Wednesday, June 20, 2012







SA PAGKAKATAONG ITO tinalakay ni Maestro Honorio Ong ang tungkol sa Karunungang Lihim na may kaugnayan sa Kabbalah.

 Itext – June 22, 2012

Dear Mho,

Ano po ba yong sinasabing aklat ng Kabala? Mahilig din po kasi ako sa mga karunungang lihim at mistisimo? Code name: Red Sapphire ng 908774****

SAGOT:

Isa sa pinaka-mahirap ipaliwanag in lay man term ang salitang Kabala o ang karunungang Kabala. Bakit?

Siyempre mahirap itong ipaliwanag, dahil ang karunungang Kabala ay ginagamit ng Jewish Mysticism, upang marating nila ang kaluwalhatian ng Diyos at para na rin magkaroon sila ng ibat-iba karunungan at maunawaan nila ang mga karunungang ito. Ang Kabala ay ginagamit din upang magkaroon ng pang-bihirang kapangyarihan.

Yong salitang Jewish Mysticism palang mahirap ng intidihin, kung ano ba ito at sino ba sila?

Ganon paman, kahit mahirap ipaliwanag, susubukan natin itong talakayin ngayon. Ewan ko lang kung maiintidihan nyo o  kaya naman’y bahala na kayong mga giliw kong mambabasa umintidi, nang  ating espesyal na diskusyon sa araw na ito.

Ganito yan!

Para madaling intidihin, ugatin muna natin kung saan galing ang salitang Kabala.

Ang Kabala, o Kabbalah, na maaari ding isulat ng Cabala o kaya’y Quabbalah, ay salitang hango sa 
Aramaic word na “qwabia” na nangangahulugang “to receive”.

Ano naman ang tatanggapin at bakit naman tatanggap?

Pansinin mo “may tatanggapin at may tatanggap” sino naman kaya ang “nagbigay?”

Dito na ngayon pumapasok ang Banal na Aklat ng Biblia, partikular ang Lumang Tipan.

Alam nyo ba kung saan nanggaling ang Biblia, partikular nga ay ang Lumang Tipan?

Ang Biblia sa mabilisang paliwanag ay para ding Karunungang Kabala. Ang mga pangyayari sa Genesis o sa unang Aklat ng Biblia ay “ibinigay ng Diyos kay Moises” at sinasabi nga na si Moises mismo ang nagsulat ng mga Unang Aklat sa Biblia.

Sa matuling salita galing sa Jewish Mysticism ang Biblia partikular ang Lumang Tipan.

Nangyari ganon dahil ang relihiyon ni Moises, hanggang sa mga magulang ni Jesus, si Maria at Jose ay Judio o Judaism. 

Ang tanong ngayon, kanino o sino ba ang nag-sulat ng Lumang Tipan, sa particular isinulat ang Lumang Tipan, upang ang mensahe ni Yahweh o ng Makapangyarihang Diyos na nagpala sa Israel, tumulong kay David at kay haring Solomon, upang silay maging hari, at nagbigay ng anting-anting o kapangyarihan kay Mosies at sa iba pang mga propeta?

Sino ang nagsulat ng Lumang Tipan? Tulad ng nasabi na sa itaas may nagsasabing ang unang aklat sa Lumang Tipa ay isinulat ni Moises mismo. Pero hindi ganong ka-simple yon!

Sa halip, ang Lumang Tipan o ang unang bahagi ng Biblia, na  pag-aari nga mga Jewish Scholar, o mga dalubhasa sa Kasulatan, Rabbi o teacher ang tawag sa kanila. Ang bahaging ito ng Bibliang ito sa partikular ang Lumang Tipan ay nahahati sa mga sumusunod na aklat.

Una ang tinatawag na Pentateuch o mga aklat na isinulat ni Moises, na siya ring tinatawag na Torah, na ibig sabihin ay Law of Moses.

Bukod sa Torah, may tinatawag ding Talmud, kung saan ito rin ang aklat na Law of Moses, ngunit matatagpuan dito ang commentaries ng mga Jewish Scholar or Jewish Rabbi.  

Bukod sa Pentateuch, Torah, at Talmud, na hinango nga sa Lumang Tipan, ang mga Judio partikular ang mga Jewish Mysticism ay may tinatawag pang Aklat ng Kabbalah.

