Tuesday, October 7, 2008

TEKNIK UPANG MA-MASTER ANG PALMISTRY AT NUMEROLOGY

NAGHAHANAP SI MAESTRO HONORIO ONG NANG PUBLISHER PARA SA KANYANG MGA GINAGAWANG AKLAT

Paano matututo ng Palmistry at Numerology?

Teknik Upang Ma-master ang Palmistry at Numerology

Paano matututo ng Palmistry at Numerology?


Numerology – February 2

Dear Maestro,

Matagal na po akong sumusubaybay sa inyong mga kolum. Halos puno na ng mga sinipi kong kolum ninyo ang lalagyan kong kahon.

Labis kong hinahangaan ang mga payo ninyo na angkol sa mga problemang idinudulog sa inyo. Sa totoo lang Maestro 20 years old palang ako ay mahilig na akong mag-basa at mag-aral ng tungkol sa Palmistry at Numerology, hindi ko na nga mabilang ang mga hinulaan ko na walang bayad. Kadalasan ang mga payo ko sa kanila ay hinuhugot ko sa Biblia o sa salita mismo ng Diyos. Natutuwa kasi ako Maestro at may kakaibang galak sa puso ko sa tuwing manghuhula ako sa palad at numero, kaya naipangako ko sa sarili ko na sa aking pagtanda, ay palmistry at numerolgy ang siyang gagawin kong libangan, nakakatulong na ako sa aking kapwa nasisiyahan pa ang aking sarili at nakapaglilingkod pa ako sa Diyos sa pamamagitan ng mga payo na hinuhugot ko sa Bible.

Sumulat po ako sa inyo Maestro dahil gusto ko pong "masterin" ang Palmistry at Numerology, na sa totoo lang sa inyo ko rin po natutunan. Saan po ba ako makakabili ng aklat na ito, Tagalog po sana ang gusto ko, aklat po sa Pamistry at Numerology at magkano po kaya ang halaga, kaya ko po kayang mabili ito? At puwede rin po bang malaman ang kahulugan ng aking pirma, kung may dapat pa bang baguhin o okey na po ito? July 10, 1942 ang birthday ko.

Umaasa,

Roger San Francisco, Gen Trias, Cavite

Dear Roger,

Mukhang wala nga akong napansing Tagalog na Palmistry at Numerology sa mga book stores sa ating bansa? Kung saan, sa kalilibot ko, ang karamihan sa mga librong Palmistry at Numerology sa mga pangunahing bookstore ay nasa English version o English ang pagkakasulat.

Ganon paman, kung bibili ka ng aklat ng Palmistry at Numerology, ang personal na inirerekomenda ko sa inyo ay iyong mga aklat ni Cheiro. Kung saan, kumpleto ang kanyang aklat tungkol sa "panghuhula" mula sa Palmistry, Numerology at Astrology at bilang pagpapakumbaba, ang aklat ding iyan ni Cheiro ang patuloy at paulit-ulit kong binabasa hanggang sa kasalukuwan kapag wala akong magawa.

Ganon paman, tulad ng nasabi na, puro English version ang nasabing aklat ni Cheiro, kaya kung mahina kang umintindi ng wikang English, para maunawaan mo ang nakasulat duon, kailangang balik-balikan at nilaynilayin mo sa iyong isip ang katuturan o mensahe na nais niyang ipaabot sa mga mambabasa.

Maaring maitanong mo, "bakit walang Tagalog na Palmistry at Numerology na ibinebenta sa mga pangunahing bookstore at kung mayroon man, walang katuturan at walang katorya-torya ang mga nakasulat?"

E kasi po walang publisher na malakas ang loob na sumugal sa isang aklat o libro na inaakala nilang kakaunti lang ang readers o magkaka-interest bumuli. Alalaon baga, tuso rin ang mga publisher, kung saan, kapag alam nilang malulugi, bakit nga naman sila susugal, gayong malaki ang puhunan sa pagawa ng mga librong nabangit.

Kaya ang ginagawa ng mga Pilipinong publisher, mas gusto pa nilang gumawa ng mga pocket books at mga librong walang katuturan, pero tinatangkilik ng masa, kaysa sa mga makabuluhang aklat na wala namang gaanong bibili. May katuwiran din naman sila, dahil sila ay mga "business oriented" bakit nga naman sila susuong sa isang project na malulugi lang sila?

Kaya nga kung may magi-sponsor lang bilang publisher, gagawa tayo ng mga aklat na sinasabi mo sa Tagalog version, at sa totoo lang inuumpisahan na nga natin itong lahat sa ngayon, kaya lang hindi ito magiging isang ganap na aklat hangga’t walang publisher na sasagot sa tinatwag na "printing cost" at iba pang gastusin sa paglilimbag ng mga sinasabi mong aklat.

Buneo, madali lang namang matuto o "mag-master" ng Palmistry at Numerology kung talagang seseryosohin mo ang pag-aaral. Siyempre pa ang unang subject ay ang sarili mo, ang iyong asawa, ang iyong mga kaibigan at ang iyong mga anak. Sila ang una mong dapat na hulaan o inaanalisa ang kapalaran.

Ooserbahan mo lang kung tumutugon ba sa birth date nila o taglay nilang mga numero ang kanilang kapalaran, kung saan, pang-araw-araw naman nating tinatalakay dito ang tungkol sa Numerology. Iuugma o susubukan mong iugma kung anong numero ang tunay na umiimpluwensiya sa kanilang buhay.

Tungkol naman sa Palmistry, talagang may kahirapan ito, dahil tulad ng naipablished na natin dati, halimbawa na lang ang Heart Line, bawat pagsisimula ng guhit o kung saan, nagsimula ay may kanya-kanyang interpretasyon iyan at kung saan, nagtatapos ang nasabing guhit. Bukod duon, depende din sa itsura ng Heart Line, may Heart Line na baluktot, maraming bilog at putol-putol. May kahulugan ang lahat ng iyan.

Alalaon baga, hindi lang Heart Line ang pag-aaralan mo, kundi ang iba pang Major Lines tulad ng Life Line, Head Line, Fate Line, Marriage Line at ang iba pang mga Minor Lines. Kaya kapag Palmistry na ang pag-aaralan, kailangan talaga ang libro o handout man lang upang mas malinawag ang pag-aaralan at upang maipaliwanag ng mabuti ang kahulugan ng mga guhit.

Buneo, depende parin sa request, hayaan mo kapag nag-meeting kami ng Managing Editor at Publisher ng BULGAR, imumungkahi natin sa kanila na ang susunod namang "public appearance" ni Maestro Honorio Ong ay magtuturo ng Palmistry, Numerology, Graphology, at Astrology para sa mga nagnanais o willing talagang matututo, sa tuloy-tuloy at masaya parin nating paglilingkod sa inyo.

Ganon paman, lilinawin natin, dipende parin sa matatanggap nating bilang o dami ng formal request kung upang ma-aprobahan ng Managing Editor at Publisher ang ideyang iyan – Ang aktuwala na pagtuturo ni Maestro Honorio Ong ng pag-aanalisa ng kapalaran.

Hinggil naman sa iyong lagda, medyo pangit at magulo, kaya dapat mo itong lagyan ng inobasyon at bahagyang pagbabago. Linawan mo kasi ang mga letra at huwag mong pagpatongpatungin ang mga letra, sa ganyang paraan, sa edad mong 62 years old sa ngayon, hahaba pa ang buhay mo at hopefully, kapag na-approved ang nasabing propsal sa itaas, hindi impoblisbleng baka magkita pa tayo ng personal at magabayan kita sa iyong pag-aaral.

