Tuesday, February 17, 2015

MASAMANG MANGARAP.....



(ANG matutunghayan nyo ngayon ay isang katanungan mula sa letter sender na natanggap ni Maestro Honorio Ong. Ang kanyang kasagutan ay ipinablished sa Pahayagang BULGAR, as of  third or last week of February 2015 sa kanyang artikulong Kapalaran Ayon sa Inyong Numero. Ang "topic" sa artikulong ito ni Maestro Honorio Ong ay tungkol sa "pangarap at kung paano natin maaabot ang ating mga pangarap.) 

Dear Maestro,  

Sa ngayon po ay nagta-trabaho ako bilang factory worker.  Maliit at mababa lang ang aking suweldo kaya kulang na kulang pa sa pamilya ko. Balak ko sanang mag-abroad upang mabigyan ng magandang kinabukasan ang aking mga anak. Kung mag-aapalay ako sa ibang bansa, may pag-asa kaya akong makapag-abroad at guminhawa ang buhay ko doon? Sana maanalisa nyo kung ano ang mangyayari sa aking kapalaran sa susunod pang mga panahon, nababahala  kasi ako  hinggil sa magiging kinabukasan ng aking mga anak, dahil alam naman nating lahat na napakahirap ng buhay sa ngayon baka hindi ko sila mapag-aral, kaya ngayon palang plinaplano ko na ang aming magiging future dahil hindi naman po masamang mangarap, hindi po ba? July 5, 1978

Umaasa,

Jemuel ng Hulo, Meycauyan, Bulacan

Dear Jemuel,

Hindi totoong hindi masamang mangarap, bagkus masamang mangarap kung hindi mo gagawin at hindi mo ipapatupad ang pangarap mo!

Masamang mangarap, dahil nga kung hindi mo naman magagawa ito, tatawagin ka ng lipunan na bigo. At kapag nag-reunion kayong magkaka-classmates, hindi maiiwasang pagtsi-tsismisan ng mga dalahira mong ka-klase ang naging buhay mo at sasabihin nila, habang nakaumpok sa isang lamesa: “Si Kurdapyo pala na dating crush mo, traysikel driver lang at ang napangasawa ay proninsyanang katulong lang, tapos sunod-sunod pa ang naging anak nila!”

Sasagot naman yong isa pang mapanlait na ka-klase mo, “Oo nga noh, kawawa naman anoh!”  

Kapag naman tagumpay na tagumpay ka, ganito naman ang maririnig mo sa mga tsimoso at tsimosa mong ka-classmates na naguumpukan sa kabilang lamesa habang nagaganap ang inyong reunion at may nagsasalitang kamag-aral nyo sa stage: “Si Kurdapya pala mayaman na, ang gara at mamahalin ang sasakyan samantalang napaka-bobo nya noong nag-aaral pa tayo noh!”

Sasagot naman yong kausap na ka-klase nyo: “Oo nga e, nangongopya lang kaya siya sa akin, pero ngayong bigtime na, nakapag-asawa kasi ng foreigner e.”

Ganon ang kadalasang nangyayari sa reunion, tuwang-tuwa ang mga ugok na pag-kuwentuhan ang buhay ng kanilang mga ka-klase “after so many-many years” na hindi sila nagkikita-kita.

Kaya ako iniiwasan kong umattend ng class reunion, hindi naman dahil sa isa ako sa mga nanlalait ng mga ka-klase, sa halip “kinikilabutan ako kapag naririnig ko ng pinagtsi-tsismisan ng mga ka-class mates ko na para bang minamaliit yong mga ka-klase naming nanatiling mahirap na lamang at hindi nagtagumpay sa kanilang buhay.”  

Kaya masamang mangarap Jemuel kung hindi mo naman tutuparin, isasabuhay at bibigyang aksyon ang mga pangarap mo, dahil kapag sumablay ka, kapag hindi mo na paunlad ang iyong buhay at nag-reunion kayong magkaka-klase, mas mainam pang wag ka na lang umattend dahil ang totoo, ikaw ang malamang sa isa sa mga pag-tsismisan ng mga ka-klase mo na bagamat hindi nila sinasadya, lalait-laitin nila ang buhay mo – dahil matapos ang maraming mga taon, matapos kayong grumadweyt ng elementary o ng high school wala kang ginawa upang umunlad ang buhay mo, sa halip ang iyong pangarap ay nanatiling pangarap na lamang hanggang sa tumanda ka na at magka-apo!

