Tuesday, June 24, 2008

ANG KAPALARAN NG MGA TAONG SIETE (7)


ANG KAPALARAN NG MGA TAONG MAY BIRTH DATE NA 7, 16 at 25


(SA ARTIKULONG ITO, Kapalaran Ayon sa Inyong Numero na matutunghayan sa Pahayagang BULGAR dated June 27, 2008, binigyang paliwanag ni Maestro Honorio Ong ang kadalasang nagiging sadlakang kapalaran ng mga taong naiimpluwensiyahan ng numerong 7, 16 at 25).


Numero – June 27

Dear Maestro,

Ipinanganak po ako nuong August 8, 1972 at ang aking asawa ay ipinangank nuong September 7, 1967. Naging magkaibigan kami ng aking asawa nuon hanggang sa nagtrabaho ako sa Singapore ng five years. Umuwi po ako ng Pilipinas at tumigil ng eight months at duon nagka-developan kami, mabait naman siya at tahimik na tao. Bago ako umalis ulit papuntang Hong Hong ay naging kami, after two years umuwi po ako at nagpakasal kami kahit wala siyang trabaho nuon. Nagkaroon naman siya ng trabaho after two years ngunit bago sumapit ang aming four years anniversary, ay may nabuntis siyang kasamahan niya sa trabaho na may asawa din at may tatlong anak na maliit pa. Kaya naging malabo ang aming relasyon. Mahal ko po ang aking asawa kaya ako ay umaasa na magiging maayos muli ang aming relasyon at ipagpapatuloy ang aming mga pangarap. Sa ngayon patuloy parin akong nagta-tabaho bilang D.H. dito sa HK at gusto ko pong huminto na sa taong 2009 upang magka-anak at magsama kami ng aking asawa. Matutupad po ba ang aking hangaring para sa aming dalawa?

Umaasa,

Mrs, Leo ng Nga Lane, Tsung, Kwan, NT Hong Kong

Dear Mrs. Leo,

Ikaw ang magdadala ng inyong relasyon at nasa mga palad mo ang kinabukasan ng inyong samahan ng iyong asawa. Nangyaring ganon, dahil ikaw ay may number na double eight (8) sa implunwensiya ng zodiac sign na Leo na may kaakibat namang number one (1).

Ibig sabihin triple strong ang iyong pagkatao, habang very weak naman ang numerong 7 at destiny number ng iyong asawa na 3, at zodiac sign niyang Virgo na may kaakibat na numerong 5.

At madali lang para magtagumpay ka sa iyong nilalayon, ang mapasunod mo sa lahat ng iyong kagustuhan ang iyong asawa, patungo sa isang maligaya, pang habang buhay at matagumpay na relasyon.

Ano ang nasabing madaling paraan? Napaka-simple lang!

Dahil likas na matino at mabuting tao ang iyong asawa, kaya posibleng nakabuntis siya ng babae, dahil “nasabit” lang talaga siya, ay takutin mo lang ang iyong asawa o sabihin nating ilarawan mo sa kanya ang mga negatibong mangyayari sa kinabukasan, kapag patuloy siyang nakipag-relasyon sa babaing may asawa na, ay siguradong talab na talab sa unconscious niyang pagkatao ang ganoong istilo ng diskarte.

Likas kasing takot ang mga taong isinilang sa numerong 7. Hindi naman sa takot, bagkus sabihin na lang nating takot gumawa ng kasalanan, at higit nilang kinatatakutan unconsciously ang consequences o kauuwian sa anomang kasalanang kanilang ginawa.

Ang mga taong isinilang sa numerong 7, 16 at 25, na matatapang ay bihirang-bihira, bagkus kaya lang sila naging matapang o napagkamalamang matapang, ay parang ala- Dolphy sa isang comedy series na kanyang ginampanan.

Sabi ng mga Katipunero nuong panahon ng Kastila, habang sila ay nagkakatipontipon sa sa liblib na gubat ng Pugad Lawin: “sungod mga kapatid pabagsakin natin ang mapanupil na mga Kastila!” Sumisigaw sila ng ganon, habang hawak nila sa kanilang mga kamay ang matatalas na gulok.

Sa ganuong kaingay na senaryo bago sumiklab ang rebulusyon, may isang nagtanong “sino ang mangunguna at mamumuno sa atin?” Walang ano-ano natahimik ang lahat at walang makaimik dahil batid nilang walang laban ang kanilang mga itak sa baril ng mga Kastila.