------30---------

NOTE: (Dahil libre nyo namang natutunghayan o nababasa ang BLOG ni MAESTRO HONORIO ONG ng walang bayad, dapat paminsan-minsan o mas maganda kung araw-araw ay bumili naman kayo ng pahayagang BULGAR upang matunghayan nyo rin ang latest na mga artikulo ni MAESTRO.)

Thursday, September 25, 2008

UPANG MAKATAGPO NG MADE IN HEAVEN NA PAG-AASAWA






SA PAGKAKATAONG ITO maingat at masinop na ipinaliwanag ni MAESTRO HONORIO ONG ang kakaibang paraan upang makatagpo ka ng isang maligaya at pang habang buhay na pag-asawa.

Tunghayan natin ang kanyang paliwanag na binase sa mga aral at turo ng psychologists na si Carl Jung at Sigmund Freud.

Numero – September 27, 2008

Dear Maestro,

Ang talagang pangarap ko nuong dalaga pa ako ay magkaroon ng isang simple pero masayang pamilya. Kaya nga kahit sa gunita ay hindi pumasok sa isip ko na magkakaganito ang buhay ko sa kasalukuyan. Nagkahiwalay kasi kami ng asawa ko sa dahilang bukod sa hindi siya respobsable asawa, isip bata, ayaw maghanap ng trabaho at may pagka-addict pa. Dahil sa parang wala siyang pangarap at walang paki-alam sa mundo, hindi na nga ako nagdalawang isip pa na makipag-hiwalay sa kanya, kahit na masakit sa loob ko dahil kahit papaano ay mahal ko parin siya. Sa ngayon ay nagtataka parin ako sa nangyari sa buhay ko, kung bakit madami naman sa akin nanliligaw nuong dalaga pa ako pero bakit ba siya ang sinagot at napangasawa ko. Ngayon Maestro ang tanong ko ay kung mag-aasa uli ako may ikalawa pa kayang ligaya na naghihitay sa akin? Kung may pag-asa pa na matupad ang pangarap ko, isang simple pero masayang pamilya, kailan kaya ito magaganap at sinong lalaki ang dapat kong mapangasawa upang makaranas naman ako ng masayang pamilya? February 4, 1976 ang birthday ko.

Umaasa,

Maricar ng San Agustin Village, Moonwalk, Paranaque City

Dear Maricar,

Medyo malalim ang gagawin nating diskusyon ngayon, subalit kung mauunawaan nyo, malaking kapakinabangan ito lalo na sa mga babae at gayon din sa mga lalaki na nais makatagpo ng isang masaya at pang habang buhay na pag-aasawa.

Ayon sa psychologist na si Carl Jung, “Every man contains a woman within him, and every woman a man; and this basic truth is not only biological – for we all contain in a recessive form the hereditary vestiges of the opposite sex without our own bodies – but psychological as well. These transsexual unconscious images as ANIMUS and ANIMA, and astrology infers the same inter-relationship of male and female within the individual from the presence of both masculine and feminine signs and planets in his birth chart.”

Naiintindihan nyo ba? Simple lang: “Ang lahat ng lalaki ay may babaing kaakuhan na nanahan sa kanyang inner self. Habang ang lahat ng babae ay may lalaking kaakuhan na na nanahan din sa kanyang inner self.” Ito ang tinatawag nating “the woman within” at “the man within.”

Kaya nga sa loob ng iyong pagkatao o sa loob ng iyong sarili ay hindi totoong single ka o nag-iisa. Bagkus dalawa kayo diyan. Kaya kapag pinaguusapan ang meaningful relationship o maligayang pagiibigan o maligayang relasyon, wag na wag kang magsasalita ng I, bagkus ang tamang salita ay We.

Si Animus at si Anima kasi ang nasa loob ng iyong sarili. Nandiyan sa inner self mo, hindi mo lang nare-recognized.

Hindi ba ng ginawa ka ng tatay at nanay mo nagsama ang punlay nila – ang sperm cells at ang eggs cells. Saka ka palang nabuo. Sa makatuwid, “ang katas ng nanay mo ay hinaluan ng katas ng tatay mo” kaya ka naging tao.

Alalahanin mo sumandali na ang nanay mo ay “feminine” at ang tatay mo ay “masculine”. Ang tanong: “pagkatapos mong isilang at ngayon ngang nagdadalaga o nagbibinata ka na, nasaan na kaya iyong pambabaeng katas ng nanay mo at iyong panlalaking katas ng tatay mo sa loob ng iyong pagkatao? Siyempre nasa loob parin iyan ng iyong katauhan.

Kapag ngayon nag-asawa ka o naghanap ka ng mapapangasawa, kung ikaw ay babae, iyong katas o iyong katas na katulad na katulad ng tatay mo na nasa loob mo ang siyang dapat mong matagpuan o mapangasawa. Kapag naman lalaki ka, iyong katulad na katulad ng katas ng nanay mo ang dapat mong matagpuan at mapangasawa upang habang buhay kang lumigaya.

Ito ang tinatawag nating “feminine attributes” ng nanay mo kung ikaw ay lalaki – ito ang dapat mong mapangasawa. Isang babaing kamukha, katulad o sabihin nating kagaya ng nanay mo.

Kapag naman ikaw ay isang babae, “iyong masculine attributes” ng tatay mo ang dapat mong mapangasawa. Isang lalaki na kamukha, katulad o sabihin nating kagaya ng tatay mo.

Kaya nga ang unang basic principle upang magkaroon ng maligayang pag-aasawa ay ganito: “Kun ikaw ay isang babae, kapag ang tatay mo ay mataba o chubby, at napangasawa mo ay payat, malabo kang lumigaya. Kabaliktaran nito, kapag ang tatay mo ay mataba o malaki ang katawan o chubby ay ganon din ang iyong napangasawa, mas malaki ang tsansa na ikaw ay lumigaya.

Kung lalaki ka naman, kapag ang nanay mo ay payat o may pagka-sexy at ang napangasawa mo ay payat din at may pagka-sexy mas malamang na magiging maligaya ka, habang kung payat ang nanay mo o may pagka-sexy at napangasawa mo ay mataba o chubby na babae, malabo kang lumigaya.

Pero wag ka namang malungkot kung hindi katulad ng pisikal na anyo ng nanay o tatay mo ang iyong napangasawa, dahil “physical attributes” palang naman ang tinatalakay natin. Sa susunod na mga araw tatalakayin din natin ang iba pang attributes ng nanay at tatay mo na dapat na siyang makita mo sa babae o lalaking iyong mapapangasawa, upang ikaw ay magkaroon ng made in heave na relasyon.

Sa aktuwal na halimbawa, ganito ang mangyayari sa pag-aasawa ng lalaki, hango sa paniniwala ni Sigmund Freud pero walang halong kabastusan, teknikal napaliwanag lang. Sinasabing, kung anong hugis at laki ng dibdib ng kanyang nanay na una niyang sinandalan nuong siya’y sanggol palamang, ganon din ang dapat na hugis ng dibdib at lalaki ng breast na kailangang muling maulit sa panahong siya naman ay sumandal sa dibdib ng babaing kanyang mapapangasawa. Kung bagay ang dibdib ng iyong asawa habang iyong ninanamnam ay paguulit lamang sa dati mo ng ginawa sa dibdib ng iyong nanay nuong ikaw ay sanggol palamang. Kaya nga kung ano ang init ng ina nuong ikaw ay sanggol palamang, kailangang ganong init din ng katawan o pagmamahal ang maibigay sa iyo ng babaing iyong mapapangasawa upang ikaw ay habang buhay na lumigaya. Hindi ko lang masabing, “kung paano mo dinede nuong sanggol ka ang dede ng iyong ina, ganon mo rin dedehin ang dede ng iyong asawa at kapag pinadede ka ng may init ng pagmamahal ng iyong ina, siguradong sa iyong pag-aasawa, may init din ng pagmamahal na dede ang ibibigay sa iyo ng iyong asawa.”

