Sunday, April 27, 2008

FORMULA: UPANG MA-MASTER MO ANG IYONG KAPALARAN








Kapalaran Ayon Sa Inyong Numero



FORMULA: UPANG MA-MASTER MO ANG IYONG KAPALARAN


Itext – April 29, 2008

Dear Mho,

November 25, 1995 ang birthday ko. Malas po ba ako? Code name: Sagittarius ng 9216280159

SAGOT:

Walang taong malas, sa halip ang totoo nito, hindi nya lang alam kung paano ang gagawin para siya susuwertehin, kaya ang nangyayari inaakala niyang siya ay malas.

Isiping mabuti na ang lahat ng tao ay nilikha ng Makapangyarihang Diyos, at kung totoong siyang Mapangyarihang Diyos ang lumikha sa tao, gugustuhin ba ng Diyos na ito na magkamalas-malas, magkandabigo-bigo at malungkot ang tao na kanyang nilikha?

Siyempre hindi! E bakit minamalas o nabibigo ang ilang mga indibiual? E kasi hindi nya alam kung paano niya sasagapin at hihigupin ang suwerte, kaya ang nangyayari, imbis na positibong kapalaran ang pumupunta sa kanya, iyong negatibong kapalaran tuloy ang kusa nyang nahihigop.

Sa kaso mo na isinilang nuong November 25, 1995, na sa edad mong 12 years old palang naman sa ngayon, kapag sinunod mo ang mga imumungkahi ko sa iyo ngayon, imposible ka ng malasin sa buhay.

Ang unang-unang staps hanggang bata ka palang ay matuto kang gumawa ng diary. Itong diary na ito ay hindi naman talaaan lang ito ng mga personal na pangyayari sa iyong buhay, sa halip ito ay tatawagin nating journal. Ibig sabihin medyo siyentipik at pormal ang dating. Itala mo sa nasabing “life journal” ang iyong mga pangarap. Halimbawa, pangarap ko ang maging isang enginner o kung anoman ang kursong gusto mong matapos. Pagkatapos, ilagay mo kung ano-anong mga pamamaraan ang gagawin mo upang makamit mo ang nasabing pangarap. Halimbawa, kung wala kayong pera o wala kang pampaaral sa kolehiyo, ngayon palang nasa isip mo na na pagkatapos mo ng high school ay magwo-working student ka. O kaya naman’y high school ka palang sa ngayon pinagbubuti mo na ang iyong pag-aaral, dahil nga nakatuon ang isip mo sa pagkokolehiyo. Hindi lang ito dapat nasa isip mo, bagkus tulad ng nasabi na, isinulat mo ang mga ispesipikong pamamaraan upang maabot mo ang iyong mga pangarap sa iyong tala-arawan.

Susunod, isulat mo rin sa iyong tala arawan, ang pang-araw-araw mong activities. Gayon din iyong mga “time” o sandali kung paano ka nagkakapera. Halimbawa, nagkapera ako sa araw na ito dahil binigyan ako ng nanay at tatay ko. O kaya naman’y umextra ako sa isang trabaho at nagkaroon tuloy ako ng sarili kong pera. Ilista mo rin sa tala-arawan kung sino-sino ang mga taong direktang nakakatulong sa iyo. Dahil sa bandang huli kapag nireview mo ngayon ang diary mo, makikita mong may malaki palang bahagi ang mga taong nakapaligid sa iyo upang mas madali mong maabot ang iyong mga pangarap sa buhay.

Ang mahalaga sa pagdia-diary ay ma-master mo kung ano ang nangyayari sa buhay mo, upang kapag nasa college ka na o kaya naman’y propesyunal ka na, huling-huli mo na ngayon ang mga epektibo at suwetong pormula kung paano ka liligaya, yayaman at magtatagumpay. Kasi naman, parang pelikula, napanood mo ng lahat ang tungkol sa ligaya, tungkol sa tagumpay, tungkol sa pagkakaperahan, sa mga dati ng naitala mo sa iyong diary. Uulitin mo na lang uli ang proseso, dahil ang totoo paulit-ulit lang naman at may pattern ang nangyayari sa bawat karanasan ng isang tao.

Mas maganda panga kung sa pagdi-diary ay itatala mo rin kung anong petsa ka sinuwerte at anong kulay ng damit ang suot mo ng araw na iyon o kaya naman’y anong petsa ka minalas at ano ang kulay ng damit ang suot mo sa araw na iyon. Upang sa ganon, uulitin mo ang kulay ng damit na sinuwerte ka habang itatapon mo na iyong kulay ng damit na nagbigay sa iyo ng kamalasan. Dagdag dito, dahil sinuwerte ka na dati sa ganoong buwan, petsa at araw, siyento-porsitento sa ganoon ding buwan at araw muli kang susuwertehin.