Ang Aklat ng Kabbalah, na wala sa Biblia o wala sa Lumang Tipan, bagamat minsan ay mapapansin ang ilang mga nakasulat sa Luma at Bagong Tipan ay parang galing din sa Aklat ng Kabbalah, tulad ng mga mystic numbers na:

Seven (7)  na nangangahulugang complete or completion and perfection dahil Seven Days ganap na nalikha at nayari ang ating mundo.

Priests springkled sacrificial blood or holy oil seven times.

Seven (7) candlestick is the symbol of the State of Israel.

 Three (3) as a sacred number, 3 crosses on the Calvary, 3 days in the tomb, Trinity of Father, Son and Holy Spirit.  

Four (4) Ito naman ang kalihim-lihiman Four (4) Letter of Pangalan ng Diyos YHWH na bawal bigkasin kaya walang “vowel”, na tinatawag ding “Tetragrammaton”.

Mapapansin ding ang 40 ay madalas gamitin sa Biblia, tulad ng mga sumusunod:

40 was the number of years the Israelites wandered after the Exodus.

40 was the number of days that Moses spent on Mount Sinai.

40 days nag-ayuno si Jesus bago tuluyang nangaral at gumawa ng mga pambihirang himala.

666 naman ang number ng “beast” o ng anti-Christ sa aklat ng Revelation o ng Pahayag o ng Apocalipsis.

Kapag masusi mong pinag-aral ang mga numbers sa Biblie, unti-unti na nating matutungkad ang isa pang 
karunungang hango sa Kabbalah, ang Kabbalistic of Numbers.


Itutuloy…

Itext – June 23, 2012

Dear Mho,

Ano po ba yong sinasabing aklat ng Kabala? Mahilig din po kasi ako sa mga karunungang lihim at mistisimo? Code name: Red Sapphire ng 908774****

SAGOT:

Tulad ng naipaliwanag na, kapag masusi mong pinag-aral ang Biblia, mapapansin mo talaga na maraing karunungan dito na hinango sa Jewish Mysticism.

Kung saan, bukod sa Lumang Tipan, na galing nga at sinulat ng mga Jewish Mystic, may tinatawa pa silang akalt na Kabbalistic of Knowledge, ganon din ang aklat na Zohar, na nangangahulugang Book of Splendor at ang aklat na Sefer Yetsirah na nangangahulugang Book of Creation.  

Tulad ng nasabi at naipaliwanag na, ang mga aklat na ito kung gayon ay sinulat ng mga Jewish Mysticism, upang maabot ang kapangyarihan ng Dakilang Lumikha. Kung “union with God” n ang tunay na layunin ng mga Jewish mystic at ito ay madaling maabot sa pag-aaral ng nasabing mga aklat, kabilang ang aklat ng Kabbalah.

Sa Kabbalah matatagpuan ang mahiwagang Kabbalistic Letters. Bukod sa Kabbalistic Letter, matatagpuan din sa Kabbalah ang Kabbalistic of Numbers. Sa bawat numero at sa bawat letra ng pangalan o ng salita - ito ay may katugong “merkavah” isang saksakyang mahiwaga papalapit sa kaluwalhatian ng Diyos.
Bukod sa “merkavah” may tinatawag din ang mga Jewish mystic na  “hekhalot” ito ang pintuan papasok sa piling ng Diyos.

Sa sandaling pinag-aaralan mo ang Kabbalistic Letters at Kabbalistic Numbers,  matatagpuan mo ang tinatawag na “sefirot” ito ang “divine emanations”, kung saan, unti-unti kang magiging banal at magkakaroon ng kakaibang kapangyarihan.

May “ten sefirot”. Ito ang sampung andana o baiting papalapit sa Diyos. Habang minamaster mo ang “ten sefirot” papalapit sa luklukan ng Diyos, ibat-ibang kapangyarihang ispiritual at temporal  ang nakatakdang sumanib sa iyong pagkatao, ang mga kapangyarihang ito ay mapapasa iyo at magagamit mo, dahil sa panahong nabanggit, unti-unti ka ng nagiging “mistiko”.

Kapag halos ganap ka ng naroon sa piling ng Diyos, ito naman ang tinatawag ng mga Jewish Mystics na  “Ayn Sof,” ang pagiging walang hanggan.

Bukod sa “mistiko” tinatawag din nilang Hasidei Ashkenaz, ang mga banal na naglalayong maabot ang kapangyarihan ng Diyos sa pamamagitan ng various mystical activities.