Tunay ngang ang pagmamahal ng nanay sa sanggol ay ulit lang ng pagmamahal ng napangasawang babae sa isang lalaki, kaya ito ang pagiibigan na napakaligaya.

Ganon din ang pagmamahal ng ama sa anak na babae ay ulit lamang ng pagmamahal ng lalaking asawa sa babaing kanyang napangasawa.

At kapag maligaya ang relasyong ama sa anak na babae, at ina sa anak na lalaki, siguradong uulit lang uli ang relasyon iyon sa pag-aasawa ng isang indibidual.

Kaya nga kapag masaya ka sa iyong pamilya nuong ikaw ay sanggol, nuong ikaw ay musmos, at nuong ikaw ay nagdadalaga, siguradong mas malamang na magkakaroon ka rin ng masayang pag-aasawa.

Pero kung may problema ang pakikipag-relasyon mo sa iyong ina at ama nuong ikaw ay bata palang o nuong ikaw ay nagdadalaga palang, ihalimbawa na nating may pagka-rebelde ka, tunay ngang mas malamang na kapag nag-sawa ka, malabo kang lumigaya, dahil tulad ng naipaliwanag na, ulit lang ang relasyon ng mag-asawa, sa dati ng naranasan nyang relasyon sa kanyang pamilya.

Habang ayon sa zodiac sign mong Aquarius, dapat sa susunod na pag-ibig ikaw ay makatagpo ng lalaking isinilang sa zodiac sign na Gemini o kaya’y Libra na may birth date na 7, 16, 25, 2, 11, 20 at 29, na kailangang ding katulad, kamukha o kagaya ng tatay mo, upang sa nasabing ikalawang pag-aasawa, habang buhay ka ng lumigaya.

-------30----------

Monday, August 4, 2008

ANG TAONG KUWATRO, Silang Isinilang sa Petsang 4, 13, 22, at 31

ANG KAPALARAN NG MGA TAONG KUWATRO NA NAIIMPLUWENSIYAHAN DIN NG PLANETANG URANUS

Sa pagkakataong ito ipinaliwanag ni Maestro Honorio Ong ang napaka-garang kapalaran ng isang taong kuwatro, sa kanyang artikulong Itexk Mo Kay Mho, sa pahayagang BULGAR na nailabas at naipblished nuong August 6, 2008

Itext – August 6

Dear Mho,

May 13, 1987 ang birthday ko at February 23, 1984 naman ang boyfriend ko. Compatible po ba kami? Code name: Taurus ng 9295822611

SAGOT:

Positibo ang tugon: ”Compatible kayo!”

****

Dear Mho,

April 19, 1988 ang birthday ko. What year po kaya makakapasa sa nursing board exam? Code name: Aries ng 9208018252

SAGOT:

Ayon sa iyong Career Calendar significant at favorable years mo sa pagkuha ng nursing board exam ang taong 2008, 2011, 2012 at 20013.

*****

Dear Mho,

Lagi po akong nagbabasa ng mga column nyo, at minsan ay nabasa ko na ang taong 4 ay walang kapalaran. Ibig sabihin po ba nito, isa na rin ako duon? Code name: Cancer ng 9293498857

SAGOT:

Hindi naman ganon ka-simple iyon, nuong sabihin nating “ang mga taong kuwatro ay walang kapalaran”, sa halip, dapat ianalisa mo parin ang iyong buhay at mga datos.

Ano ang ibig sabihin nating ianalisa mo parin ang iyong buhay, karanasan at mga datos?

Halimbawa, katulad mo na ang birthday ay June 22, 1977, tanungin, masdan, obserbahan o pag-aralan mo ang iyong sarili: “Wala ka bang kabuhay-buhay at napapansin mong wala kang career, love life o talagang wala kang kapalaran?”

Kung Oo, ang iyong sagot, ibig sabihin ay mas nanaig sa tadhana mo ang numerong 22 o numerong kuwatro, kaysa sa destiny number mong 7, o kaysa sa zodiac sign mong nasa pagitan ng Gemini at Cancer?

Kung ang nangyari naman sa iyo sa loob ng humigit kumulang ay 31 years mo na sa mundo, ay nakatikim karin naman ng tagumpay, ng karangalan ng kaligayahan, ng mga pagpapala ng buhay at iba pa, sa tulong ng mga dating kaibigan, kasamahan sa trabaho, kamag-anak, kapamilya, o kung sinoman ang dati mong kasama na naranasan mong gumanda talaga ang career mo, ibig sabihin lang nito higit na nanaig sa iyo ang impluwensiya ng numerong 7.

Samantala, kung sa pagaaral mo sa sarili mong buhay, karanasan at kapalaran ay sadyang kay gulo, o sabihin na lang nating walang direksiyon at hindi stable, ibig sabihin lang nito mas nanaig sa tadhana mo ang impluwensiya ng zodiac sign mong under sa “cusp” na tinatawag, dahil nasa pagitan ka ng dalawang zodiac sign, sadyang naging magulo tuloy ang kapalaran at tadhana mo.

Sa matuling salita, hindi madaling mag-analisa ng kapalaran ng isang tao at magsabi kung ano ang magaganap at mangyayari sa kanya, sa halip, kailangan din ang tulong ng indibdiual na nagmamay-ari ng sarili nyang kapalaran, upang mapag-aral at masuring mabuti kung ano ba talaga ang nananaig sa kayan, impluwensiya ba ng kanyang birth date, impluwensiya ba ng kanyang destiny number o impluwensiya ba ng kanyang zodiac sign? At may pang huli pa nga, iyong impluwensiya ng numerong hindi nakikita, pero nababakas sa kilos, porma, itshura ng katawan at asta ng isang indbidual.

Sa matuling salita, inaanalisa natin ang inyong kapalaran, hindi sasabihin lang natin ang ganito at ganong tadhana, bagkus pilit natin itong nilalagyan ng dahilan o bakit nagkaganon ang kapalaran, upang pagkatapos, maalwan o mas madali nating masusulusyunan ang problema sa buhay, at mabibigyan ng bagong direksiyon ang isang indibidual patungo sa isang matagumpay, masagana at maligayang karanasan.

Halimbawa, tulad mong isinilang nuong June 22, 1977, siguradong-sigurado ang mga taong makaka-impluwensiya sa iyo ay silang may birth date na 3, 12, 21, 30, 8, 17, 26, 1, 10, 19 at 28. At kapag nakatagpo ka ng isang taong isinilang sa ispesipik na petsang December 3, or 12, o kaya’y December 21, siya ang may malaking maitutulong sa iyo, patungo sa isang matagumpay at aliwalas na pamumuhay.

Tandaang bagamat tila walang kapalaran ang mga taong kuwatro, kung minsan ay sila rin ang may pinaka-magarang kapalaran kapag sila ay sinusuwerte, ngunit kapag naman minamalas, sila rin ang isa sa pinaka-walang kakuwenta-kuwenta ang nagiging kapalaran.

Kaya nga kailangan o sadyang napakahalaga ng tinatawag na “guide”, kung bagay bata palang ang karanasan o kasalukuyan palang tumatahak sa landas ng buhay, kailangang iayos na agad ang dapat iayos, upang sa ganon ang isang taong kuwatro ay magkaroon ng isang napakagarang kapalaran.