Isang halimbawa nito, sinasabing ang mga taong ipinanganak sa buwan ng Setyembre ay kusang sinusuwerte o nagkakaroon ng significant events ang kanilang buhay tuwing sasapit ang buwan ng Mayo at Oktubre.

Pagkatapos mong gumawa ng diary o patuloy na pagtatala ng iyong karanasan sa araw-araw sa layuning ma-master mo ang iyong buhay, ang susunod mong ngayon gagawin para suwertehin ka ay kilalanin ang mga taong magbibigay sa iyo ng suwerte.

Sa kaso mo na isinilang nuong November 25, 1995 under sa zodiac sign na Sagittarius, pero malapit ng kaunti sa Scorpio, ang mga taong magbibigay sa iyo ng suwerte ay silang isinilang sa zodiac sign na Aries, Leo, Gemini, Scorpio, at kapwa mo Sagittarius, higit lalo silang isinilang sa petsang 2, 11, 20, 29, 7, 16, 25, 9, 18, 27, 1, 10, 19, 28. 5, 14, at 23.

Pangatlo kung ang iyong lagda o pirma ay pangit, kailangang pagandahin mo na ngayon. Ang magandang pirma ay iyong hindi nababoy o naburara, Mentras simple, pero malalaki ang pagkakasulat ng letra at salita ay mas mabuti at mas maganda.

Pang-apat, pinaka-mahalaga sa lahat kung ikaw ay isang lalaki, kapag tumuntong na ang panahon ng pagbibinata o hustong edad, wag kang magliligaw ng babaing mas mahirap pa sa inyong angkan, dahil kapag napangasawa mo siya, lalo ka lang maghihirap, samantalang kung babae ka naman sa pagtuntong ng tamang edad sa pakikipag-relasyon huwag kang makikipag-boyfriend sa lalaking mas mahirap pa sa inyong pamilya, dahil sa bandang huli, lalo lang kayong maghihirap.

At pang huli nga pala bago matulog, huwag mo ring kakalimutang isulat sa iyong diary ang iyong dasal. Kung anoman ang alam mong dasal isulat mo rin sa diary mo iyan, kasama ang petition prayers o iyong hiling mo kaya ka nagdasal, upang sa ganon, kapag-nireview mo ang iyong diary ay aktuwal mong makita kung isa-isa bang natutupad ng kusa ang iyong mga dasal at hinaing sa Dakilang Maykapal.

Tandaang kaya ka nagda-diary minamaster mo ang sarili mong buhay, at kapag na-master mo na ang sarili mong buhay, mama-master mo na ang iyong kapalaran.

Ang mga bagay munang iyan ang gawin mo, mag-diary at sa diary ay isulat ang mga ispesipiko mong layunin at mithiin sa buhay, laging sumama sa mga taong magbibigay sa iyo ng suwerte, laging magsuot ng mapalad na kulay, ayusin at pagandahin ang iyong lagda, at ngayon palang iprepara na ang lalaki o babaing gusto mong makasama habang buhay. Kapag nagawa mo ang simpleng mga pamamaraang tinuran, makikita mo, hindi ka na mamalasin kusa ng darating sa iyo ang suwerte at magagandang kapalaran habang tinatahak mo ang marami pang pasikot-sikot na landas patungo sa isang wagas na tumpay at ganap na kaligayahan!

-------30-----

Thursday, April 24, 2008

KAILAN SUWERTENG MAGPAKASAL?





KAPALARAN AYON SA INYONG NUMERO





Kailan Suwerteng Magpaksal?

Dear Maestro,

Itatanong ko lang kung kami na po ba ng boyfriend ko ang magkakatuluyan at wala na bang magiging hadlang sa aming pagmamahalan? Three years na po kasi kaming mag-on pero nito lang last year idinaan sa pagsubok ang aming samahan nang isang babae ang nagka-gusto sa kanya, naging mag-MU sila ng hindi mo nalalaman. Buti na lang inamin nya sa akin ito, dahil nakunsensiya daw siya, kaya pinamili ko siya at pinili nya naman ako mula nuon wala na silang naging komunikasyon pa ng ka-MU nyang iyon. Sa susunod na taon ay nagbabalak na kaming magpakasal, matutuloy kaya ito at anong buwan at petsa ang favorable sa amin para suwertehen ang papasukin naming pag-aasawa. August 23, 1984 ang birthday ko at May 7, 1982 naman ang boyfriend ko.

Umaasa,
Nymph ng Don Justo Village, Angono, Rizal

Dear Nymph,

Kung mayaman o sabihin na lang nating may kaya sa buhay ang lalaking boyfriend mo, tiyak ang magaganap kayo na nga ang magkakatuluyan. Nangyari ang ganoong pag-aanalisa sapagkat ang mga babaing taong singko kung ating tawagin, tulad din nilang may bitbit na numerong 5, 14, at 23, ay kadalasan nakapag-aasawa ng mayaman o kung hindi man, sa masagwang salita ay nagiging kabit ng mayaman.