Bukod sa pagiging Hasidei Ashkenaz, ang nag-aaral ng Kabbalistic of Knowledge ay maaari ding maabot ang pagiging “zaddik” (holy person), patungo sa pagiging “rebbe” (spiritual leaders), at pagkatapos ay magiging “zaddikim” na sinasabing, were spiritually superior individuals who had attained the highest level ng kabanalan na tinatawag na “devekut”.

Ganon yon! Kaya  sa tanong  na ano ang ibig sabihin ng Aklat ng Kabala at ano ba ang aklat na iyon? Simpleng maipapaliwanag na bukod sa Biblia, may aklat pa upang ang isang tao ay maging banal, magkaroon ng pambihirang kapangyarihang halos mabot mo na ang luklukan at kaluwalkatian ng Diyos, at ang isa sa mga aklat na ito ayon sa mga Jewish mysticism ay ang Aklat ng Kabbalah.

-----30-------


(Note: Dahil libre at walang bayad nyo namang natutunghayan ang mga artikulo ni Maestro Honorio Ong sa blog na ito, mas maganda kung magbabasa din kayo ng pahayagang BULGAR araw-araw, upang matunghayan nyo ang mga latest articles ni Maestro Honorio Ong.).


Friday, May 25, 2012

SA PAGKAKATAONG ITO, tinalakay ni Maestro Honorio Ong sa pang-Psychoanalisis na diskarte kung paano magkakatagpo ng isang tapat, pang habang buhay at maligayang pag-ibig.


Itext - May 28, 2012 Dear Mho, June 17, 1993 ang birthday ko. Kailan po ba ako makakahanap at magkakaroon ng boyfriend na magmamahal sa akin ng totoo? Code name: Gemini ng 9186309889



SAGOT:

Yang mga salitang “magmamahal ng totoo sa akin”, walang ganyang tao, hangga’t hindi mo minamahal ng totoo ang sarili mo.

 Eto ang isang napaka-simpleng pormula pero napakahirap unawain tungkol sa isang maligayang pag-ibig at pang habang buhay na relasyon. Ano yon?

Yon nga! Akala ng ibang tao, basta-basta na lang siya makakatagpo ng isang lalaki o isang babae na mamahalin siya habang buhay. Ano yon sinusuwerte ka ba?

Tapat at walang pagkukunwaring tanungin mo kaya muna ang sarili mo: “Ako ba ay karapat dapat na mahalin ng tapat at totoo?” Kung agad-agad ay “Oo” ang sagot mo sa tanong na nabanggit, mas malaki ang tsansa na makatagpo ka agad-agad din ng isang taong “karapat dapat ding mag mahal sa iyo!”

 Paano nangyari yon? Ang naturalesa kasi ng halos lahat ng law of nature, ay nailalarawan sa pamamagitan ng batas ng “energy”. Paano yon?

Ganito yon: Para makakalikha ka ng apoy, may ico-consume o gagamitin kang pang-gatong. Kailangang maupos ang kandila, ng unti-unti, upang uti-unti din itong magbigay ng liwanag. Hindi magkakaroon ng liwanag ang kandila o anomang bagay kung walang “nakukunsumo”. Sa mas magaang na paliwanag, “kailangang may magsakripisyo, maubos o mawala o ma-convert sa isa pa uling pangyayari upang makabuo ng enerhiya o liwanag.”

Sa matuling salita, sa analogy na binanggit sa itaas, lahat ng nangyayari sa mundo, walang exception, “may counter o equal force” upang mangyari iyon.

 Ganon din sa pag-ibig, ganon din sa pakikipag-relasyon at sa lahat ng bagay. Makakatagpo ka lang ng isang tapat at totoong pag-ibig, kapag “ready to consume” na ang sarili mo, na ikaw din ay maging isang tapat at totoong manginginibig.

Hindi kasi pupuwedeng mangyaring walang hiyang kang tao, o wala kang kuwentang tao, alangan namang napakabait at napakabuting asawa o pag-ibig o pakikipag-relasyon ang mapunta sa iyo. Maaaring mangyari iyon, tsamba at panandalian lang. Sapagkat kapag nangyari iyon, babawiin din sayo ng tadhana ang nasabing pag-ibig o relasyon.