“Magara” ang ginagamit nating salita, sapagkat ito ang pinaka-angkop na salita para sa kapalaran ng mga taong kuwatro, kung maganda, hindi lang maganda, kung mabuti hindi lang mabuti, ubod gara at ubog ganda talaga, na sadyang napakahirap ipaliwanag.

Kung mapangit naman o malungkot, hindi lang pangit o malungkot, sadayang ubod pangit at ubog lungkot, na pupuwede ding hindi ganon, bagkus, magara at ubod gara lang talaga na napakahirap ngang ipaliwanag.

Iyan ang mga taong kuwatro na naiimpluwensyahan ng magulong planetang Uranus, Saturno at Pluto at kung minsan ay may kasama pang Sun, ang kanilang uulitin na naman natin, - ang kanilang napakagarang kapalaran.

--------30-------


Saturday, July 26, 2008

HANDA NA BANG MAKIPAGTALIK?


SEX ang hangad o pangunahing motibasyon ng bawat indibidual ayon kay Sigmund Freud. Maaaring tama si Freud, sa panahon ngayon ito rin ang usong-usong hanap ng mga kabataan - ang makipag-talik!



Ngunit dapat ba itong gawin at paano kung magbunga ang gagawing pakikipagtalik sa iyong boyfriend?

Sa pagkakataong ito sa kanyang artikulong Kapalaran Ayon sa Inyong Numero malinaw na pinaliwanag ni Maestro Honorio Ong, ang pratikal na dahilan kung bakit hindi dapat makipag-sex ang mga inosenteng teenagers.


****

ANG IKA-11 UTOS: “WAG KANG MAGPAPA-BUNTIS!”

MAINIT na pinag-uusapan at pinagdedebatehan sa ngayon ng Simbahan Katoliko at ng mga Mababatas ang hinggil sa batas na nagsa-sa-legal ng abortion at iba pang contraceptives.

Sa pagkakataong ito, lumundag pabalik ang topic ni Maestro Honorio Ong sa nasabing isyu. Kung saan, tama lang na bago pag-debatehin ang “contraceptives at abortion” ang dapat munang ipalianag sa mga kabataan ay kung “paano maiiwasan ang pagbu-buntis, habang nage-enjoy sa premarital sex.”

Tunghayan natin ang tugon ni Maestro Honorio Ong sa isang letter senders na “handa ng makipag-sex sa kanyang boyfriend.”


******


Numero – July 18, 2008

Dear Maestro,

Kumusta na po! Handa na po akong ibigay ang pagkababae ko sa aking boyfriend kaya naisipan kong sumulat sa inyo.

Wala lang po! hindi naman po ako masyadong nagmamadali o naiinitan! Kaya lang gusto ko na syang itry anu pong masasabi nyo? Compatible po ba kami ng boyfriend ko at kami na po ba ang magkakatulyan? February 23, 1989 po ako at July 7, 1989 naman po ang boyfriend ko.

At anu po bang pinakada best na safe sex para sa inyo except sa abstinence at masturbation?

Umaasa,

Ms. Precious Secret ng Pasay City

Dear Ms. Precious Secret,

Kung compatibility ang tatanungin, tunay ngang magka-compatible kayo ng boyfriend mo, dahil ang zodiac sign mong Pisces at Cancer naman siya ay kapwa pinaghaharian ng elementong water o tubig, gayon din naman ang inyong mga numero, kung saan, ang destiny number mong 7 ay tugma-tugma naman sa birth date ng boyfriend mo na 7. Habang ang destiny number niyang 5 ay nagkataong sakto din naman sa birth date mong 23 o 5. Ibig sabihin, ano’t-anoman ang mangyari, possible at maaaring kayo na nga ang magkatuluyan. Pero bago bumigay ang pinaka-safe parin hindi para wag kang mabuntis, kundi para magkaroon kayo ng isang maligaya at pang habang buhay na pagpapamilya ay iyon nga – magtapos muna kayo ng pag-aaral.

Regarding sa safe medthod, ganito iyon! Alam mo maraming "safe method" kaya lang sa bandang huli kapag nawili ka na sa sex, sasabihin mo o kaya sasabihin ng ka-partner mo, "hindi masarap kapag naka-safe method".

Halimbawa iyong condom, bandang huli aalisin nya rin iyon kaya may tsansa na bigla kang mabuntis.

Kapag naman naka-calendar method, iyong binibilang ang arawr ng regla para malaman ang "safe period", puwede din iyon, kaya lang minsan kapag lagi kayong mag-kasama ng boyfriend mo at naginit kayong dalawa, hindi maiwasang kahit "hindi safe period" magse-sex kayo, dala ng pangangailangang katawan at pang-emosyonal. Sa senaryong iyon, may tsansa ka paring mabuntis.

In short, kung ako lang ang tatanungin o sa sarili o personal ko lang na opinyo, sa sandaling nakipag-sex na ang isang babae sa isang lalaki, sa totoo lang "walang safe-safe" dahil mas matindi ang init ng katawan, ang pag-ibig, ang pagpupuyos ng damdamin at laman. Ang sarap na nararanasan, at higit sa lahat, ang sex ay parang iyong pinakamasarap na nakain mo, kung anoman iyon, kapag nakaranas ka na, uulit-ulitin mo na at sa bandang huli, siyempre kung may mga babaing madaling mabuntis mabubuntis ka.

Minsan nga ay may naka-halikan akong babae, tinanong ko siya kung ano ang na-feel nya, sabi nya: “Habang siya’y nakapikit para daw nakatingkayad at may gustong-gusto siyang pilit na inaabot sa ibabaw ng aparador pero hindi niya maabot-abot, pero nakakapa at nahahawakan na nya pero di parin niya maabot-abot.”

Ganon iyon! Lips to lips palang iyon, halos hindi nya na ma-explains ang dulot na sarap ng napaka-garang sensasyon, paano pa kaya kung aktuwal na sex na ang kanyang matitikman? Paano nya kaya ito ilalarawan?


Ano ngayon ang buod o summary ng sinasabi natin?

E di iyon nga, kapag ibinigay mo na ang iyong pagkababae, okey paring gumamit ka ng mga contraceptives at iba pang safe method, pero dapat aware ka ring anomang oras, anomang sandali ay baka mabuntis ka!

Sa matuling salita, hindi safe method ang dapat mong isipin sa ngayon, (pero gagawin mo parin iyon at obligado ngang gawin iyon hanggang hindi ka kayo nakakatapos ng pag-aaral), bagkus ang mas dapat isipin ay "iplano ang pagpapakasal" ika nga "expect for the worst".

Kung saan, "dahil expect for the worst" sa sandaling bigla kang nabuntis, hindi ka mako-caught in the act ng kapalaran, dahil hindi nya alam, matagal mo na iyong pinaghandaan.

Na-get mo ba?

Kung baga sa giyera o barirlan, nakikipag-barilan ka, at alam mong hindi ka tatablan o tatamaan kasi nga may bullet proof ka, pero ang hindi alam ng kalaban mo, bale wala sa iyo ang bullet proof mo, kasi nga, handa ka naman kung sakaling dumating ang sandali na tinablan ka na ng bala.

Sasabihin ng kabarilan mo, "patay ka na ngayon dahil tinamaan na kita sa katawan", sa isip isip mo naman, "mali ka don" kasi nuon ko pa pinaghadaan na darating din ang panahon tatamaaan mo ko, kaya sabay hugot ng isa mo pang baril, "pratatattttt....." patay uli ang iyong kalaban.