Sa kaso mo, dahil Virgo ang zodiac sign mo habang Taurus naman ang boyfriend mo, tunay ngang tugma at sadyang compatible kayo. Ibig sabihin, malaki ang pag-asa na kayo na nga ang magkakatuluyan lalo’t higit kung buwan ng Oktubre o kaya’y Nobiyembre ang naging anniversary ninyo ng siya ay sagutin mo o sabihin na lang nating ng pormal na nangyari ang inyong relasyon.
Sa makatuwid, bukod sa sarili nyong zodiac sign period na Agosto hanggang Setyembre at Abril hanggang Mayo, ang isa pang favorable na buwan o panahon sa inyong dalawa ay ang buwan ng Oktubre hanggang Nobiyembre. Kaya kung nagbabalak kayong magpakasal sa susunod na taong 2009, ituon ang nasabing matrimonyo ng kasal sa nabanggit ng mga buwan, maaaring buwan ng Mayo, Agosto, Setyembre, Oktubre o kaya’y Nobiyembre. Piliin ang petsa kung saan, nasa strong number category, tulad ng petsang 1, 10, 19, 28, 9, 18, 27, 8, 17, at 26, upang maging favorable sa weak number na 7 ng boyfriend mo at favorable din ang nasabing mga petsa sa “neutral number mong 23”, kung saan, bukod nga pala sa nasabing mga petsa sa nasabing kasal, puwede ring isa alang-alang ang sarili mong numero na 5, 14 at 23, upang mas maging lapitin naman ng pera o materyal na bagay ang inyong samahan.

Huwag na wag ding kakalimutang ituon ang araw o petsa ng kasal, kung saan, nasa full moon, new moon o first quarter ang buwan, upang sa ganon tulad ng papalaki at papabulas na liwanag ng buwan, maging papabulas din ang papaunlad ang inyong itatayong samahan.

Ayon sa inyong Love Calendar tulad ng iyong inaasahan, wala na ngang magiging hadlang pa sa inyong pagmamahalan, sa taong 2009, sa nasabi ng mga buwan, malaya at masaya na kayong makapagpapakasal, upang tamasahin ang pagtatayo ng isang maligaya, at pang habang buhay na pagpapamilya.

---------30--------

NAIS MO BANG MAKASAMA SI MAESTRO HONORIO ONG? 🏩🏩Pwede! Makakasama mo si Maestro Honorio Ong.. kung bibili ka ng kanyang ika-4 na AKLAT.... para kahit saan... sa sasakyan, sa pananghalian, sa CR, sa madaling araw, sa ibayong dagat, sa iyong pag-gising at maging sa iyong pagtulog ay makatabi nyo si Maestro Honorio Ong sa pamamagitan ng kanyang ika-4 na aklat IBINULGAR... ANG SIKRETO NG IYONG KAPALARAN. (may espesyal din topic tungkol sa mga anting-anting, agimat at talisman sa nasabing aklat at compatibility o tungkol sa maligayang pakikipag-relasyon) :)😻😻😻🏩

Ang ika-4 na Aklat ni Maestro Honorio Ong ay esklusibong mabibili lamang sa tanggapan ng pahayagang Bulgar sa 538 Quezon Avenue, Quezon City sa harap mismo ng Sto. Domingo Church sa murang-murang halagang P415 only.

At kung nais nyo ng on line delivery i-add at makipag-friend kay Maestro Honorio Ong sa kanyang FB or FACEBOOK account na Maestro Honorio Ong  para sa iba pang detalye. Maraming salamat po :)



Kusang Dumarating: Ang Middle Life Crisis



PALMISTRY


Ang Mid-Life Crisis

Katanungan:

  1. Bakit ganon parang hindi ko na mahal ang misis ko, kasi sa loob ng almost 20 years na naming pagsasama hindi na ako tinitigasan kapag nagse-sex kami. Sa palagay mo magkakahiwalay ba kami ng misis ko at makakahanap kaya ako ng ibang babae na magpapaligaya sa akin sa sex at makakasama ko habang buhay.
  2. Sa ngayon may apat kaming mga anak na pawang nagsisipag-aral kaya naman subsob ang sarili ko sa trabaho, pero sa kabila nito hindi parin kami umaasenso at lagi paring kaming kapos sa pang-araw-araw naming pangangailangan.
  3. Minsan tuloy naitatanong ko sa aking sarili, ano ba itong nangyayari sa buhay ko gayong propesyonal naman ako, pero hindi na naka-angat-angat ang kabuhayan ng pamilya ko. Maestro may pag-asa pa bang umunlad at makaahon sa kahirapan?