Dahil sa dami ng mga tao, at talagang nagsisiksikan sila sa Pugad Lawin, may isa ngayong nakatapak sa kalyo ng paa ni Dolphy, na gumaganap bilang Andres Bonifacio, bigla ngayon siyang napasigaw “aray…” kasabay at di sinasadyang naitaas ang kanyang kamay na may hawak na gulok.

Sigawan at palakpakan ngayon ang lahat…”Yippiii may mamumuno na sa atin, at sabay-sabay silang nagtakbuhan at nilusob na nila ang bawat kuwartel at garrison ng mga Kastila sa kanugnog na bayan ng Kalookan, Tondo, San Juan at iba pa.

Habang si Dolphy naman na gumaganap bilang Andres Bonifacio ay wala na nagawa kundi ang pamunuan ang isang rebulusyong hindi naman siya ang author at may kagagawan.

Bagamat isang joke o siste lang ang kuwentong tinuran sa itaas, kadalasan ganon ang nangyayari sa buhay ng mga taong siete. Wala silang lakas ng loob, at wala din silang tapang, pero kapag nanduon na, at napasubo na duon lamang lumalabas ang kanilang galing, tapang at katalinuhan.

Tulad din nang nangyari kay dating Pangulong Corazon Aquino na isinilang nuong January 25. Naghahanap ang oposisyon ng babangga, sa diktador at strong man na si Marcos, at habang sila’y nagmi-meeting sa bahay ng mga Cojuanco sa Tarlac, nanduon naman si Mrs. Cory Aquino na nagsisilbing taga-timpla lang ng kape –nagse-serve sa mga leader ng oposisyon na nagpupulong. “Eto pala ang ipambabangga natin kay Macoy si Mrs. Aquino na lang!” Nagulat pa si Cory na isang plain house white ng magustuhan at mapili siya ng mga leader oposisyon. Dahil wala naman siyang kahilig-hilig sa politika, umangal pa nga siya at sinabing: “hindi ako kasali dyan!”

Pero dahil wala na siyang nagawa, angara pa ngayon ng nangyari, si Mrs. Aquino na binansagan ng mga Marcos Loyalist na walang alam, plain house wife, at walang karanasan, at babae pa, at biyuda pa, ang nakagawa na pagkaisahin ang oposisyon at ang katangi-tanging sinuwerte na nagpabagsak sa diktadurang Marcos na namuno ng humigit sa 20 taon sa ating bansa.

Ganon ang kapalaran ng mga taong siete (7) at minsan ay pati narin taong dos (2) kimi at takot, pero kapag “natapakan na ng tadhana ang kanilang kalyo paa”, di sinasadyang sila pa pala ang hahawak ng pinakamataas na katungkulan at magpapagbasak sa isang dikdator, o sa isang strong man o sa isang mananakop na kay tagal ding nang-alipin at nagpahiwarap sa mga mamayan.

Ganon din ang nangyari kay Jesus, na isinilang nuong December 25. Nagusap-usap iyong Tatlong Persona at ang mga anghel sa langit. Sabi ng Diyos Espirito Santo, “sino ang bababa sa lupa upang tubusin ang kasalanan ng mga tao?” Sabi ng Diyos Ama, “aba ayaw ko na ng assignment na iyan, dahil nakita o nabasa nyo naman sa Lumang Tipan, ako na nga si Yahweh ang direktang nakikipag-usap sa mga tao, pero naging matigas ang kanilang ulo at lagi nila akong sinusuway!’

Nang mga sandaling iyon habang naka-upo si Jesus sa kanyang trono at kukuyakuyakoy nag-anyong surot si Satanas, na nanduon din pala at nagmamatsag sa nasabing pagtitipon ng mga anghel at nang Tatlong Persona, kinagat ngayon ng surot ang puwit ni Jesus kaya siya ay napatayo. Hayon ang nangyari, wala siyang kaalam-alam siya ngayon ang napako sa krus at tumubos sa kasalanan ng sanlibutan, gayong wala naman siyang kaalam-alam duon, kundi ang may alam ay ang Ama. Kaya nga sabi niya nuong Huling Hapunan, ng malapit na siyang dakipin at sistensiyahan: “Ama ko, ang kalooban mo nawa ang maganap!” At nang nakapako naman siya sa krus, ano ang nasabi nya: “Ama ko bakit mo ako pinabayaan, kayong dalawa ng Diyos Espirito Santo ang may kagagawan nito?”