Ang bullet proof ay ang contraceptives, habang kahit na sumablay pa ang contraceptives, tulad ng naipaliwanag na, "hindi nila alam, kahit mabuntis ka, matagal ka ng nakahanda sa senaryong iyon!"

Ganon iyon! Kailangang ang isang tao ay laging nakahanda sa anomang mangyayari sa kanyang kapalaran kahit na iyon ang pinaka-worst pang senaryo.

Sa ganyang paraan lamang, hindi ka mabibigo at magiging maligaya ka habang buhay!

Kasi nga, malayo palang ang kaganapan, alam mo na ang susunod na mangyayari at may nakahanda kana agad solusyon, kapag dumating na ang pangyayaring iyon!

Naalala ko tuloy iyong sinasabi nilang may 10 utos, at ang pang-labing isa daw ay “huwag ka raw pahuhuli!” Sa pagtatalik o sa pure sex na tinatawag may 10 Utos din, at ang ika-labing isa na siya ring pinaka-mahalaga sa lahat, “wag kang magpapa-buntis!”

Ingat... at hangad kong bago ka mabuntis, sana kapwa mo na kayo makatapos ng pag-aaral ng iyong pinaka-mamahal na boyfriend, upang sa ganon kapag kayo ay nagpakasal na at nagkaroon ng sariling pamilya, makatitiyak ng isang maunlad, maligaya at pang habang buhay na pagsasama.

--------30----------


(Ang artikulong ito ay na-ipablished at inilabas sa Pahayagang Bulgar nuong 18, 2008).

FORMULA UPANG LUMIGAYA



ISINILANG BA ANG TAO UPANG MABIGO, LUMUHA AT MAG-ISA?


Ang tanong na ito ang tinalakay ni Maestro Honorio Ong sa kanyang artikulong Kapalaran Ayon sa Inyong Palad.

Ayon kay Maestro, hindi isinilang ang tao upang malungkot at lumuha sa larangan ng pag-ibig, pakikipag-relasyon at pagaaasawa, bagkus, isinilang ang tao upang lumigaya.

Palad – July 3

Katanungan:

  1. Wala na po akong mapaglibangan sa ngayon sa buhay ko kundi pagkikipag-text at minsan ay pagi-internet. Nagkahiwalay na po kasi kami ng asawa ko pero aaminin kong hanggang ngayon ay mahal na mahal ko parin siya. Kaya lang ano pa ang magagawa ko simula ng nag-abroad siya, umuwi lang siya ng isang beses pagtapos non ay nawala na hanggang sa mabalitaan kong nasa iba na pala siyang kandungan.
  2. Nuong una, masakit at parang hindi ko matanggap at parang gusto ko siyang ipaglaban at habulin sa babaing sinamahan nya, pero ng bandang huli, natama din ako ng desisyon, bakit ko pa guguluhin ang buhay ng isang tao kung hindi nya na ako mahal, kahit sabihin pang asawa ko siya.
  3. Nasa akin naman ang aming tatlong anak at masasabi kong sila na lang ang nagiging inspirasyon ko upang magpatuloy, magtrabaho at mabuhay.
  4. May trabaho naman po ako sa ngayon at may mataas na posisyon sa isang company kaya pa-easy-easy lang ako, at laging walang ginagawa na siya namang pinagpapasalamat ko kay Lord, binigyan ako ng isang maganda at matatag na trabaho upang mabuhay kong mag-isa ang aking mga anak at minsan ay pinapadalan pa sila ng mga kapatid ko na tilungan ko naman na makapag-abroad dati, kaya dapat lang ding tulungan naman nila ako para naman sa kanilang mga pamangkin.
  5. Kung bagay, isa na lang talaga ang problema ko, kung paano titiisin ang grabeng kalungkutan kapag sumasagi sa isip ko ang labis na pagngungulila.
  6. Sa edad kong 33 years old Maestro aaminin ko na nga sa iyo na gusto ko pa sana uling mag-asawa, pero nagtatalo naman ang isip ko baka makakuha na naman ako ng lalaking lolokohin lang ako higit lalo kung iisiping hindi na ako dalaga at may tatlong anak pa.
  7. Naisip ko ikaw lang ang makakatulong sa akin upang malaman ko kung ano ba talaga ang aking magiging kapalaran. Makapag-aasawa pa ba akong muli o habang buhay na ba akong mag-iisa na magtataguyod ng aking mga anak, kung ganon ang mangyayari kahit na malungkot titiisin ko na lang kung sadyang ito ang itinakda sa akin ng kapalaran?

Kasagutan:

  1. Nuong ko pa sinasabing hindi kalungkutan ang itinakda sa tao kaya siya isinilang o ipinanganak sa mundong ito, dahil kung ganon ang mangyayari, lalabas namang walang kakuwenta-kuwenta ang sa kanya ay lumikha.
  2. Isipin mong mabuti, kung ikaw ang lumikha, gagawa ka ng mga tautauhan, ipapatong mo sa mesa at gagawin mong laruan, pagkatapos, hahayaan mo bang ang mga tauhan mong ginawa ay umiiyak at lumuluha?
  3. Siyempre hindi! Bagkus ang gusto mo, tulad mo rin sila ay maging masaya, habang sila ay pinaiiral, binubuhay at binibigyan mo ng karansan, sa lamesa ng buhay na ikaw din ang may gawa.
  4. Pero ang napaka-kritikal na tanong ay bakit nga ba mas maraming tao ang naluluingkot, ang naghihirap, ang nagdurusa, ang walang masayang buhay at walang masayang pamilya, kung ikukumpara sa mga taong biniyayaan ng mga materyal na bagay at kaligayahan ng pagkakaroon ng isang masaya at pang habang buhay na pamilya?
  5. E kasi ang totoo n'yan, ang tao din ang gumagawa ng kanyang kapalaran kapag pinag-uusapan na ang kalungkutan. Tulad mo Ms. A. bakit ayaw mong imibig muli at magmahal, gayong iyon pala ang hinahanap ng malalim na humbak sa iyong puso at isipan?
  6. Alam ko naman ang sagot at sinabi mo na, "natatakot ka!" Natatakot kang muling mabigo at lumuha. At dahil sa takot na iyan, ano ngayon ang nangyayari saiyo, hindi ba't kulang na lang na lumuha kang muli at humagogol sa iyong silid kapag ikaw ay nagiisa dahil sa sobrang kalungkutang nadarama.
  7. Kaya nga gising! Buksan mong muli ang iyong puso, umibig kang muli at magmamahal sa ganyang paraan lamang, nawala na ang takot at napalitan ng sigasig at ligaya na muling magmahal tiyak ang magaganap – makakasumpong karin ng karapatdapat na lalaking sa iyo ay sadyang inilaan, na siya rin namang sinasabi ng ikalawa at mas malinaw na Marriage Line (Drawing A. at B. 2-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong puso. Tanda na ang dating kabiguan sa pag-aasawa ay hindi na muling mauulit pa, upang minsan pa ay muli na namang mapatunayan ang tunay at talagang konsepto ng buhay sa mundong ito – ang mag-mahal at pagkatapos ay ang lumigaya.