Kasagutan:

  1. Iyon adolescence period na tinatawag sa ating buhay, marahil alam na alam nyo kung kailan nagaganap iyan. Iyan iyong panahong nagdadalaga at nagbibinata ang isang indibidual. Iyong kung baga sa babae ay unti-unti ng nireregla at natututo ng magka-crush sa mga kapwa nya binatilyo. Habang sa lalaki naman, iyang adolescence period na iyan ay natatapat kadalasan sa panahong nagpapatule na ang isang binatilyo, upang wag tuksuihin ng kanyang mga kabarkada na supot!
  2. Sa panahon ng adolescence period o papunta ka na sa pagdadalaga kung baga sa babae at sa lalaki naman ay papunta ka na sa pagbibinata, ay kadalasang lumilikha ng mga “juvenile delinquency”. Ito iyong kadalasang nagiging problema ng mga magulang dahil sa mga nagrerebeldeng mga anak.
  3. Pero ang totoo, likas na mangyayari iyon sa isang teenager, ang magrebelde at magulo ang isip at emosyon, kasi sa loob ng kanyang pagkatao, hindi nya maintindihan kung siya ba ay ganap ng dalaga o dalagita palang, at sa lalaki naman hindi nya maunawaan kung siya ba ay ganap ng binata o binatilyo palang. Kung bagay nahihirapan silang “kumorform” o “sumunod” o “umayos” sa lipunan at kapaligiran nilang dinadaanan, kaya magulo ang isip at emosyon ng isang kabataan sa panahong naturan.
  4. Ang ibig ko lang sabihin, napakadali nyong mauunawaan ang ‘adolescence period” na iyan na likas o kusang pinagdadaanan ng isang indibidual. Dahil pagkatapos ng “adolescence period”, iyon nga, ganap ng binata at dalaga ang mga bata, magkakaroon na ng responsabilidad, magkakaroon ng kasintahan, ga-gradueyt sa college at magkakatrabaho na.
  5. Pero ang hindi nyo marahim mauunawaan ay itong tinatawag na “mid-life crisis” na kusa ding nagaanap sa approximately sa pagitan ng edad 40 hanggang 45 years old ng isang tao.
  6. Kahit ayaw nyong magkaroon ng problema, siguradong magkakaroon kayo ng mabibigat na problema sa panahong nabanggit. Kahit mahal na mahal mo ang iyong asawa, magkakaroon ng premarital problema sa inyong samahan. Kahit na napakatapat mong empleyado magkakaroon ka ng problema sa iyong employer at mga kasamahan. Kusang magaganap ang mga problemang nabanggit, kasi hindi naman iyong kapaligiran mo ang problema, ang totoo handuon ka sa “hoyo o black hole” na tinatawag na “middle-life crisis”, kaya iyong pagkatao mo ay kusang binabayo ng mga kaguluhan, na ang totoo ay hindi nga likha ng iyong kapaligiran kundi likha ng inner self mo na nagkakaroon ng kakaibang chemical, psychologhical at mental change, katulad din nuong ikaw ay nasa adolescence period ng pagbibinata at pagdaldaga.
  7. Sa nasabing pag-aanalisa natitiyak na natin ngayon Carlo ang iyong problema at mga inaangal sa buhay, tulad ng kawalang gana sa sex, at pagkakunsume kung bakit hindi ka pa umuunlad gayong propesyunal ka namang, e dahil nga nasa “mid-life crisis” ang buhay mo ngayon, sa edad mong 41. Pero kapag lumagpas na sa panahong ito ang edad ng isang indibidual, nagtataka din ang mga sikologo, sa panahong tapos na ang “mid-life crisis period” approximately mga edad 49 hanggang 50 pataas, duon naman nagaanap ang pagiging stable ng kabuhayan, pagiging stable ng mentalidad, ng emotional aspect ng indibidual hanggang sa siya ay kusa ng umunlad at yumaman. Bihira na rin ang pag-aaway ng mag-asawa, dahil nga ganap na silang “nag-mature” sa isat-isa. Kaya ang kasunod nito, tulad ng naipaliwanag na – ay pagyaman. Kaya mapapansin mo, bihiira lang ang yumayaman sa edad 41 hanggang 45, sa halip ang yumayaman ay nasa edad 49 pataas, habang sa edad 41 hanggang 45, mas maraming bilang ang nakikipaghiwalay sa aasawa, nakakaranas ng broken family at nababaon sa utang. E kasi nga, hindi nila na-realize o walang nagsabi sa kanila na ang pag-aaway ng mag-asawa na nagaganap sa pagitan ng edad 41 hanggang 45 ay likas na bahagi lamang ng mid-life crisis sa buhay ng isang indibidual na hindi naman makakayang iwasan. Bagkus kusang nangyayari iyon, dahil nga ang “crisis na iyon” ay bahagi ng maturity, na hindi dapat isisi sa asawa, sa trabaho o kanino man, bagkus, kung baga sa isang manlalakbay, iyon ay malaking anino ng madilim na ulap na may kasunod ng malakas na pag-ulan. Ngunit kapag natapos ang ulan, ubos na ang makapal na ulap, balik uli sa isang matatag, masaya at maunlad na relasyon ang samahan ng dalawang mag-asawa.
  8. Ito rin ang nais sabihin ng malinaw, makapal at kaisa-isang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Nagsasabing anomang tukso, at balakid ang dumating sa inyong relasyon ni misis, may masarap wala mang masarap na pagtatalik mananatili kayong magkasama habang buhay. “Habang sa career naman, anomang pagkakautang ang iyong mapasukan, atr pagkabagsak ng kabuhayan, mananatili ka sa kasalukuyan mong trabaho at sa bandang huli sa nasabi ding trabaho ka aasenso” - ang nais namang sabihin ng malinaw, walang latid at tuloy-tuloy na Fate Line (Drawing A, at B. F-f arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad.