Ganon at ganon at paulit-ulit lang ang kapalaran ng mga taong siete. Kahit sila duwag, kahit sila takot, sila ang laging pinipili ng kapalaran sa mga bagay na minsan ay imposibhle at akala mo bang ubod hirap na gawin ng mga pangkaraniwang tao. Hanggang sa mapasubo na nga sila, at sa di nila namamalayang pangyayari, sila pala ay nakatakda ding magtagumpay at ma-accomplish ang anomang papel na inatang sa kanila ng Tadhana.

Mabalik tayo sa sinasbai natin Mrs. Leo, iyon nga, napakadaling impluwensiyahan ng mga taong siete tulad ng iyong asawa, at hindi sila marunong tumanggi, kaya sa iyong pagbabalik sa 2009, tiyak ang magaganap, ipaliwanag mo lang sa kanya ang mga pangit na bagay na mangyayari sa kanya kapag nakisama siya sa isang babaing may asawa na, habang ipaliwnaag mo rin sa kanya ang magagandang bagay na mangyayari sa kanya kapag kayo ay nagsama at bumuo na ng isang pamilya. Madali naman niyang mare-realize na tama ka, “kapag sa iyo siya nakisama, nakatakda na sa inyong kapalaran ang isang masaya, maunlad at pang-habuhay na pagpapamilya!”

-----30-------

Wednesday, June 18, 2008

PAGHANDAAN ANG PAGTANDA




SA PAGKAKATAONG ITO SA KANYANG ARTIKULO AYON SA GUHIT NG INYONG PALAD SA PAHAYAGANG BULGAR TINALAKAY NI MAESTRO HONORIO ONG ANG NALALAPIT NA PAGTANDA NG BAWAT INDIBIDUAL.

Nilinaw din niya kung ano ang dapat gawin upang hindi dapuan ng malulubhang karamdaman sa panahon ng middle age to old age at kung ano ang mga dapat pag-handaan pagdating ng panahon ng pagtanda.




PAGHANDAAN ANG PAGTANDA

Palad – June 20, 2008

Katanungan:

  1. Paki-analisa nga po ang aking kalusugan ayon sa aking palad. Kasi sa edad kong 52 years old na sa ngayon para bang ang dami-dami kong nararamdaman sa aking katawan gayong bata pa naman ako.
  2. Sa palagay nyo aabutin pa kaya ako ng edad 80 or 90 na siyang target age ko o hangga’t maarri ay kahit na 100 years pa kung ako ay mananatilig malakas at hindi alagain ng aking mga anak. Ayaw ko naman kasing pahirapan pa sila kung hindi na nga ako makatayo sa aking higaan at wala ng silbi.
  3. Sa palagay mo Maestro hanggang anong edad ang itatagal ng buhay ko?

Kasagutan:

  1. Iyan ang walang kuwenta sa buhay ng mga mayayaman, kapag umaedad na sila ng 50 and above or 60’s at wala naman silang gaanong responasablidad na sa buhay. What I mean ay napagtapos na nila ng pag-aaral ang mga anak, at may sari-sarili ng pamilya, ang mga bata e para bang nawawala na sila ng gana o silbi sa buhay.
  2. Ang totoo ang kawalang gana at kawalang sibling ito ay unconsciously o di nila namamalayan, kaya nga dahil feeling ng inner self nila ay successful na sila at na-attain na nila ang lahat, unti-unti na ngayong hihina ang kanilang kalusugan.
  3. Tulad ng naipaliwanag na, unconsciously o hindi namamalayan ang lahat ng prosesong ito ng may katawan, dahil consciously sino ba namang tao ang gugustuhing manghina siya at mawala na ng silbi sa buhay?
  4. Ikumpara mo namang ngayon ang buhay ng mga naghihirap silang umabot ng edad 60 pataas, pero malakas pa sa kalabaw at kahit anong sakit ang dumapo ay parang hindi iniinda ng kanilang katawan.
  5. Unconsciously o hindi nila namamalaya, humaba ang buhay nila dahil ang dami-dami pang responsablidad ng pamilya na dapat niyang tugunan. Handiyang si Lola Loreta na nagaalaga pa ng mga apo, nangyari simula ng pumisan sa kanilang lumang bahay ang baganmundo at wala nilang sibling anak. Dahil nagkaroon ng bagong alagain o responsabiliad si lola, obligado ngayong pahabain nila ang kanilang buhay, unconsciously o hindi nga nila namamalayan.
  6. Minsan naman humahaba ang buhay ni lolo Damian, na mahirap na angkan, kasi may mga anak pa siyang dalaga at binata na patuloy na umaasa sa kanya. Sa isip-isip ng matatanda, paano kaya ang tamad o walang pamilya na anak ko na ito kapag ako ay nawala, sino kaya ang mag-aasikaso sa kanya?
  7. Dahil sa mga natitirang responsablidad na ito o mga tungkulin sa pamilya ng lolo at lola na naghihirap ang pamilya, unconsciously obligado silang pahabain ang kanilang buhay.
  8. Kaya nga minsan parang tamang si Jesus ng kanyang sabihing “higit na mapalad ang mga mahihirap kung ikukumpara sa mayayaman!” E kasi nga ang mga mayayaman kapag wala ng magawa, obligadong sila ay manghina at magkasakit, samantalang ito ngang mahihirap dahil sa sobrang dami ng dapat pang tapusin at ipaglingkod sa kanyang pamilya, uugod-ugod na si lolo o si lola, nagta-trabaho pa.
  9. Samantala, Mrs. Capricorn nakatutuwa namang makitag na humaba pa naman ang Life Line (Drawing A. at B. L-L arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ibig sabihin (arrow a.), mararating mo pa ang ideal age na 85 to 90, kung ngayon palang ay magiisip ka na ng mapaglilibangan, tulad ng maliit na negosyo o kaya naman’y isang public service or civic organization project na may layuning tumulong sa mga taong mahihirap, kung anoman ang sector ng lipunan na nais mong tulungan. Sa ganyang paraan nagkaroon ka uli ng responsablidad sa iyong buhay, pupuwede ding mag-lingkod ka sa inyong simbahan o kung anomang relhiyon ang iyong kinaaniban, o kaya naman’y ampunin o ikaw na ang mag-pa-aral at mag-alaga sa iyong apo, duon naman sa parting iyon, tulad ng naipaliwanag na, may nagagawa pa ang unconscious na sarili o may silbi ka pa sa mundo, tuloy-tuloy hahaba pa ang buhay mo, hanggang abutin mo ang edad 85 hanggang 90 plus.

Mga Dapat Gawin:

  1. Ngayon palang ay bumili na ako ng magara at magandang tungkod, ayaw ko kasing matulad sa Tatang Sucing ko na hindi pinahandaan ang kanyang pagtanda, kaya ang nagsilbing tungkod niya nuong halos iika-ika nasiyang lumakad dahil sa sobrang katandaan ay isang patpat na kawayan.
  2. Iyong mga personal kong gamit at agimat, tulad ng Biblia Mystika, baol na minana ko pa sa aking mga kanununuan, bolang kristal, mga lumang-lumang aklat, at iba pang mga gamit na mahihiwaga ay nilagyan ko na ng pangalan kung kanino ko ipamamana sa aking pagpanaw, upang kung dumating na wala na ako maiwasang magaway-away si King, Jacob at Regine sa mga naiwang munting kayamanan ng kanilang ama.
  3. Inaayos ko na rin ang aking “multi-million for-old-age insurance” para pagtanda o ay hindi na ako hihingi-hingi sa aking mga anak ng pera na ang nangyayari ay mukha kang kaawa-awa na umaasa ka na lang sa iabot ng iyong mga anak na nagkataong madadamot pala ang iyong naging mga manugang.
  4. Habang ayon sa iyong mga datos Mrs. Capricorn, bagamat hahaba pa ang iyong buhay dapat isa alang-alang mo rin na ngayon palang at paghandaan mo na rin at iplano ang iyong pagtanda kasabay nito mag-isip ka ng mga gawaing magkakaroon ka ng panibagong responsablidad sa iyong pamilya, sa iyong sarili o sa kumunidad na iyong ginagalawan, upang habang nagkaka-edad ka, humaba pa ng humaba pa ang iyong buhay, nangyari dahil unconsciously at consciously batid mong kailangan ka pa ng inyong lipunang ginagalawan, kaya hindi ka pa dapat pumanaw.

--------30-------------

Monday, June 2, 2008

ANG TUNAY NA MAPALAD







NAMAMANAHON ANG ARTIKULO NI MAESTRO HONORIO ONG NITONG NAKARAANG JUNE 4, 2008 sa pahayagang BULGAR, kung saan, ipinakita niya kung paanong sa kabila ng Krisis Pandaigdig na nararanasan ng mga tao, may mga bagay na dapat paring ipagpasalamat.