Mga Dapat Gawin:

  1. Iyon ang nakaka-asar na karanasan ng tao sa mundong ito lalo na ng mga babae na basta-basta na lang nai-in love sa maling nilalang. Imbis na ang mangyari ay magmahal at lumigaya, ang nagiging ending ay baliktad: "ang mag-mahal at pagkatapos ay habang buhay na lumuha at mangulila!"
  2. Habang ayon sa iyong mga datos Ms. A. hindi ka nilikha para malungkot, para mangulila, parang manghinayang sa mga nagdaang kabiguan at pagkakamali, bagkus nilikha ka upang limigaya. Gawin mo na ngayon, muli kang mag-mahal at umibig upang pagsapit ng taong 2010, sa buwan din ng Disyembre habang lumalamig ang panahon, kasabay nito muling mabubuo ang isang bago at mas masayang pamilya

-------30---------

(ANG ARTIKULONG ITO AY LUMABAS AT NAPABLISHED SA PAHAYAGANG BULGAR NUONG JULY 3, 2008).

Tuesday, June 24, 2008

ANG KAPALARAN NG MGA TAONG SIETE (7)


ANG KAPALARAN NG MGA TAONG MAY BIRTH DATE NA 7, 16 at 25


(SA ARTIKULONG ITO, Kapalaran Ayon sa Inyong Numero na matutunghayan sa Pahayagang BULGAR dated June 27, 2008, binigyang paliwanag ni Maestro Honorio Ong ang kadalasang nagiging sadlakang kapalaran ng mga taong naiimpluwensiyahan ng numerong 7, 16 at 25).


Numero – June 27

Dear Maestro,

Ipinanganak po ako nuong August 8, 1972 at ang aking asawa ay ipinangank nuong September 7, 1967. Naging magkaibigan kami ng aking asawa nuon hanggang sa nagtrabaho ako sa Singapore ng five years. Umuwi po ako ng Pilipinas at tumigil ng eight months at duon nagka-developan kami, mabait naman siya at tahimik na tao. Bago ako umalis ulit papuntang Hong Hong ay naging kami, after two years umuwi po ako at nagpakasal kami kahit wala siyang trabaho nuon. Nagkaroon naman siya ng trabaho after two years ngunit bago sumapit ang aming four years anniversary, ay may nabuntis siyang kasamahan niya sa trabaho na may asawa din at may tatlong anak na maliit pa. Kaya naging malabo ang aming relasyon. Mahal ko po ang aking asawa kaya ako ay umaasa na magiging maayos muli ang aming relasyon at ipagpapatuloy ang aming mga pangarap. Sa ngayon patuloy parin akong nagta-tabaho bilang D.H. dito sa HK at gusto ko pong huminto na sa taong 2009 upang magka-anak at magsama kami ng aking asawa. Matutupad po ba ang aking hangaring para sa aming dalawa?

Umaasa,

Mrs, Leo ng Nga Lane, Tsung, Kwan, NT Hong Kong

Dear Mrs. Leo,

Ikaw ang magdadala ng inyong relasyon at nasa mga palad mo ang kinabukasan ng inyong samahan ng iyong asawa. Nangyaring ganon, dahil ikaw ay may number na double eight (8) sa implunwensiya ng zodiac sign na Leo na may kaakibat namang number one (1).

Ibig sabihin triple strong ang iyong pagkatao, habang very weak naman ang numerong 7 at destiny number ng iyong asawa na 3, at zodiac sign niyang Virgo na may kaakibat na numerong 5.

At madali lang para magtagumpay ka sa iyong nilalayon, ang mapasunod mo sa lahat ng iyong kagustuhan ang iyong asawa, patungo sa isang maligaya, pang habang buhay at matagumpay na relasyon.

Ano ang nasabing madaling paraan? Napaka-simple lang!

Dahil likas na matino at mabuting tao ang iyong asawa, kaya posibleng nakabuntis siya ng babae, dahil “nasabit” lang talaga siya, ay takutin mo lang ang iyong asawa o sabihin nating ilarawan mo sa kanya ang mga negatibong mangyayari sa kinabukasan, kapag patuloy siyang nakipag-relasyon sa babaing may asawa na, ay siguradong talab na talab sa unconscious niyang pagkatao ang ganoong istilo ng diskarte.

Likas kasing takot ang mga taong isinilang sa numerong 7. Hindi naman sa takot, bagkus sabihin na lang nating takot gumawa ng kasalanan, at higit nilang kinatatakutan unconsciously ang consequences o kauuwian sa anomang kasalanang kanilang ginawa.

Ang mga taong isinilang sa numerong 7, 16 at 25, na matatapang ay bihirang-bihira, bagkus kaya lang sila naging matapang o napagkamalamang matapang, ay parang ala- Dolphy sa isang comedy series na kanyang ginampanan.

Sabi ng mga Katipunero nuong panahon ng Kastila, habang sila ay nagkakatipontipon sa sa liblib na gubat ng Pugad Lawin: “sungod mga kapatid pabagsakin natin ang mapanupil na mga Kastila!” Sumisigaw sila ng ganon, habang hawak nila sa kanilang mga kamay ang matatalas na gulok.

Sa ganuong kaingay na senaryo bago sumiklab ang rebulusyon, may isang nagtanong “sino ang mangunguna at mamumuno sa atin?” Walang ano-ano natahimik ang lahat at walang makaimik dahil batid nilang walang laban ang kanilang mga itak sa baril ng mga Kastila.

Dahil sa dami ng mga tao, at talagang nagsisiksikan sila sa Pugad Lawin, may isa ngayong nakatapak sa kalyo ng paa ni Dolphy, na gumaganap bilang Andres Bonifacio, bigla ngayon siyang napasigaw “aray…” kasabay at di sinasadyang naitaas ang kanyang kamay na may hawak na gulok.

Sigawan at palakpakan ngayon ang lahat…”Yippiii may mamumuno na sa atin, at sabay-sabay silang nagtakbuhan at nilusob na nila ang bawat kuwartel at garrison ng mga Kastila sa kanugnog na bayan ng Kalookan, Tondo, San Juan at iba pa.

Habang si Dolphy naman na gumaganap bilang Andres Bonifacio ay wala na nagawa kundi ang pamunuan ang isang rebulusyong hindi naman siya ang author at may kagagawan.

Bagamat isang joke o siste lang ang kuwentong tinuran sa itaas, kadalasan ganon ang nangyayari sa buhay ng mga taong siete. Wala silang lakas ng loob, at wala din silang tapang, pero kapag nanduon na, at napasubo na duon lamang lumalabas ang kanilang galing, tapang at katalinuhan.

Tulad din nang nangyari kay dating Pangulong Corazon Aquino na isinilang nuong January 25. Naghahanap ang oposisyon ng babangga, sa diktador at strong man na si Marcos, at habang sila’y nagmi-meeting sa bahay ng mga Cojuanco sa Tarlac, nanduon naman si Mrs. Cory Aquino na nagsisilbing taga-timpla lang ng kape –nagse-serve sa mga leader ng oposisyon na nagpupulong. “Eto pala ang ipambabangga natin kay Macoy si Mrs. Aquino na lang!” Nagulat pa si Cory na isang plain house white ng magustuhan at mapili siya ng mga leader oposisyon. Dahil wala naman siyang kahilig-hilig sa politika, umangal pa nga siya at sinabing: “hindi ako kasali dyan!”

Pero dahil wala na siyang nagawa, angara pa ngayon ng nangyari, si Mrs. Aquino na binansagan ng mga Marcos Loyalist na walang alam, plain house wife, at walang karanasan, at babae pa, at biyuda pa, ang nakagawa na pagkaisahin ang oposisyon at ang katangi-tanging sinuwerte na nagpabagsak sa diktadurang Marcos na namuno ng humigit sa 20 taon sa ating bansa.