Tulad parin ng ehemplo natin sa itaas na “kadila”. Kapag ang kandila ay basa o nabasa ng tubig, sa umpisa, maaaring magsindi. Pero saglit na apoy lang o maya-maya lang dahil basa ang kandila mawawalan din ang liwanag nito hanggang sa mamatay na ang apoy. Nangyari, dahil hindi kasi “karapat dapat ang nasabing kandilang nabasa upang makapag-bigay siya ng co-equal na liwanag sa kanyang katangian bilang kandila.”

Paulit-ulit lang ang naturalesa ng lahat ng pangyayari o law of nature. Laging “co-equal o paglilipat ng energy ang nagaganap.”

Isa pa uling halimbawa. Maghukay ka kaya ng balon. Habang lumalalim ang hinuhukay mong balon, tumataas naman ang lupa na naiipon mo sa gilid ng balon. Habang nagkakatubig ang balon na hinuhukay mo dahil ubod na nga ng lalim, yong tumataas na lupa, lumalayo naman siya ng lumalayo sa tubig na bumabalong sa balon.

 Gets mo na ba? Ganon ang nangyayari sa lahat ng bagay at sitwasyon. Kapag may ginagawa ka, yong saktong ginawa mo ang magiging produkto. Minsan, hindi mo ito napapansin o nakikita, pero humigit kumulang, kahit hindi natin ito napapansin o nakikita, yon talaga ang law of nature na nangyayari.

 Ganon din sa pag-ibig. Halimbawang niloloko mo ang iyong kapwa, yong panloloko na ginawa mo, bumabalik at naiipon lang yon sa loob ng sarili mong pagkataon o inner self, hindi mo na namamalayan yon, hanggang sa bandang huli “maging bad ka”. At dahil “bad ka” imposibelng makatagpo ka ng “good or better na relasyon.”

Pero baliktarin mo ang pangyayari. Lagi kang tapat sa iyong sarili, lagi kang tapat sa iyong kapwa, lagi kang gumagawa ng mabuti. Hindi mo napapansin, naiipon yong mga “energy” dulot ng kabutihan at kabaitang ginagawa mo sa inner self mo, sa bandang huli, dahil nga “yong energy na na-consume ay kabutihan, love o pag-ibig sa kapwa” magugulat ka pa, babalik ng sakto sa inugali mo, yong “energy na yon” – isang mabuti at isang tapat ding pag-ibig ang kusang mararanasan mo.

Kaya nga kapag sinasabing, “Maestro magkakaroon ba ako ng isang maligaya at pang habang buhay na relasyon?” Simple na lang ang sagot na dadaanin din natin sa tanong: “Bakit maligaya ka ba ngayon sa buhay mo at nage-expect o naghahangad ka ng isang maligayang relasyon?”

Kung “lonely” ka sa ngayon, “depress” at “frustrated sa buhay”, sa palagay mo ba, “happiness", “satisfaction” at “success”| sa pag-ibig ang mapapala mo?

Hindi kaya mangyayari yon at imposibleng mangyari yon! Dahil tulad ng naipaliwanag na sa itaas, “kung ano ka sa ngayon at kung sino talaga ang tunay mong pagkatao” habang naglalakbay ka sa mundong ito at rumaranas, yang ding “dala-dala mong sarili at pagkatao” ang kusang babalik at mararanasan mo.

Kaya sa susunod ganito ang dapat na tanong: “Totoo po ako sa aking sarili at mapagmahal po akong tao, Maestro kailan kaya ako makakahanap ng totoo at mapagmahal ding boyfriend?”

Sakto ang sagot: “Dahil naging totoo ka sa iyong sarili at naging magpamahal ka sa iyong kapwa ng genuine at walang pagkukunwari, sa taon ding ito ng 2012, sa edad mong 19, isang totoo at mapagmahal ding boyfriend, ang ipagkakaloob sa iyo – hindi ng tadhana, kundi ng sarili mo ring tapat at mapagmahal na pagkatao!”


--------30---------

(Dahil libre nyo namang natutunghayan ang mga artikulo ni Maestro Honorio Ong sa blog na ito. Kung maaari lagi kayong bumili ng pahayagang BULGAR upang matunghayan nyo ang mga latest na artikulo ni Maestro Honorio Ong sa kanyang mga kolum na: Itext kay Mho, Kapalaran Ayon sa Guhit ng Palad at Kapalaran Ayon sa inyong Numero - Mho).