Kaya nga para wag mangyari sa iyo ang senaryong binabanggit natin sa itaas, ngayon palang kahit paunti-unti tuparin mo ang anomang pangarap na iniisip mo sa buhay mo, tulad nga na makapag-abroad ka para mabigyan mo ng magandang kinabukasan ang iyong mga anak.

Samantala ang birth date mong 5, sa destiny number na 1, (7+5+1978=1990/ 19+90=109/ 10+9=19/ 1+9=10/ 1+0=1) sa zodiac sign na Cancer ang nagsasabing konting lakas lang ng loob, sigurado ang magaganap, basta’t nag-aplay ka sa abroad, kusa kang makapangingibang bansa sa takdang panahong inilaan ng kapalaran sa tulong ng isang kaibigang Virgo.

Kaya tama ang ginagawa at iniisip mo sa ngayon hindi ka dapat makuntento bilang isang factory worker lang, sa halip mag isip ka ng paraan upang umunlad ang kabuhayan ng inyong pamilya at tama ang naisip mo mag-abroad ka at sa sandaling nakapag-abroad ka, pilitin mong makaipon ng sarili mong puhunan, at pagkatapos magnegosyo ka, dahil ang lagda mong simple lang, dawalang letra at pagkapos ay idinugtong mo na agad ang iyong aplido ay nagsasabing bukod sa pag-abroad, magtatagumpay at uunlad ka rin sa pagnenegos.

Lalo na kung sa halip, na pasubsub o sa pababang stroke mo tinapos ang iyong lagda, tapusin mo iyan sa paitaas o kaya’y pa-straight line na stroke. Sa ganyang bahagyang-bahagyang pagbabago lamang ng iyong signature, tulad ng nasabi na, kusa mong matutupad ang pangarap mo sa buhay – ang mabigyan ng magandang kinabukasan ang iyong pamilya.

Ang lahat ng positibong pag-aanalisang inilahad na sa itaas ay magsisimulang mangyari at maganap sa taong kasalukuyan 2015 sa edad mong 37 pataas, makapag-aabroad ka at makapag-nenegosyo, hanggang sa sumapit ang taong 2027, sa edad mong 49 pataas, mayamang-mayaman ka na at maunlad na maunlad na ang buhay ng inyong pamiya at sa sandaling nag-reunion kayong magkaka-klase, ganito ang hindi mo sinasadyang maririnig mo sa umpukan ng iyong mga kamag-aral sa kabilang mesa: “Si Jemuel nangungutang lang sa akin dati yan ng pambili ng pang-meryenda, ngayon ubod ng yaman na pala, paano nya kaya nagawa yon?”

--------30--------
 


Sunday, February 15, 2015

Available na po sa tanggapan ng Pahayagang BULGAR ang ika-3 AKLAT ni MAESTRO HONORIO ONG: IBINULGAR – ANG SIKRETO NG IYONG KAPALARAN, sa halagang P385.00 only. Maraming Salamat po!







Available pa po ang ilang kopya ng IKATLONG AKLAT ni Maestro Honorio Ong. Hindi ito mabibili sa mga pangunahing book store, sa halip exclusive lang po itong maa-avail sa tanggapan ng Pahayagang BULGAR, sa 538, Quezon Avenue, Quezon City, sa harap ng Sto. Domingo Church. Ang presyo po ng ika-3 aklat ni Maestro Honorio Ong ay P385.

Narito po ang mga nilalaman ng IKATLONG LIBRO NI MAESTRO HONORIO ONG:


Ang Sikreto ng Iyong Kapalaran, Ibinulgar
(Ikatlong Aklat)




ni Maestro Honorio Ong






Sison’s Publishing House, Inc.
Quezon City








Ang Sikreto ng Iyong Kapalaran Ibinulgar, (Ikatlong Aklat)
ni Maestro Honorio Ong

Copyright @ 2014 by Maestro Honorio Ong
All Rights Reserved
Published by Sison’s Publishing House, Inc.
538 Quezon Avenue, Quezon City, Philippines
Tel # 749-0091 / 712-2874
Grateful acknowledgments:
Rainier E. Sison
Leonida B. Sison 


Cover design concept: Ed B. Maglabe
Cover layout: Vangie P. Fontelera


Inside Illustrations: Frances Joy Marchan
                                   Gilbert & Ban Dongitz

                                  
Editorial Staff: Sarah Lavapie
                           Jelanie Calayan
                           Jesus King


Consultants:  Sñr Socrates Magnus II, Kuya Manoling,
                         Dikong Ben, Jesse, Hill & Do                                       

                         