Mga Dapat Gawin:

  1. Kung pagaaralan mo lang mabuti ang tinatawag na “stages of development” sa subject na development psychology, sa kursong psychology, marami kang matutunan, sa bawat andana o stages ng buhay na nangyayari sa isang tao. Ika nga ay may “pattern kang matutuklasan” tulad ng pagkakaroon ng puppy o first love ng isang teenager. Hindi mo naman kailangang maging isang “manghuhula para masabi mo iyon” na sa ganoong period ng buhay nya ay mai-in love siya. Bagkus, likas na mangyayari iyon.
  2. Madami pang likas na mangyayari sa buhay ng tao na hindi nya alam, kasi nga hindi naman siya nag-aral ng development psychology.
  3. Habang ayon sa iyong mga datos Carlo, lilipas din ang lahat ng reklamo mo sa buhay at sa edad mong 50 pataas, magugulat ka pa, iyong mga bagay na pinoproblema mo sa ngayon ay siya pang naging tuntungan, upang sa nasabing panahon ng iyong edad 50 pataas ay tuluyan ka naring yumaman at magkaroon ng isang stable, maunlad at masayang pamilya.

--------30---------

Saturday, April 12, 2008

May Kagalingan Ang Bawat Karamdaman





KAPALARAN AYON SA INYONG PALAD




May Kagalingan Ang Bawat Karamdaman


Palad – April 14, 2008


Katanungan:


  1. Ako po ay may kakaibang karamdaman na kung kani-kaninong doctor at faith healer na ako nagpunta, pero hindi rin nila ako napagaling.
  2. Naisipan kong sumulat sa inyo Maestro upang itanong kung nakaguhit ba sa aking palad na gagaling pa ang aking karamdaman o mas tamang tanggapin ko na lang na ang karamdaman kong ito ay pang habang buhay na.
  3. Mahalaga ang inyong kasagutan, upang hindi na ako mapagod at magastusan pa sa pagpunta kung saan-saan gayong wala na namang kagalingan ang aking karamdaman.
  4. Nais ko ring malaman kung makapag-aabroad ba ako, penipitisyon kasi ako ng anak kong nasa Canada at duon ko daw ipagamot ang aking karamdaman, pero ayaw kong pumayag kasi masyadong malamig ang klima duon at baka hindi ako mahiyang.
  5. Pero sa kabila ng lahat, naniniwala parin akong kung nakatakda ang pag-aabroad sa aking palad, tulad ng madalas mong sabihin, iyon parin ang magaganap sa bandang huli.
  6. Kung may magaganap na pag-aabroad sa aking kapalaran kailan naman kaya iyon?


Kasagutan:


  1. Nuong panahon ng ancient time, puwede din nating sabihing nuong panahon ng mga katutubo at mga tribo-tribo pa ang kinikilalang sibilisasyon, inaakala ng mga tao nuon na ang sakit o karamdaman ay isang napakahiwagang bagay.
  2. Madalas nga na ibinibintang nila ito sa “evil spirit, elemental beings” at kung minsan, inaakala din nilang “kapag gumawa ng pagkakasala ang isang tao, parusa ng Tadhana ang sakit na kanyang iniinda.”
  3. Subalit ng ma-ibento ang microscope, taong 1670 ni Antonie Van Leeuwenhoek, duon na nagsimulang ma-obserbahan ng tao ang mga maliit na mikrobyong nagiging sanhi ng mga pangunahing karamdamang pangkaniwang nagiging sanhi ng epidemiya na lumilipol sa maraming populasyon.
  4. Kasabay nito taong 1928 na-tuklasan ng Scottish Biologist na si Alexander Fleming ang gamot na penicillin na may kakayahang pumuksa ng sari-sari at ibat-ibang uri ng mikrobyo at bacteria. Dito rin nagsimulang ma-diskubre ang sari-saring kumibinasyon ng antibiotic na kapag ininom ng nasa tamang dami at takdang panahon, siguradong mapapatay nito ang mikrobyo na nagiging sanhi ng karamdaman.
  5. Kaya nga ng mga panahong iyon, bihirang-bihira na ang namamatay sa sakit na dulot ng bacteria o mikrobyo basta’t naagapan ka agad ng gamot na kung tawagin nga natin sa ngayon ay antibiotic.
  6. Kaya lang nang umunlad nga ang medesina, na halos kaya nya nang gamutin ang lahat ng uri ng sakit na sanhi ng mikrobyo at bacteria, sa panahon ngayon naglabasan naman ang ibat-ibang uri ng karamdaman na kung tawagin ay “autoimmune disease” kung saan, iyong immune system na siya sanang magdedepensa sa sakit ng katawan ay hindi nagpa-function na mabuti, bagkus siya pa ang umaaway at naninira sa kanyang kakampi. Tulad din ng sakit na cancer, iyong “friendly cells” ay naging “enemy cells” kaya mabilis na kumalat ang cancer.
  7. Hanggang ngayon moderno na ang panahon ay hindi parin masagot ng mga scientist kung paanong nangyayaring, “hindi ma-distinguished ng katawan kung sino ang kaibigan cells at kaaway na cells o kaya’y hindi ma-distinguished ng immune system na ang sarili nya na pala ang kanyang sinisira.”
  8. Kaya nga ang ganitong mga uri ng sakit, hindi mikrobyo ang dahilan kundi “abnormal na function ng immune system at abnormal na function ng cells” ay sinasabing halos walang kagamutan o hindi pa lubusang natutuklasan kung paano gagamutin. Katulad din ng diabetes, kung saan, nagtataka ang mga doctor kung bakit iyong “sugar” na mula sa carbohydrate ay ayaw matunaw, dahil sa ayaw maglabas ng insulin ang pancreas.
  9. Samantala Mrs. Aquarius kung ang iyong karamdaman ay hindi kayang pagalingin ng mga dalubsahang doctor, malamang na ang iyong sakit ay may kaugnayan sa “immune system” na kailangang mautusan mo ang iyong “immunse system” na mag-function ng maayos at tama.
  10. “Tama ang anak mo, sa ibang bansa ka magpagamot dahil duon ka nga lubusang gagaling” ang nais sabihin ng lumawak na Life Line (Drawing A. at B. L-L arrow a.) na nagkatroon pa ng sanga na tinatawag ding Travel Line (Drawing A. at B,. t-t arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ibig sabihin, madali ka ng gagaling at magiging malusog ang iyong katawan, sa paglipat nga o pagtira sa ibang lugar na kung tawagin sa medical term ay “milieu therapy.”


Mga Dapat Gawin:

  1. Ayon sa iyong mga datos Mrs. Aquarius, kung nagpatingin ka na sa mga dalubsahang doctor, at mga sikat na faith healer pero hindi ka pa gumagaling, ang paglipat ng lugar na iyong tinitirahan ang pinaka-suwetong solusyon, kung saan, sa taong 2009, tiyak ang magaganap may pangingibang bansang itatala sa iyong kapalaran at sa ibang bansa na malayo sa Pilipinas, duon ka magiging malusog at hahaba ang iyong buhay hanggang sa marating ang edad 90 and above.

-------30-----

Friday, April 11, 2008

HUWAG MAG-RESIGN SA TRABAHO

KAPALARAN AYON SA INYONG NUMERO


Huwag Mag-resign Sa Trabaho

Numero – April 5, 2008

Dear Maestro,

Wala pa po akong anim na buwan sa kasalukuyan kong trabaho na hindi ko na lang sasabihin kung anong company. Ang problema marami na akong nakatalo, ang gara kasi sa kumpanyang ito, puro tamad ang empleyado at hindi seryoso sa kanilang ginagawa. Kapag itinatama ko sila, dahil obvious na mali naman ang kanilang ginagawa ako pa ang masama at pinapagalitan nila ako masyado daw akong nagpapakabayani. Hindi ko tuloy malaman kung bobo ba ang mga tao dito o walang paki-alam sa kumpanya, kahit na magkadalugi-lugi ang may ari. Foreigner po ang may ari ng kumpanyang ito at sabi sa akin ng mga kasamahan ko ang mas mahalaga daw ay ang suweldo kaysa ang pagmamalasakit. Naaasar na talaga ako sa kumpanyang ito lalo na sa aking mga kasama, kaya gusto kong mag-resign na, na parang nanghihinayang naman ako kasi maganda ang suweldo dito at maraming benepisyo. Iyon nga lang ang prolema, mga bobo, tamad at walang malasakit sa kumpanya ang mga kasamahan ko kaya lagi na lang akong naiinis at napapalaban ng pakikipagtalo sa kanila. Sa palagay nyo tatagal pa kaya ako dito at kung lilipat ako ng ibang kumpanya, makakita kaya ako ng ganito ring kaganda ang suweldo? September 19, 1987 ang birthday ko.

Umaasa,

Mr. Virgo ng San Francisco,Gen Trias, Cavite

Dear Mr. Virgo,

Isa alang-alang mo ang apat na paalala ilalahad sa ibaba, bago ka tuluyangmag-resign sa kasalukuyan mong pinagta-trabahuhang kumpanya upang hindi ka mamali ng desisyon.

