maakit ang mabuti at magagandang kapalaran.

Kapag nagawa mo ang mga simpleng rekomendasyong nabanggit na sa itaas, tiyak ang magaganap sa taong kasalukuyan (2008) 2011, 2012, at 2013 magkakaroon ka na ng isang maganda at regular na trabaho na magdadala sa iyo sa tuloy-tuloy na pag-unlad at tagumpay.

-----30--------

MARS AT VENUS: SUWERTE KAPAG NAGSAMA











SUWERTE ANG PLANETANG MARS PARA SA MGA VENUSIAN PERSONALITY


Sa pagkakataong ito, tinalakay ni MAESTRO HONORIO ONG kung paano susuwertehin silang isinilang sa zodiac sign na Taurus at Libra, gayon din silang mga taong tinatawag na “venusian personality”.

Tunghayan natin ang kanyang paliwagan, sa artikulong KAPALARAN AYON SA INYONG NUMERO (Ipinablished sa Pahayagang BULGAR nuong June, 1, 2008)

ANG IMPLUWENSIYA NG PLANTENG MARS SA BUHAY NG ISANG TAONG ISINILANG SA ZODIAC SIGN NA TAURUS AT LIBRA


Numero – June 1

Dear Maestro,

Sumulat po ako sa inyong upang humingi ng advice, tulong o gabay. Ako po ay isang lesbian. Ako po ay may ka-live in for more than three years, po kaming nagsama. Ang birthday kop o ay October 22, 1973, siya naman po ay mayc 6, 1979 at ang anak niya po na inako ko na rin bilang tunay na anak ay October 14, 12001. Nagkahiwalay po kami kamakailan lang. Nais ko pong malaman kung kami po ba ay magkakabalikan pa at may pag-asa bang magkasasama kaming muli habang buhay. Nalilito po kasi ako sa ngayon kung bakit nagawa niyang kaming ipagpalit sa mga bagong kakilala niyang mga kaibigan. Turuan po ninyo ako upang maayos po ang buhay ko at maging maligaya.

Umaasa,

Ms.Lonely ng Bahay Pare, Meycauyan, Bulacan

Dear Ms. Lonely,

Ang hindi nya alam at hindi mo rin alam, pero ipapa-alam ko na ngayon sa inyo ay suwerte kayong tatlo na magkakasama.

Oo, suwerte ka sa kanya, suwerte siya sa iyo, at suwerte rin ang anak niya o ang anak-anakan mo kapag kayong tatlo ay magkakasama.

Kaya kung talagang ayaw na nya sa iyo, pilitin mong buuing muli ang inyong relasyon hindi na bilang mag-lovers kung hindi ka na nga niya talagang mahal, kundi bilang mag-bestfriend na lang, bilang magkakapatid, bilang pamilya na parang walang nangyari.

Sa ganyang paraan, kapag nagkasama-sama muli kayong tatlo, ikaw na may birth date na October 22, 1973, siya na may birthday na May 6, 1979 at ang anak niya na may birthday na October 14, 2001, makikita mo, yayaman kayo at isa na lang ang kulang para kayo ay yumaman – ang magkaroon kayo ng kahit na anong uri ng sasakyan (mas maganda kung kotse) na may kulay pulang kulay.

Alam mo kung bakit suwerte kayong tatlong magkakasama, ang zodiac sign mo kasing Libra na nasapagitan ng Scorpio ay “very favorable o sabihin na nga nating very lucky” sa isang Taurus na may birth date na 6.

Ang ruling planet nyo kayong tatlo, kasama na ang anak niya na may zodiac sign na Libra na may birth date pang 14 ay Venus.

Ang planting Venus na ito ang palaging gagabay sa inyong tatlo na magbibigay ng mas madami pang magagandang kapalarang hindi nya inaasahan.

Ang nakatutuwa, itong Venus na ito ay mapalad na inaalayayan ng planeta Mars na siya namang ruling planet ng mga taong naiimpluwensiyahan ng Scorpio at siya ring ruling planet ng mga taong “immoral”. Wag na nating sabihin immoral, bagkus ang planetang Mars ay siyang ruling planet ng mga taong “may abnormal sexul life”. Wag na nating sabihing “abnormal sexual life or act” sabihin na lang nating ang Mars ay siyang ruling planet ng mga taong may “kakaibang panlasang sexual at kakaibang mag-appreciate ng beauty at sex.”

Sa makatuwid kapag laging magkasama si Venus na ruling planet nyo ngang tatlo at lagi din nilang kasama si Mars, walang kamali-mali, o walang kamintis-mintis, suwabeng-suwabeng uusad ang isang masigla, masaya at maunlad na pagsasama habang buhay.

Ang nakatutuwa pa nito, ay nasamahan ang planetang Venus at Mars, ng isa pa uling napaka-suwerteng planetang Mercury, mapalad sa salapi at materyal na bagay at gayon din sa negosyo na siyang ruling planet ng anak-anakan mo o ng anak ng girlfriend mo na may birth date na 14.

Sa matuling salita, tulad ng nasabi na sa itaas, napaka-simple ng gabay na dapat mong isagawa sa inyo, kung bagay na sa “right track” na kayo dati, nuong kayong tatlo’y magkakasama pa, ibabalik mo na lang at makikita mo, tuloy-tuloy na kayong uunlad at habang buhay na magiging maligaya.

Sa kabilang banda kung ayaw na niya uli sa iyong makisama, o sabihin na nating “naluka na siya sa ibang grupo o daigdig” ang pinaka-mabuti mong magagawa, ay abangan mo na lang ang kanyang pagbabalik, dahil sa “depth astrology” na tinatawag o iyong malalimang pag-aanalisa ng mga planetang umiimpluwensiya sa buhay ng bawat isang indibidual, “ang hindi alam ng isang Taurus, wag na nating sabihing Taurus, bagkus puwede din kasi ng isang Libra, kaya sabihin na lang nating ang hindi alam ng isang indibidual na naiimpluwensiya ng planetang Venus tulad ng girlfriend mo, hindi siya mabubuhay ng maligaya, hindi siya mapapanuto, hindi siya mapapakali, hindi niya makakamit ang pag-unlad, hindi niya masusumpungan ang kapahingahan at kampante at satisfied na buhay, hanggang hindi niya nami-meet ang kanya “animus or animan” o iyong “the self with in” na matatagpuan lamang niya iyon sa isang indibidual na naiimpluwensiyahan ng ruling planet na Mars – at ikaw iyon.

Kaya nga ang siguradong mangyayari sa inyong relasyon kung matututo kang magtiyaga at maghintay-hintay lang ay mauuwi sa ganitong kasabihan: “ang bahay na nilasayan ay siya ring palang tahanang muling uuwian na magdudulot ng kapanatagan at pang habang buhay na kaligayahan!”

----30--------