Printed in the Philippines 2014

Mga Nilalaman
Mula sa Lamesa ng Butihing Publisher…………………………………………………………………….
Editor’s Note……………………………………………………………………………………………………….
Level 3 na…………………………………………………………………………………….……………………

LESSON 1. ANG SIKRETO NG PHYSIOGNOMY AT BODY LANGUAGE

·         Malalaman mo ang iniisip at saloobin ng isang tao kahit hindi siya magsalita…………..
·         Paano malalaman ang katangian at kapalaran ng isang tao base sa kanyang mukha?...
·         Ang Sikreto ng Physiognomy……………………………………………………………………………………..
·         Ang Limang Pangunahing Hugis ng Mukha…………………………………………………………..
·         Ang Parisukat na Hugis ng Mukha (Square Face) ..……….……………………………………..
·         Ang Parihabang Hugis ng Mukha (Rectangular Face)………………………………………….
·         Ang Malahiyas na Hugis ng Mukha (Diamond Face)……………………………………………..
·         Ang Tatsulok na Hugis ng Mukha (Inverted Triangular Face)……………………………….
·         Ang Bilugang Hugis ng Mukha (Rounded Face)………………………………………………………
·         Ang Anim na Pangunahing Hugis ng mga Mata……………………………………………………..
·         Ang Mata………………………………………………………………………………………………………………..
·         Ang Malaki at Bilugang Hugis ng mga Mata………………………………………………………….
·         Ang Maliit at Medyo Singkit na Hugis ng mga Mata……………………………………………….
·         Ang Itim na Kulay ng mga Mata……………………………………………………………………………….
·         Ang Brown na Kulay ng mga Mata……………………………………………………………………………
·         Dilat na Dilat na Hugis ng mga Mata………………………………………………………………………..
·         Sukab na Hugis ng mga Mata…………………………………………………………………………………….
·         Ang Noo……………………………………………………………………………………………………………………..
·         Ang Limang Hugis ng Noo………………………………………………………………………………………….
·         Ang Malapad at Mataas na Hugis ng Noo…………………………………………………………………..
·         Ang Malapad at Mahabang Hugis ng Noo…………………………………………………………………..
·         Ang Makitid na Mataas na Hugis ng Noo……………………………………………………………………
·         Ang Makitid at Mababang Hugis ng Noo……………………………………………………………………
·         Ang Matambok na Noo………………………………………………………………………………………………
·         Ang Tatlong Hugis ng Ilong………………………………………………………………………………………..
·         Ang Ilong……………………………………………………………………………………………………………………
·         Ang Matangos na Hugis ng Ilong…………………………………………………………………………………..
·         Ang Pango na Hugis ng Ilong…………………………………………………………………………………….. 
·         Ang Katamtamang Hugis ng Ilong……………………………………………………………………………..
·         Ang Labi…………………………………………………………………………………………………………………
·         Ang Manipis at Makapal na Labi……………………………………………………………………………..
·         Ang Tatlong Hugis ng Labi………………………………………………………………………………………..
·         Ang Mala-kuwebang Hugis ng Labi (Concave Lips)………………………………………………
·         Ang Mala-bangkang Hugis ng Labi (Convex Lips)…………………………………………………..
·         Ang Mala-Tuwid na Labi (Straight Lips)…………………………………………………………………
·         Ang Sikreto ng Body Language………………………………………………………………………………
·         Kahulugan ng Kamay na Pinagpatong sa Likuran…………………………………………………
·         Kahulugan ng Daliri na Medyo Nakasapo sa Gilid ng Pisngi…………………………….
·         Kahulugan ng Kumakamot ng Pisngi o Panga Malapit sa Tenga……………………………
·         Sinapo ang Buong Kamay sa Pisngi o sa Mukha…………………………………………………..
·         Inilagay ang Kaliwang Kamay sa Likod at Anyong Sinasapo ang Batok…………………..
·         Nakasapo ang Ddalawang Kamay sa Batok…………………………………………………………….
·         Nanduduro sa iyong Dibdib o sa iyong Mmukha……………………………………………………
·         Inilagay ang Kamay sa Ulo, anyong Nagkakamot ng Ulo o ng Batok…………………….
·         Ang Sikreto ng Pakikipagkamay (Handshakes Interpretation)…….