Saturday, April 21, 2012

Dalawang Sekreto ng Kaligayahan



SA PAGKAKATAONG ITO, ipinaliwanag ni MAESTRO HONORIO ONG ang sekreto kung paano makakamit ang kaligayahan. Dalawang bagay na nagsisimula sa letrang “P” ang sekreto upang lumigaya ang isang indibidual.


Itext – April 21, 2012

Dear Mho,

August 1, 1955 ang birthday ko, bakit kaya ako malungkot? Biyuda na po ako. Code name: Ms. Lonely ng 9294319831

SAGOT:

Aba mag-asawa ka kaya – yan ang magbibigay sayo ng kaligayahan.

Naalala mo yong kuwento sa paraiso ng Eden na hinango sa Bible. Isipin mo lang mabuti ha, paraiso na yon, pero pag binasa mong mabuti ang Bible, mapapansin mo, nasa paraiso na si Adan, subalit nalulungkot parin siya.

Yong mga hayop na kasama nya don may kanya-kanyang kapareha, pero nagtataka si Adan bakit siya ay walang kapareha? (Genesis 2:5-25).

Kung baga, ang tao pala kahit ilagay mo sa paraiso o sa halamanan ng Eden, pero kapag walang kasama, yon nga ang mangyayari – malulungkot din siya!

Nuong binabasa ko nga ang kuwetong ito sa Bible, naisip ko lang: “Ano ba namang klaseng paraiso ito, hindi puwedeng nag-iisa si Adan, nangangailangan pa ng Eba?”

Duon ko napagtanto, kung paniniwalaan yong sumulat ng Genenis, kailan man’y hindi magiging “paradise” o magiging “maligaya ang buhay”, kung wala sayong babaing nagmamahal. Sa kabilang banda, hindi magiging paraiso ang buhay at hindi makukumpleto ang kaligayahan, kung babae ka, kung wala sayong lalaking nagmamahal.

Kaya ako natutuwa sa mga kabataan na nasa hustong edad na, ganon din sa mga katandaan, na na-i-in love pa ng nai-in-love. Tama lang yang ginagawa nyo, dahil ano pa ba ang gagawin natin sa mundong ito, kundi ang umubig at magmahal!

Sapagkat habang umiibig at nagmamahal, nananahan sa ating puso ang hindi maipaliwanag na kakaibang kaligayahan.

Dalawang bagay lang ang maaaring gawin ng tao sa mundong ito. Umibig ng umibig at mag-mahal. Ngayon kung sakali namang mahirap lang kayo at walang kapera-pera, ang isa pang assignment ng tao sa mundo ito ay magpayaman, upang mabili mo ang lahat ng karangyaan at mga pangangailangan mo sa buhay.

Magpayaman ka at umbig ng umibig at mag mahal, makikita mo, kahit papaano sa malungkot at maikling buhay natin sa mundong ito, makakasumpong ka ng kakaibang kaligayahan. Ganon yon!

Umaapela yong bago kong sekretarya habang nagtitipa ako ng mga letrang ito, sabi ba naman: “Maestro hindi pera at pag-ibig ang gusto kong gawin ngayong summer na magpapaligaya sa akin, gusto kong puntahan ang magagandang mga beach sa ating bansa, sa Palawan o kaya’y sa Boracay?”

Sa isip-isip ko lang, “Gaga, pano mo mapupuntahan yon kung wala kang pera?”

Ganon yon! Uulitin ko uli. Dalawang bagay lang ang magpapaligaya sa buhay nating ito, parehong nagsisimula sa letrang “P” – Pera at Pag-ibig.

Ang isa pang nagtataka ako, ay kung bakit nalulungkot ang mga tao, gayong maikli lang naman ang buhay. Yong iba, abalang-abala sa pakikipag-away sa kapit bahay, sa kasamahan sa opisina, sa mga hindi makasundong kaibigan, samantalang mas maraming makabuluhang mga bagay ang mas dapat pahalagahan at gawin.

Sa bagay, hindi pa naman huli ang lahat, puwede pa namang baguhin ang maling attitudes sa buhay. At kung nagbabasa ka ng artikulong ito – magsimula ka na ngayon!

Samantala, Ms. Lonely, tugaygayin at nilaynilayin mo sa loob ng iyong sarili kung bakit ka nalulungkot? Kung wala kang pera kaya ka nalulungkot; maghanap ka ng pagkakaperahan, kapag marami ka ng pera, siguro naman, mabibili mo na ang lahat ng gusto mong bilin at matutugunan mo na ang lahat ng iyong mga pangangailangang pang-materyal, mapupuntahan mo na rin ang lahat ng mga magagandang lugar na gusto mong puntahan. Sa ganyang paraan at sa ganyang estado ng pamumuhay, malamang na makamit mo na ang hinahanap mong kaligayahan.