Ganon ang kapalaran ng mga taong siete (7) at minsan ay pati narin taong dos (2) kimi at takot, pero kapag “natapakan na ng tadhana ang kanilang kalyo paa”, di sinasadyang sila pa pala ang hahawak ng pinakamataas na katungkulan at magpapagbasak sa isang dikdator, o sa isang strong man o sa isang mananakop na kay tagal ding nang-alipin at nagpahiwarap sa mga mamayan.

Ganon din ang nangyari kay Jesus, na isinilang nuong December 25. Nagusap-usap iyong Tatlong Persona at ang mga anghel sa langit. Sabi ng Diyos Espirito Santo, “sino ang bababa sa lupa upang tubusin ang kasalanan ng mga tao?” Sabi ng Diyos Ama, “aba ayaw ko na ng assignment na iyan, dahil nakita o nabasa nyo naman sa Lumang Tipan, ako na nga si Yahweh ang direktang nakikipag-usap sa mga tao, pero naging matigas ang kanilang ulo at lagi nila akong sinusuway!’

Nang mga sandaling iyon habang naka-upo si Jesus sa kanyang trono at kukuyakuyakoy nag-anyong surot si Satanas, na nanduon din pala at nagmamatsag sa nasabing pagtitipon ng mga anghel at nang Tatlong Persona, kinagat ngayon ng surot ang puwit ni Jesus kaya siya ay napatayo. Hayon ang nangyari, wala siyang kaalam-alam siya ngayon ang napako sa krus at tumubos sa kasalanan ng sanlibutan, gayong wala naman siyang kaalam-alam duon, kundi ang may alam ay ang Ama. Kaya nga sabi niya nuong Huling Hapunan, ng malapit na siyang dakipin at sistensiyahan: “Ama ko, ang kalooban mo nawa ang maganap!” At nang nakapako naman siya sa krus, ano ang nasabi nya: “Ama ko bakit mo ako pinabayaan, kayong dalawa ng Diyos Espirito Santo ang may kagagawan nito?”

Ganon at ganon at paulit-ulit lang ang kapalaran ng mga taong siete. Kahit sila duwag, kahit sila takot, sila ang laging pinipili ng kapalaran sa mga bagay na minsan ay imposibhle at akala mo bang ubod hirap na gawin ng mga pangkaraniwang tao. Hanggang sa mapasubo na nga sila, at sa di nila namamalayang pangyayari, sila pala ay nakatakda ding magtagumpay at ma-accomplish ang anomang papel na inatang sa kanila ng Tadhana.

Mabalik tayo sa sinasbai natin Mrs. Leo, iyon nga, napakadaling impluwensiyahan ng mga taong siete tulad ng iyong asawa, at hindi sila marunong tumanggi, kaya sa iyong pagbabalik sa 2009, tiyak ang magaganap, ipaliwanag mo lang sa kanya ang mga pangit na bagay na mangyayari sa kanya kapag nakisama siya sa isang babaing may asawa na, habang ipaliwnaag mo rin sa kanya ang magagandang bagay na mangyayari sa kanya kapag kayo ay nagsama at bumuo na ng isang pamilya. Madali naman niyang mare-realize na tama ka, “kapag sa iyo siya nakisama, nakatakda na sa inyong kapalaran ang isang masaya, maunlad at pang-habuhay na pagpapamilya!”

-----30-------

Wednesday, June 18, 2008

PAGHANDAAN ANG PAGTANDA




SA PAGKAKATAONG ITO SA KANYANG ARTIKULO AYON SA GUHIT NG INYONG PALAD SA PAHAYAGANG BULGAR TINALAKAY NI MAESTRO HONORIO ONG ANG NALALAPIT NA PAGTANDA NG BAWAT INDIBIDUAL.

Nilinaw din niya kung ano ang dapat gawin upang hindi dapuan ng malulubhang karamdaman sa panahon ng middle age to old age at kung ano ang mga dapat pag-handaan pagdating ng panahon ng pagtanda.




PAGHANDAAN ANG PAGTANDA

Palad – June 20, 2008

Katanungan:

  1. Paki-analisa nga po ang aking kalusugan ayon sa aking palad. Kasi sa edad kong 52 years old na sa ngayon para bang ang dami-dami kong nararamdaman sa aking katawan gayong bata pa naman ako.
  2. Sa palagay nyo aabutin pa kaya ako ng edad 80 or 90 na siyang target age ko o hangga’t maarri ay kahit na 100 years pa kung ako ay mananatilig malakas at hindi alagain ng aking mga anak. Ayaw ko naman kasing pahirapan pa sila kung hindi na nga ako makatayo sa aking higaan at wala ng silbi.
  3. Sa palagay mo Maestro hanggang anong edad ang itatagal ng buhay ko?

Kasagutan:

  1. Iyan ang walang kuwenta sa buhay ng mga mayayaman, kapag umaedad na sila ng 50 and above or 60’s at wala naman silang gaanong responasablidad na sa buhay. What I mean ay napagtapos na nila ng pag-aaral ang mga anak, at may sari-sarili ng pamilya, ang mga bata e para bang nawawala na sila ng gana o silbi sa buhay.
  2. Ang totoo ang kawalang gana at kawalang sibling ito ay unconsciously o di nila namamalayan, kaya nga dahil feeling ng inner self nila ay successful na sila at na-attain na nila ang lahat, unti-unti na ngayong hihina ang kanilang kalusugan.
  3. Tulad ng naipaliwanag na, unconsciously o hindi namamalayan ang lahat ng prosesong ito ng may katawan, dahil consciously sino ba namang tao ang gugustuhing manghina siya at mawala na ng silbi sa buhay?
  4. Ikumpara mo namang ngayon ang buhay ng mga naghihirap silang umabot ng edad 60 pataas, pero malakas pa sa kalabaw at kahit anong sakit ang dumapo ay parang hindi iniinda ng kanilang katawan.
  5. Unconsciously o hindi nila namamalaya, humaba ang buhay nila dahil ang dami-dami pang responsablidad ng pamilya na dapat niyang tugunan. Handiyang si Lola Loreta na nagaalaga pa ng mga apo, nangyari simula ng pumisan sa kanilang lumang bahay ang baganmundo at wala nilang sibling anak. Dahil nagkaroon ng bagong alagain o responsabiliad si lola, obligado ngayong pahabain nila ang kanilang buhay, unconsciously o hindi nga nila namamalayan.
  6. Minsan naman humahaba ang buhay ni lolo Damian, na mahirap na angkan, kasi may mga anak pa siyang dalaga at binata na patuloy na umaasa sa kanya. Sa isip-isip ng matatanda, paano kaya ang tamad o walang pamilya na anak ko na ito kapag ako ay nawala, sino kaya ang mag-aasikaso sa kanya?
  7. Dahil sa mga natitirang responsablidad na ito o mga tungkulin sa pamilya ng lolo at lola na naghihirap ang pamilya, unconsciously obligado silang pahabain ang kanilang buhay.
  8. Kaya nga minsan parang tamang si Jesus ng kanyang sabihing “higit na mapalad ang mga mahihirap kung ikukumpara sa mayayaman!” E kasi nga ang mga mayayaman kapag wala ng magawa, obligadong sila ay manghina at magkasakit, samantalang ito ngang mahihirap dahil sa sobrang dami ng dapat pang tapusin at ipaglingkod sa kanyang pamilya, uugod-ugod na si lolo o si lola, nagta-trabaho pa.
  9. Samantala, Mrs. Capricorn nakatutuwa namang makitag na humaba pa naman ang Life Line (Drawing A. at B. L-L arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ibig sabihin (arrow a.), mararating mo pa ang ideal age na 85 to 90, kung ngayon palang ay magiisip ka na ng mapaglilibangan, tulad ng maliit na negosyo o kaya naman’y isang public service or civic organization project na may layuning tumulong sa mga taong mahihirap, kung anoman ang sector ng lipunan na nais mong tulungan. Sa ganyang paraan nagkaroon ka uli ng responsablidad sa iyong buhay, pupuwede ding mag-lingkod ka sa inyong simbahan o kung anomang relhiyon ang iyong kinaaniban, o kaya naman’y ampunin o ikaw na ang mag-pa-aral at mag-alaga sa iyong apo, duon naman sa parting iyon, tulad ng naipaliwanag na, may nagagawa pa ang unconscious na sarili o may silbi ka pa sa mundo, tuloy-tuloy hahaba pa ang buhay mo, hanggang abutin mo ang edad 85 hanggang 90 plus.