LESSON 2. ANG SIKRETO NG PANAGINIP
·         Ang lihim na pinto pabalik sa Halamanan ng Eden…………………………………………………….
·         Edgar Cayce – “The Sleeping Propet” ………………………………………………………………………..
·         Ang Atlantis………………………………………………………………………………………………………………..
·         Ang Akashic Record……………………………………………………………………………………………………
·         Ang Mahiwagang Aklat ni Dikong Ben……………………………………………………………………….
·         Sigmund Freud – “Dreams are the royal road to the unconscious.”…………………………..
·         Carl Jung – Personal Unconscious at ang Collective Unconscious……………………………..
·         The Personal Unconscious………………………………………………………………………………………….
·         Collective Unconscious at ang Archetypes………………………………………………………………….
·         Pitong (7) Sitwasyon kung bakit nanaginip ang isang tao…………………………………………..
·         Ang Kahulugan ng Mga Panaginip………………………………………………………………………………
·         Ang Panaginip na Ahas……………………………………………………………………………………………….
·         Ang Panagnip na Aklat………………………………………………………………………………………………..
·         Ang Panaginip na Alahas…………………………………………………………………………………………….
·         Ang Panaginip na Apoy……………………………………………………………………………………………….
·         Ang Panaginip na Aso (Dog)………………………………………………………………………………………..
·         Ang Panaginip na Barko………………………………………………………………………………………………
·         Ang Panaginip na Barya………………………………………………………………………………………………
·         Ang Panaginip na Bahay……………………………………………………………………………………………..
·         Ang Panaginip na Bukid……………………………………………………………………………………………….
·         Ang Panaginip na Bulaklak ………………………………………………………………………………………….
·         Sample Analysis # 1 Alahas at Barya sa Panaginip……………………………………………………..
·         Sample Analysis # 2 Ahas at Bata sa Panaginip…………………………………………………………..
·         Sample Analysis # 3 Ahas sa Panaginip II……………………………………………………………………
·         Sample Analysis # 4 Bulaklak sa Panaginip…………………………………………………………………


LESSON 3. ANG SIKRETO UPANG MANALO SA ANUMANG URI NG NUMBER GAMES
·         Ang Mahiwagang Folder……………………………………………………………………………………………..
·         Mga Subok na Paraan upang Manalo sa Anumang Laro o Sugal…………………………………..
·         Ang Sikretong Diskarteng “Jack Money Maker”…………………………………………………………….
·         Ang Sikreto upang Manalo sa Larong Roleta (Roullete)………………………………………………….
·         Ang Sikreto Para Manalo sa Caribbean Poker………………………………………………………………….
·         Ang Sikretong Diskarte upang Manalo sa Slot Machine…………………………………………………..
·         Karagdagan pang Sikreto at Tagubilin Upang Matiyak ang Panalo………………………………
·         Ang Sikreto Upang Manalo sa Hueteng…………………………………………………………………………….
·         Ang Lihim na Katumbas na Numero sa Hueteng Ayon sa mga Panaginip………………………….
·         Ang Mahiwagang Sikreto Upang Manalo sa Hueteng at Lotto……………………………..
·         Ang Magic Table……………………………………………………………………………………………..
·         Ang Pitong (7) Magic Tables………………………………………………………………………………………….
·         Magic Table para sa Swertes, 4 Digit at 6 Digit……………………………………………………
·         Magic Table para sa EZ2…………………………………………………………………………………….
·         Magic Table para sa Hueteng………………………………………………………………
·         Magic Table para sa Lotto 6/42…………………………………………………………
·         Magic Table para sa Lotto6/45……………………………………………………………
·         Magic Table para sa Lotto 6/49…………………………………………………………….
·         Magic Table para sa Lotto 6/55…………………………………………………………………………………
·         Karagdagang Paalala at Diskarte para Manalo sa Anumang Uri ng Number Games………

LESSON 4. ANG SIKRETO NG OKULTISMO AT MISTISISMO
·         KABANATA I  - Si Arya Bhata…………………………………………………………………………..
·         KABANATA II -  Ang Mahiwagang Baul……………………………………………………………..
·         KABANATA III -  Ang Pangkukulam………………………………………………………………………………
·         Key of Solomon……………………………………………………………………………………………………….
·         Si Haring Solomon…………………………………………………………………………………………………………
·         Ang Karunungan ni Haring Solomon………………………………………………………………………………
·         Ang Kayamanan ni Haring Solomon……………………………………………………………………………….
·         Ang Iba’t-Ibang Kapangyarihan ni Haring Solomon……………………………………………………….
·         Si Reyna Sheba at ang Mahiwagang Ibon………………………………………………………………….
·         Ang Bulateng Shamir at ang Demonyong si Asmodeus…………………………………………………
·         Ang Pagkawala ng Singsing ni Haring Solomon……………………………………………………………
·         Ang Mahiwagang Singsing ni Haring Solomon at kung Paano ito napasa-kanya…………
·         The Testament of Solomon……………………………………………………………………………………………
·         KABANATA IV – Ang Kumpletong Ritual ng Ceremonial Magic………………………………………..
·         Ang Susi ni Solomon Anak ni David (The Key of Solomon, Son of David)………………………….
·         Ang 72 Pangalan ng mga Demonyo………………………………………………………………………….
·         Ang Taglay na Kapangyarihan ng Bawat Araw at ng Mga Planeta………………………..