Ganon paman, kung mapera ka naman sa ngayon, pero nalulungkot ka parin. Tulad ng nasabi na sa itaas, subukan mo uling umibig at magmahal. Kapag may “love interest” ka na makikita mo, maaalala mo ang artikulong ito, masasabi mo sa iyong sarili: “Tama si Maestro tinatanggal ng pag-ibig ang anomang uri ng kalungkutan, upang kapag ang pag-ibig na ito ay natugunan ng isa pa uling pag-ibig, sa sitwasyong iyon, kusang mahuhubog ang isang napakaligayang karanasan!”

Hanggang isang umaga, sa tuwing ikaw ay gigising magugulat ka pa sa iyong sarili, kahit hindi ka marunong kumanta, kusa magbibigay himig ang iyong puso, kung ano ang dahilan at napapakanta ka sa tuwing ikaw ay gumigising sa umaga, hindi mo rin alam kung bakit, kung bakit ka masaya - kasi nga in love ka!

---30---

(Ang Artikulong ito ay ipinablished sa Pahayagang Bulgar nuong April 21, 2012, sa artikulong Itext Kay Maestro Honorio Ong. Dahil libre nyo namang natutunghayan ang mga artikulo ni Maestro Honorio Ong, mas maganda kung araw-araw kayong bibili o magbabasa ng BULGAR, upang matunghayan nyo naman ang mga latest article ni Maestro Honorio Ong - Mho).

Saturday, April 14, 2012

Formula Upang Maging Consistent Honor Ang Inyong Anak



Gusto mo bang maging Consistent Honor ang iyong anak? Sa pagkakataong ito, ibinahagi ni Maestro Honorio Ong ang Apat na Simpleng Sekreto Upang Maging Consistent Honor ang inyong Anak.


Ang artikulong ito ay napablished sa pahayagang BULGAR sa Kolum na Itext Kay Mho nuong April 17, 2012

Itext – April 17, 2012

Dear Mho,

September 14, 2010 ang birthday ng anak ko. Totoo po bang matalinong bata pag 14 ang petsa ng kapanganakan. Code name: Concern Mom ng 9304019383

SAGOT:

Hindi yon birth date na 14 ang matalino, kundi yong pagiging Virgo ng anak mo. Yong mga Virgo kasi magaling mangatuwiran, kaya napagkakamalang matalino. Alalahing dalawang klase ang matalino, isang matalino sa “academic” yong pala-aral, kaya matataas ang grade sa school, habang iyong isang klase naman ng matalino ay yong “likas” kahit hindi pala-aral kahit hindi gaanong nagre-review, pero nakakapasa at nakakaintindi ng leksyon sa klase.

Yong unang matalino, matalino sa “academic” hindi masyadong ganon ang character ng mga Virgo, sa halip, matalino ang mga Virgo ng “likas”. Kahit hindi sila mag-aral, makakapasa sila, kaya nga kapag ang isang Virgo ay “masipag na mag-aral o mag-review” yon ang perfect na Virgo, “likas na matalino” matalino pa sa “academics”, tiyak na maho-honor pag nag-aral na siya sa school.

Subalit hindi yan ang magandang pag-usapan. Sa halip, ang magandang pag-usapan ay kung paano magiging mataaas ang marka ng bata sa academics para maging proud naman si Mommy at Daddy sa kanilang anak at masabing hindi na sayang ang kanilang mga pagsisikap, dahil nga consistent honor ang mga anak.

Yon ang magandang pag-usapan. At magagawa mo yan Mommy sapamamagitan ng mahiwagang salitang “magaling na tutor”. Ganon yon, kung may pambayad ka naman ng magtyu-tutor sa iyong mga anak, kumuha ka nito, upang ahead of time, o advance, hindi pa pinag-aaral yong “book o subject” ia-advance na agad ng nasabing magaling na tutor na ituturo sa iyong anak.

Lalo na ngayong summer o bakasyon, i-enroll mo na ang iyong anak, para makuha nya na yong mga books na gagamitin sa June. Ngayon palang ikuha mo siya ng magaling na tutor at isa-isahin ng ituro sa bata ang mga asignatura. Makikita mo, sa susunod na pasukan, maho-honor ang iyong anak.