Sa artikulo niyang: ANG TUNAY NA MAPALAD

Itext – June 4, 2008

Dear Mho,

May pag-asa po ba akong tumangkad Maestro kahit na half inches lang, bago sumapit ang edad kong 30. October 19, 1983 po ang birthday ko. Code name: Libra ng 9166777629

SAGOT:

Sad to say na wala ka ng pag-asang tumangkad, sapagkat ayon sa mga pagsusuring isinagawa hinggil sa height o pagtaas ng isang indibidual, kadalasan itong nagaganap mula sa pagkapanganak hanggang sa ika-18 at minsan ay umaabot pa ng 21 hanggang 22 years old. At dahil lagpas ka na sa nasabing edad malabo at imposible ka ng tumangkad o madagdagan pa ang iyong height.

Tandaan ding ang height gayon din ang pigura ng katawan, tulad ng matambok na dibidb, malaki at matabang pagkalalaki ay namamana, gayon din ang hubog at hugis ng katawan, kaya nga kapag ang pisikal na anyo ang problema ng isang tao, mas ipinapayo ng mga dalubsa na tanggapin na lang ng maluwag sa loob ang kapalaran at maging satisfied na sa kung ano ang ibinigay sa iyo ng Dakilang Lumikha.

Hindi rin naman ipinapayo ng matinong at mabubuting loob na mga experto na magpa-opera ka, uminom ka ng ganito o ganireng gamot, gumamit ka ng mga aripisiyal na bagay at kung ano-ano pang pamahid upang masulusyunan ang iyong problema, sa halip tulad ng naipaliwanag na, ang tamang pag-counsel sa nasabing mga indibidual na hindi mapakali sa pisikal nilang itshura ay ang salitang “pagtanggap!”

Maluwag sa loob mong tanggapin ang iyong pisikal na katangian, pagandahin mo ito sa natural na paraan, at pagkatapos magpasalamat ka sa Diyos, dahil kahit na mababa o kulang ang iyong height mas mapalad at mas mabuti ka parin, dahil iyon iba nga diyan ay pinanganak na kuba, palinghado ang spinal column, at ang iba ay hindi nga makalakad.

Ganon din ang parabula hinggil sa isang bata na may lumang sapatos. Nakadungaw siya sa bintana ng kanilang bahay, namumroblema at nalulungkot dahil malapit na ang pasukan. Sa isip-isip niya: “ang upod at luma ko na naman sapatos ang aking isusuot habang bago at magaganda ang sapatos ng mga ka-eskuwela ko.” Maya-maya may isang batang nakasaklay ang nagdaan sa karsada, hilahod ang kaliwang paa at putol naman ang kanan.

Nasabi ng bata sa sarili: “Buti na lang may luma akong sapatos, di tulad ng batang iyon, kahit kailan hindi na makakaranas pa na magsuot ng sapatos.

Kaya iyong mga may asawa diyan, magpasalamat kayo at kayo ay may asawa, iyong iba nga diyan, walang asawa o kaya naman’y hiwalay sa asawa. Pagsapit ng gabi sakbibi ng kalungkutan at pagiisa.

Kaya kayong mga may girlfriend at boyfriend, magpasalamat kayo sa kanya, dahil iyong iba nga diyan, walang syota. Sakbibi ng pananabik at pangungulila nagtatanong kung ano ba ang karanasan na magkaroon ng dyowa?

Kayong may mga regular na trabaho pero maliit ang suweldo, magpasalamat kayo dahil iyon iba nga diyan, palipat-lipat ng trabaho, habang iyong iba naman naubos na ang pera sa pag-bili ng biodata at pagkuha ng mga requirements hanggang ngayon istambay parin at walang kinikita.

Kayong mga butas ang bubong at laging tumutulo kapag umuulan, mapagsalamat kayo dahil iyon iba nga diyan ay squatter lang, malapit ng paalisin sa kanilang tinitirahan at iyong iba naman, sa buong buhay nila, lagi na lang silang nangungupahan at hindi na nagkaroon ng permanenteng tirahan.

Iyong mga walang sariling computer sa bahay, magpasalamat parin kayo dahil iyong iba nga diyan, hindi marunong sumulat at bumasa.