LESSON 5. KOLEKSYON NG IBA PANG MGA SIKRETO AT ESPESYAL NA ARTIKULO NI MAESTRO HONORIO ONG

·         Ang Sikreto ng Mga Planeta, Mitolohiya at ng Fairy Tales………………………..
·         Ang Sikreto ng Immune System:  Paano  palalakasin ang katawan upang hindi tablan
ng ibat-ibang uri ng karamdaman?..................................................................................
·         Ang Sikreto ng Pag-ibig (Q & A sa Love) …………………………………………………………………


--------30--------

Editor’s Note

Mahusay ang pagkakagawa ni Maestro Honorio Ong sa kanyang Ika-3 Aklat, IBINUGAR…ANG SIKRETO NG IYONG KAPALARAN.  Napapanahon ang kanyang topic hinggil sa Immune System. Naipaliwanag niyang mabuti sapamamagitan ng mga magagaang na salita kung paano gumagana ang iba’t ibang uri ng antibodies sa ating katawan. Inilahad din ni Maestro Honorio Ong sa nasabing lesson, kung paano mapapalakas ang ating resistensya, upang mapanatili ang kalusugan ng ating pangangatawan at tayo ay makaiwas sa iba’t ibang uri ng sakit na nananalasa ngayon sa ating kapaligiran, tulad ng Ebola virus at MERS-CoV disease.

 Masasabing nag-level-up na talaga ang kanyang Ika-3 Aklat, dahil bukod sa mga bagay na may kaugnayan sa pag-aanalisa ng kapalaran, tulad ng Lesson 1 na tumutukoy sa Sikreto ng Physiognomy at Body Language at nagtuturo kung paano mo malalaman ang pangunahing ugali at kapalaran ng isang tao sa pamamagitan lamang ng hugis ng mukha at sa mga ikinikilos ng iyong kausap, sa Lesson 2 tinalakay din niya ang tungkol sa natatagong kahulugan ng mga panaginip sa mala-scientific na paraan.

 Magaling din ang kanyang banat hinggil sa huling Lesson, ang Sikreto ng Pag-ibig, Q & A sa Love, sa kanyang diskusyon, naipaliwanag niya nang simple ang iba’t ibang dahilan kung paano nai-in love ang isang tao at may bonus pang, kung paano mo malalaman kung ikaw ba ay magkakaroon ng isang maligaya, matagumpay at panghabambuhay na pag-aasawa. Maganda rin ang Lesson 4, ang Sikreto ng Okultismo at Mistisismo, na mala-nobela ang kanyang presentasyon. Ito ay hinggil sa isang musmos na bata na naghahangad na matututo ng “karunungang lihim” at naghahangad na magkaroon ng “kakaibang kapangyarihan”, kung kaya’t kahit “ipinagbabawal ng kanyang amang si Zabater” palihim na binuksan ni Arya Bhata ang antigong baul na naglalaman ng iba’t ibang aklat hinggil sa pangkukulam (black magic).

Para naman sa mga naghahangad ng biglang suwerte sa pamamagitan ng number games at  sa mga mahilig makipagsapalaran sa casino, nasa Ika-3 Aklat ding ito na hawak mo sa kasalukuyan, ang iba’t ibang “sure tips” kung paano ka mananalo ng jackpot sa lotto, sa EZ-2, sa slot machine, sa roullete, sa Caribbean Poker at maging sa hueteng.
Ilan lamang ang nabanggit na mga Lesson sa itaas sa matutunghayan mong marami pang mga paksa na hitik na hitik sa mga kaalalaman at napakahusay na pagkakagawa  sa Ika-3 Aklat na ito ni Maestro Honorio Ong.

Sa pagkakataong ito, hindi ko na patatagalin pa ang iyong pananabik, halina, sama-sama nating tunghayan at basahin ang IBINULGAR…ANG SIKRETO NG IYONG KAPALARAN, IKA-3 AKLAT.

Eduardo B. Maglabe
Managing Editor