Una, huwag mong laging ipaglaban ang alam mong “tama” kung alam mong hindi ka naman mananalo sa iyong kausap.

Pangalawa, huwag mong ipangahas ang iyong talino at ikaw ay makikipagtalo sa isang taong alam mo naman na bobo.

Pangatlo, huwag kang aalis sa iyong trabaho kung alam mo naman wala ka pang ibang malilipatan.

At pang-huli, huwag mong masyadong seseryoso ang buhay, dahil ang totoo nito, hindi rin naman sineseryoso ng mga kasama mo ang kanilang trabaho, sa halip hindi masamang paminsan-minsan magpabandying-bandying ka dahil sa bandang huli, ang totoo kasi nito, hindi naman sa iyo ang kumpanang iyan, sa halip ikaw ay isang trahabador lang.

Iyan ang apat na napaka-simpleng “rule” upang manatili ka sa iyong trabaho. At tulad ng naipaliwanag na, kaya maraming nagre-resign o nakukunsume sa kanilang trabaho sa isang opisina at kumpaya e kasi pilit nilang ipinaglalaban ang tama, gayong karamihan sa mga kasamahan nila ay puro mali. Mali ang ginagawa sapagkaka-alam mo, dahil akala mo ikaw ang tama, kaya bandang huli, kaysa manatili ka sa isang kumpanya na puro mali ang ginagawa ng iyong mga kasama, nagre-resign ka na lang. Pero bandang huli, dapat mong ma-realize na sa iyong pagre-resign, ikaw ang mali – dahil nawalan ka ng trabaho!

Pangalawa, lagi kang nakikipagtalo sa mga kasamahan mo, sa mga supervisor mo o sa mga mas mataas sa iyo, kasi alam mong mga bobo sila, habang ikaw ang matalino. Sentido komon kung ganon, na kahit anong paliwanag ang isampal mo sa kokote ng iyong katalo, hindi ka maiintidihan dahil nga mga bobo sila. Kaya sa bandang huli, dahil alam mo kasing ikaw ang matalino at bobo ang mga kasamahan mo, maii-isip mong mag-resign na lang kaysa mahawa ka pa sa kanila ng kabobohan. Pero sa bandang huli, dapat mong ma-realize na mas matalino sila sa iyo, dahil sila ay nanatili sa kanilang trabaho ng mahabang panahon na pasipsipsip lang, habang ikaw naman na matalino ay nag-resign agad sa iyong trabaho ng walang pang isang taon.

Pangatlo, masyado mong seneseryoso ang buhay at ang trabaho mo, gayong ang iba ay pabandying-bandying at pa-easy-easy lang kaya naisip mo tuloy na wala palang mga malasakit at wala palang kuwenta ang mga tao dito, kaya nag-resign ka na lang. Pero sa bandang huli, ang hindi mo alam sa sobrang pagiging seryoso mo ikaw tuloy ang nawalan ng trabaho habang nanatili ang mga empleyadong pa-easy-easy lang.

At pang-apat, wag na wag kang magre-resign, dahil hindi lang naman ang pakikipagtalo sa mga mataas sa iyo ang magbu-bust ng iyong ego, hindi lang naman ang pakikipaglaban sa tama ang mahalaga, hindi rin ang pagiging seryoso sa ginagawa mo sa iyong trabaho ang tintimbang, bagkus may mas mahalaga pa diyan, iyong tanong na dahil sa pagre-resign mo, wala ka na tuloy maasahang pera o salapi na dating kinikita mo buwan-buwan. Kaya nga ang solsuyon, puwede ka lang mag-resign, kung may malilipatan ka ng mas magandang trabaho na may mas mataas na suweldo.

Habang ayon sa birthday mong September 19, 1987, kapag umalis ka sa kasalukuyan mong kumpanya, tiyak ang magaganap, dahil matalino ka naman, mapapasok ka uli sa ibang company at malaki din ang iyong suweldo, ang kaso magugulat ka pa, dahil kung paanong naging “imperfect” at maraming kapintasahan ang kumpanyang inalisan mo, ganon din palang kumpayan ang malilipatan mo – imperfect at maraming kapintasan, dahil ang totoo, mali ang kundisyon ng iyong isipan, na may maganda at ideal na company, sa halip, maganda at ideal talaga dapat ang mga kumpanya, ang kaso ang pangit at hindi ideal ay ang mga taong namamalakad dito.

At ang katotohanang iyan ang dapat mong tanggapin at maunawaan habang bata ka pa, upang sa susunod na pagta-trabaho sa iba uling kumpanya na ang dami na namamg problema at kapinsatan ay tumagal ka na, bitbit ang paniniwalang, walang maganda at wala talagang perpektong kumpanya, ang higit na mas mahalaga, malaki ang suweldo mo at maraming benepisyo na maitutulong mo naman sa minamahal mong pamilya!