Sa mga estudiyanteng nag-aaral, magpasalamat kayo at mahalin at pahalagahan ninyo ang inyong edukasyon, dahil iyong ibang mga bata diyan, namumulot lang ng basura at sa halos-araw-araw ay nagkalat sa lasangan para mamalimos.

Sa mga may anak na makukulit magpasalamat kayo, sapagkat iyong iba ngang mag-asawa diyan, inip na inip ng magka-baby, ngunit nanatili paring baog.

Sa mga sanggol na may nadedede pa, kahit na mumurahing gatas lang magpasalamat kayo sapagkat iyong ibang sanggol diyan, sabaw na lang ng kanin at kung minsan ay purong tubig na lang ang dinedede sa maghapon.

Kung malusog ang inyong pangangatawan, pero laging gulay at mumurahing pagkain lang ang kinakain, magpasalamat parin kayo dahil iyong iba nga diyan, kahit sabihin pang mayaman, nakaratay sa banig ng karamdaman at iyong iba naman ay may taning na ang buhay dahil sa mga sakit na walang kagalingan.

Sa mga may buo at maayos na pamilya, kahit na naghihirap at kung minsan ay walang makain, magpasalamat parin kayo dahil iyon iba nga diyan, walang pamilyang dadatnan pag-uwi ng kanilang bahay.

Lagi tayong magpasalamat, kahit naghihirap ang ating bansa, di tulad sa Iraq at Afghanistan, patuloy na nagsu-suicide ang mga panatiko nilang kababayan upang maibalik lamang ang kalayaan na winasak ng mga walang hiyang dayuhan.

Magpasalamat tayong lagi sa Diyos, sa pagsikat ng bagong silahis ng araw ngayong umaga, sapagkat sa ibang panig ng mundo, sa tuktok at sa ilalim nito, sa loob ng isang taon minsan lang sumikat ang araw!

--------30---------

FORMULA UPANG SUWERTEHIN SILANG ISINILANG SA PETSA 2, 11, 20, 29 7, 16 at 25

SA PAGKAKATAONG ITO TINALAKAY NI MAESTRO HONORIO ONG ANG FORMULA UPANG SUWERTEHIN ANG MGA TAONG ISINILANG SA BITH DATE NA 2, 11, 20, at 29, gayon din silang may weak number na 7, 16 at 25.


Numero – June 3

Dear Maestro,

April 29, 1985 po ang birthday ko. Ang problema ko ay ang kawalan ko ng trabaho. Iyon pong pang-matagalan at masasabi kong regular na po talaga. Masipag naman akong maghanap ng trabaho pero bakit kaya pulos contractual lang ang natatagpuan ko. Mas mahaba pa nga ang buwan na natatambay ako kaysa sa may trabaho ako. Ano po sa palagay mo Maestro may pag-asa ba akong makatagpo ng trabahong pang-matagalan? Pagod na pagod na po kasi akong mag-aplay bukod sa gatos na sa pamasahe gastos pa sa mga requirements. Sige po Maestro sana sa pagkakataong ito masagot nyo na ako, sumulat na po ako dati at walang palya akong bumibili ng BULGAR pero talaga yatang hindi pa ako sinuswerteng inyong mapagbigyan, sana sa pagkakataong ito masagot nyo na ako.

Umaasa,

Green Emerald ng Parola, Tondo, Manila

Dear Green Emerald,

Sabi ko naman sa inyo, kailangan ng mga taong may weak number na tulad mo, 2 kasi ang birth date mo sa destiny number na 2 din, ay “backer” upang mas madali silang hindi lang magka-trabaho kundi mapanuto ang karanasan nila sa lahat ng aspeto ng buhay.

Ayaw mo kasi yatang manila na “backer, kapit padrino, taong maimpluwensiya, kaibigang kakilala na nagta-trabaho na,” o kung sino pamang makakatulong sa iyo ang kailangan mo at hindi “walk in” ka lang ng “walk-in” sa pag-aaplay o lakas loob na wala ka namang backer, ay ganon nga ang mangyayari, kahit na matanggap ka, hindi karin magtatagal sa anomang trabaho.