Hindi mo dapat asahan yong salitang “matalino ang anak ko!” Dahil kagaya ng naipaliwanag na natin sa itaas, dalawang klase ang matalino. Isang matalino sa academics at isang likas na matalino. Mas magaling kung likas na matalino ang anak mo at nai-advans nya pang aralin ang aspetong pang-academics. Sa ganoong paraan, yong likas na matalino, ay siguradong maho-honor.

Alam nyo si Jesus King yong panganay kong anak, magyayabang muna ko ngayon, consistent first honor mula Grade I hanggang Grade V, Grade IV na siya pag-pasok sa darating na pasukan.

Pero hindi ko pinanghahawakan yong salitang “matalino kasi ang lahi namin” at hindi ko rin pinanghahawakan yong salitang “likas kasi siyang matalino!” Bagkus, first honor na si Jesus King, kinukuha ko pa siya ng magaling na tutor at tinutyuturan pa siya ni Winnie My Love sa English at Math, habang tyinutyuturan ko pa si Jesus King sa Sibika at Science.

Ganon katindi ang ginagawa namin, para masiguradong hindi siya papalya sa pagiging consistent first honor.

Minsan kasi hindi usapan dito sa pagiging honor yong matalino ba ang anak mo. Sa halip, dapat mo ring ikonsidera ang “effort” o mga teknik ng pagsisikap kung paano mo momodelhin ang iyong anak na maging consistent honor.

Yon nga ang susi. Upang maging consistent honor ang anak mo, ikuha mo ng magaling na tutor. Kung may time ka o panahon at alam mo magaling ka sa isang asignaturang itinuturo sa school sa anak mo, ikaw na ang magturo non, bukod sa kanyang regular na magaling na tutor. Kung si Daddy naman ay may special na subject na magaling siya don, dapat ituro nya din sa kanyang anak, yong subject na magaling si Daddy.

Sa ganoong paraan, tatlo bale ang tutor ng anak mo, siguro naman kahit bobo ang anak mo, mlamang na ma-honor!

Nangyari, dahil iyong ibang estudiyante na karibal nya, ano sa palagay nyo, may tutor kaya? Kung may roon man, magaling naman kaya yong tutor nya? Kailangan kasing magaling ang tutor ng anak mo para maging magaling din siya.

Yong ibang estudiyante ano sa palagay nyo, tyinutyuturan din kaya ng mga magulang nila? Kung tyinutyuturan din, e nagkataong hindi naman “espesyalidad ng magulang yong subject na itinuturo nya sa anak nya” paano ngayon yon? Baka ang mangyari, pareho pang mabagsak yong nanay at anak?

Ganon yon! Lilinawin at uulitin natin: Apat ang Susi o Sangkap, upang ang isang estudiyante ay ma honor sa school, simple lang:

(1)Ikuha mo siya ng magaling na tutor.

(2) Kung ikaw ay may subject na master na master mo nuong nag-aaral ka pa, bilang Mommy, tyuturan mo pa uli sa subject na iyon ang iyong anak.

(3) Kung ikaw naman si Daddy at may subject ka na master master mo nuong nag-aaral ka pa, tyuturan mo pa uli sa subject na yon ang iyong anak.

At pang-apat (4) pinakamahalaga sa lahat, i-enroll mo na agad ang iyong anak. Ngayon palang pa-advans mo na sa magaling na tutor ang mga subject, para pagdating ng pasukan sa June, Oo nakikinig yong anak mo sa nagle-lecture na teacher, pero sa isip-isip ng anak mo “alam ko na yan, naituro na sa akin yan!”

Sa ganyang mga simpleng paraan, tiyak ang magaganap magiging consistent honor ang iyong anak, at hindi lang yon ang maganda bilang isang magulang, kung hindi ka na-honor ni minsan nuong elementary at high school, proud na proud ka, masasabi mo ngayon sa iyong sarili: “Wow naman, honor ang anak ko para narin akong na-honor!”

****

(Dahil Libre at Walang Bayad nyo namang natutunghayan ang mga artikulo ni Maestro Honorio Ong, mas maganda kung paminsan-minsan o kaya'y araw-araw bibili kayo ng pahayagang BULGAR upang matunghayan nyo naman ang mga latest articles ni Maestro Honorio Ong - maraming salamat po!)

--------30-----