-------30--------

Thursday, April 10, 2008

MISTIKA AT KAPALARAN


ANO BA ANG MISTIKA AT KAPALARAN?

Mistika at Kapalaran ang pamagat ng ating "blog" sapagkat sa "blog" na ito ni Maestro Honorio Ong tatalakayin ang mga bagay na hindi nyo pa natutunghayan sa ibang mga babasahin, sa partikular ang Misteryo ng Buhay, Mga Karunungang Lihim, Usapin Tungkol sa Diyos, sa Pilosopya, Pag-ibig, Sex, Kapalaran sa Pag-aabroad, sa Pag-aaral, sa Career at mga kaalaman tungkol sa Psychology, kung paano yayaman at higit sa lahat sa Misteryo ng Pagtatagumpay at Pagkakamit ng Wagas na Kaligayahan sa mundong ito na sakbibi ng lungkot, kabiguan at mga problema.

Oo, may karapatan kang magtagumpay at lumigaya, kung sisimulan mo na ngayong sundin ang mga sinasabi ni Maestro Honorio Ong sa Mistika at Kapalaran.

Bakit naman Kapalaran? Dahil hindi nyo naitatanong si Maestro Honorio Ong ay isang dalubhasa sa pagtuklas ng mga sadlakang kapalaran ng bawat indibidual. Hustler siya sa pagbasa ng Guhit ng Palad o karunungang Palmistry. Lubos din ang kanyang taglay na kaalaman sa Numerology, gayon din sa Graphology o sa pag-aanalisa ng kapalaran at katangian ng tao sa pamamagitan ng pag-aanalisa ng sulat kamay at signature.

Tunay ngang hindi lang Palmistry, Numerology, Astrology at Graphology ang ihahadog na karunungan sa inyo ni Maestro sa Mistika at Kapalaran, bagkus tatalakayin nya rin ang ibat-ibang uri ng Compatibility, upang silang naghahanap ng makakapareha sa buhay ay makatagpo ng isang maligaya at pang habang buhay na pag-aasawa at maunlad na pagpapamilya.

Sa mga may asawa, upang masumpungan ninyo ang "pormula" kung paano nyo pakikisamahan at pakikitunguhan ang inyo-inyong asawa upang ang dating misirableng buhay ay maging maligayang tahanan.

Nagpakadalubhasa din si Maestro Honorio Ong sa "face reading" o ang tinatawag na Physiognomy, Feng Shui, Luscher Color Test o pagtuklas ng katangian kapalaran ng tao sa pamamagitan ng madalas niyang gamitin at piliing kulay.

Isasabuhay din natin at tutuklasin sa Mistika at Kapalaran kung paano gigisingin ang The Power Within, sa pamamagitan ng tamang Meditation at Contemplation na ituturo at tatalakaying isa-isa ni Maestro Honorio Ong.

Tunay nga hitik na karunungan ang matutunghayan nyo sa Mistika at Kapalaran, na may iisang layunin lamang: "Upang sa buhay na ito, ngayon palang ay marating nyo na ang isang matagumpay at wagas na kaligayahan."

Sa Blog ding ito ng Mistika at Kapalaran matutunghayan nyo ang ibat-ibang lathalain sa mga tanong at sagot ng mga readers ni Maestro Honorio Ong sa malaganap na pahayagang BULGAR.

Kaya nga puwede na kayong magtanong: Alamin ang inyong kapalaran sa pamamagitan ng pang-mistika at mala-siyensiyang paraan ni Maestro Honorio Ong. Libre at walang bayad nya kayong paglilingkuran...basta't lagi lang kayong magbasa ng pahayagang BULGAR.

*****

NAIS MO BANG MAKASAMA SI MAESTRO HONORIO ONG? 🏩🏩Pwede! Makakasama mo si Maestro Honorio Ong.. kung bibili ka ng kanyang ika-4 na AKLAT.... para kahit saan... sa sasakyan, sa pananghalian, sa CR, sa madaling araw, sa ibayong dagat, sa iyong pag-gising at maging sa iyong pagtulog ay makatabi nyo si Maestro Honorio Ong sa pamamagitan ng kanyang ika-4 na aklat IBINULGAR... ANG SIKRETO NG IYONG KAPALARAN. (may espesyal din topic tungkol sa mga anting-anting, agimat at talisman sa nasabing aklat at compatibility o tungkol sa maligayang pakikipag-relasyon) :)😻😻😻🏩

Ang ika-4 na Aklat ni Maestro Honorio Ong ay esklusibong mabibili lamang sa tanggapan ng pahayagang Bulgar sa 538 Quezon Avenue, Quezon City sa harap mismo ng Sto. Domingo Church sa murang-murang halagang P415 only.

At kung nais nyo ng on line delivery i-add at makipag-friend kay Maestro Honorio Ong sa kanyang FB or FACEBOOK account na Maestro Honorio Ong  para sa iba pang detalye. Maraming salamat po :)