Kaya ngayon palang maghanap ka hindi ng trabaho kundi ng isang tao na tutulong sa iyo upang magkaroon ng trabaho, at ang taong nasabi ay puwedeng isinilang sa zodiac sign na Libra, Virgo, Capricorn, Scorpio, Cancer o kaya’y kapwa mo Taurus. Sa particular malaki ang maitutulong sa iyo ng mga taong isinilang nuong October 6, 15, 24, 9, 18 at 27 o kaya naman’y ng isang taong isinilang nuong November 2, 11, 20, 29, o kaya naman’t isinilang nuong July 7, 16, 25, September 7, 16, 25, o kaya naman’y isinilang nuong May 1, 10, 19, 28, o kaya naman’y isinilang nuong January 1, 10, 19, at 28.

Pagkatapos kapag nakakita ka ng taong tutulong sa iyo, ngayon pala mag-pratice ka na ng mas magandang lagda. Wag mo kasing bilugin na parang koretng irregular shape na puso ang letrang “C” sa unahang bahagi ng iyong pirma. Mano bang isulat mo ng maayos ang letrang “C” idugtong mo ang iba pang mga letra at pagkatapos, okey na iyong gitnang bahagi ng iyong lagda, habang iyong ending ay tapusin mo sa isang “straight line” sa halip na masyadong pinasibat sa pagkataas-taas na kalawakan ang nasabing ending ng lagda. Ayos na ang striaght line na ending upang mas mapanuto ang karanasan mo sa paghahanap ng regular na trabaho.

Pagkatapos dapat mo ring malaman ang pinaka-favorable month mo sa paghahanap ng trabaho at sigurado din namang sa mga buwang ito ka magkakaroon ng trabaho, sa buwan ng Mayo, sa buwan ng Oktubre, sa buwan ng Enero, sa particular mapalad ka rin mula sa ika-20 ng Agosto hanggang ika-25 ng Setyembre, mula sa ika-20 ng Disyembre hanggang ika-25 ng Enero at mula sa ika-20 ng Abril hanggang ika-25 ng Mayo.

Habang ang pinaka-masuwerte mo namang kulay ay ang kulay na pula, asul, berde at itim. Lagi kang magsuot ng nasabing mga kulay upang mas madali mong maakit ang mabuti at magagandang kapalaran.

Kapag nagawa mo ang mga simpleng rekomendasyong nabanggit na sa itaas, tiyak ang magaganap sa taong kasalukuyan (2008) 2011, 2012, at 2013 magkakaroon ka na ng isang maganda at regular na trabaho na magdadala sa iyo sa tuloy-tuloy na pag-unlad at tagumpay.

-----30--------

MARS AT VENUS: SUWERTE KAPAG NAGSAMA











SUWERTE ANG PLANETANG MARS PARA SA MGA VENUSIAN PERSONALITY


Sa pagkakataong ito, tinalakay ni MAESTRO HONORIO ONG kung paano susuwertehin silang isinilang sa zodiac sign na Taurus at Libra, gayon din silang mga taong tinatawag na “venusian personality”.

Tunghayan natin ang kanyang paliwagan, sa artikulong KAPALARAN AYON SA INYONG NUMERO (Ipinablished sa Pahayagang BULGAR nuong June, 1, 2008)

ANG IMPLUWENSIYA NG PLANTENG MARS SA BUHAY NG ISANG TAONG ISINILANG SA ZODIAC SIGN NA TAURUS AT LIBRA


Numero – June 1

Dear Maestro,

Sumulat po ako sa inyong upang humingi ng advice, tulong o gabay. Ako po ay isang lesbian. Ako po ay may ka-live in for more than three years, po kaming nagsama. Ang birthday kop o ay October 22, 1973, siya naman po ay mayc 6, 1979 at ang anak niya po na inako ko na rin bilang tunay na anak ay October 14, 12001. Nagkahiwalay po kami kamakailan lang. Nais ko pong malaman kung kami po ba ay magkakabalikan pa at may pag-asa bang magkasasama kaming muli habang buhay. Nalilito po kasi ako sa ngayon kung bakit nagawa niyang kaming ipagpalit sa mga bagong kakilala niyang mga kaibigan. Turuan po ninyo ako upang maayos po ang buhay ko at maging maligaya.

Umaasa,

Ms.Lonely ng Bahay Pare, Meycauyan, Bulacan

Dear Ms. Lonely,

Ang hindi nya alam at hindi mo rin alam, pero ipapa-alam ko na ngayon sa inyo ay suwerte kayong tatlo na magkakasama.

Oo, suwerte ka sa kanya, suwerte siya sa iyo, at suwerte rin ang anak niya o ang anak-anakan mo kapag kayong tatlo ay magkakasama.

Kaya kung talagang ayaw na nya sa iyo, pilitin mong buuing muli ang inyong relasyon hindi na bilang mag-lovers kung hindi ka na nga niya talagang mahal, kundi bilang mag-bestfriend na lang, bilang magkakapatid, bilang pamilya na parang walang nangyari.

Sa ganyang paraan, kapag nagkasama-sama muli kayong tatlo, ikaw na may birth date na October 22, 1973, siya na may birthday na May 6, 1979 at ang anak niya na may birthday na October 14, 2001, makikita mo, yayaman kayo at isa na lang ang kulang para kayo ay yumaman – ang magkaroon kayo ng kahit na anong uri ng sasakyan (mas maganda kung kotse) na may kulay pulang kulay.

Alam mo kung bakit suwerte kayong tatlong magkakasama, ang zodiac sign mo kasing Libra na nasapagitan ng Scorpio ay “very favorable o sabihin na nga nating very lucky” sa isang Taurus na may birth date na 6.

Ang ruling planet nyo kayong tatlo, kasama na ang anak niya na may zodiac sign na Libra na may birth date pang 14 ay Venus.

Ang planting Venus na ito ang palaging gagabay sa inyong tatlo na magbibigay ng mas madami pang magagandang kapalarang hindi nya inaasahan.

Ang nakatutuwa, itong Venus na ito ay mapalad na inaalayayan ng planeta Mars na siya namang ruling planet ng mga taong naiimpluwensiyahan ng Scorpio at siya ring ruling planet ng mga taong “immoral”. Wag na nating sabihin immoral, bagkus ang planetang Mars ay siyang ruling planet ng mga taong “may abnormal sexul life”. Wag na nating sabihing “abnormal sexual life or act” sabihin na lang nating ang Mars ay siyang ruling planet ng mga taong may “kakaibang panlasang sexual at kakaibang mag-appreciate ng beauty at sex.”

Sa makatuwid kapag laging magkasama si Venus na ruling planet nyo ngang tatlo at lagi din nilang kasama si Mars, walang kamali-mali, o walang kamintis-mintis, suwabeng-suwabeng uusad ang isang masigla, masaya at maunlad na pagsasama habang buhay.

Ang nakatutuwa pa nito, ay nasamahan ang planetang Venus at Mars, ng isa pa uling napaka-suwerteng planetang Mercury, mapalad sa salapi at materyal na bagay at gayon din sa negosyo na siyang ruling planet ng anak-anakan mo o ng anak ng girlfriend mo na may birth date na 14.

Sa matuling salita, tulad ng nasabi na sa itaas, napaka-simple ng gabay na dapat mong isagawa sa inyo, kung bagay na sa “right track” na kayo dati, nuong kayong tatlo’y magkakasama pa, ibabalik mo na lang at makikita mo, tuloy-tuloy na kayong uunlad at habang buhay na magiging maligaya.

Sa kabilang banda kung ayaw na niya uli sa iyong makisama, o sabihin na nating “naluka na siya sa ibang grupo o daigdig” ang pinaka-mabuti mong magagawa, ay abangan mo na lang ang kanyang pagbabalik, dahil sa “depth astrology” na tinatawag o iyong malalimang pag-aanalisa ng mga planetang umiimpluwensiya sa buhay ng bawat isang indibidual, “ang hindi alam ng isang Taurus, wag na nating sabihing Taurus, bagkus puwede din kasi ng isang Libra, kaya sabihin na lang nating ang hindi alam ng isang indibidual na naiimpluwensiya ng planetang Venus tulad ng girlfriend mo, hindi siya mabubuhay ng maligaya, hindi siya mapapanuto, hindi siya mapapakali, hindi niya makakamit ang pag-unlad, hindi niya masusumpungan ang kapahingahan at kampante at satisfied na buhay, hanggang hindi niya nami-meet ang kanya “animus or animan” o iyong “the self with in” na matatagpuan lamang niya iyon sa isang indibidual na naiimpluwensiyahan ng ruling planet na Mars – at ikaw iyon.

Kaya nga ang siguradong mangyayari sa inyong relasyon kung matututo kang magtiyaga at maghintay-hintay lang ay mauuwi sa ganitong kasabihan: “ang bahay na nilasayan ay siya ring palang tahanang muling uuwian na magdudulot ng kapanatagan at pang habang buhay na kaligayahan!”

----30--------