Mga Dapat Gawin:

  1. Ngayon palang ay bumili na ako ng magara at magandang tungkod, ayaw ko kasing matulad sa Tatang Sucing ko na hindi pinahandaan ang kanyang pagtanda, kaya ang nagsilbing tungkod niya nuong halos iika-ika nasiyang lumakad dahil sa sobrang katandaan ay isang patpat na kawayan.
  2. Iyong mga personal kong gamit at agimat, tulad ng Biblia Mystika, baol na minana ko pa sa aking mga kanununuan, bolang kristal, mga lumang-lumang aklat, at iba pang mga gamit na mahihiwaga ay nilagyan ko na ng pangalan kung kanino ko ipamamana sa aking pagpanaw, upang kung dumating na wala na ako maiwasang magaway-away si King, Jacob at Regine sa mga naiwang munting kayamanan ng kanilang ama.
  3. Inaayos ko na rin ang aking “multi-million for-old-age insurance” para pagtanda o ay hindi na ako hihingi-hingi sa aking mga anak ng pera na ang nangyayari ay mukha kang kaawa-awa na umaasa ka na lang sa iabot ng iyong mga anak na nagkataong madadamot pala ang iyong naging mga manugang.
  4. Habang ayon sa iyong mga datos Mrs. Capricorn, bagamat hahaba pa ang iyong buhay dapat isa alang-alang mo rin na ngayon palang at paghandaan mo na rin at iplano ang iyong pagtanda kasabay nito mag-isip ka ng mga gawaing magkakaroon ka ng panibagong responsablidad sa iyong pamilya, sa iyong sarili o sa kumunidad na iyong ginagalawan, upang habang nagkaka-edad ka, humaba pa ng humaba pa ang iyong buhay, nangyari dahil unconsciously at consciously batid mong kailangan ka pa ng inyong lipunang ginagalawan, kaya hindi ka pa dapat pumanaw.

--------30-------------

Monday, June 2, 2008

ANG TUNAY NA MAPALAD







NAMAMANAHON ANG ARTIKULO NI MAESTRO HONORIO ONG NITONG NAKARAANG JUNE 4, 2008 sa pahayagang BULGAR, kung saan, ipinakita niya kung paanong sa kabila ng Krisis Pandaigdig na nararanasan ng mga tao, may mga bagay na dapat paring ipagpasalamat.

Sa artikulo niyang: ANG TUNAY NA MAPALAD

Itext – June 4, 2008

Dear Mho,

May pag-asa po ba akong tumangkad Maestro kahit na half inches lang, bago sumapit ang edad kong 30. October 19, 1983 po ang birthday ko. Code name: Libra ng 9166777629

SAGOT:

Sad to say na wala ka ng pag-asang tumangkad, sapagkat ayon sa mga pagsusuring isinagawa hinggil sa height o pagtaas ng isang indibidual, kadalasan itong nagaganap mula sa pagkapanganak hanggang sa ika-18 at minsan ay umaabot pa ng 21 hanggang 22 years old. At dahil lagpas ka na sa nasabing edad malabo at imposible ka ng tumangkad o madagdagan pa ang iyong height.

Tandaan ding ang height gayon din ang pigura ng katawan, tulad ng matambok na dibidb, malaki at matabang pagkalalaki ay namamana, gayon din ang hubog at hugis ng katawan, kaya nga kapag ang pisikal na anyo ang problema ng isang tao, mas ipinapayo ng mga dalubsa na tanggapin na lang ng maluwag sa loob ang kapalaran at maging satisfied na sa kung ano ang ibinigay sa iyo ng Dakilang Lumikha.

Hindi rin naman ipinapayo ng matinong at mabubuting loob na mga experto na magpa-opera ka, uminom ka ng ganito o ganireng gamot, gumamit ka ng mga aripisiyal na bagay at kung ano-ano pang pamahid upang masulusyunan ang iyong problema, sa halip tulad ng naipaliwanag na, ang tamang pag-counsel sa nasabing mga indibidual na hindi mapakali sa pisikal nilang itshura ay ang salitang “pagtanggap!”

Maluwag sa loob mong tanggapin ang iyong pisikal na katangian, pagandahin mo ito sa natural na paraan, at pagkatapos magpasalamat ka sa Diyos, dahil kahit na mababa o kulang ang iyong height mas mapalad at mas mabuti ka parin, dahil iyon iba nga diyan ay pinanganak na kuba, palinghado ang spinal column, at ang iba ay hindi nga makalakad.

Ganon din ang parabula hinggil sa isang bata na may lumang sapatos. Nakadungaw siya sa bintana ng kanilang bahay, namumroblema at nalulungkot dahil malapit na ang pasukan. Sa isip-isip niya: “ang upod at luma ko na naman sapatos ang aking isusuot habang bago at magaganda ang sapatos ng mga ka-eskuwela ko.” Maya-maya may isang batang nakasaklay ang nagdaan sa karsada, hilahod ang kaliwang paa at putol naman ang kanan.

Nasabi ng bata sa sarili: “Buti na lang may luma akong sapatos, di tulad ng batang iyon, kahit kailan hindi na makakaranas pa na magsuot ng sapatos.

Kaya iyong mga may asawa diyan, magpasalamat kayo at kayo ay may asawa, iyong iba nga diyan, walang asawa o kaya naman’y hiwalay sa asawa. Pagsapit ng gabi sakbibi ng kalungkutan at pagiisa.

Kaya kayong mga may girlfriend at boyfriend, magpasalamat kayo sa kanya, dahil iyong iba nga diyan, walang syota. Sakbibi ng pananabik at pangungulila nagtatanong kung ano ba ang karanasan na magkaroon ng dyowa?

Kayong may mga regular na trabaho pero maliit ang suweldo, magpasalamat kayo dahil iyon iba nga diyan, palipat-lipat ng trabaho, habang iyong iba naman naubos na ang pera sa pag-bili ng biodata at pagkuha ng mga requirements hanggang ngayon istambay parin at walang kinikita.

Kayong mga butas ang bubong at laging tumutulo kapag umuulan, mapagsalamat kayo dahil iyon iba nga diyan ay squatter lang, malapit ng paalisin sa kanilang tinitirahan at iyong iba naman, sa buong buhay nila, lagi na lang silang nangungupahan at hindi na nagkaroon ng permanenteng tirahan.

Iyong mga walang sariling computer sa bahay, magpasalamat parin kayo dahil iyong iba nga diyan, hindi marunong sumulat at bumasa.

Sa mga estudiyanteng nag-aaral, magpasalamat kayo at mahalin at pahalagahan ninyo ang inyong edukasyon, dahil iyong ibang mga bata diyan, namumulot lang ng basura at sa halos-araw-araw ay nagkalat sa lasangan para mamalimos.

Sa mga may anak na makukulit magpasalamat kayo, sapagkat iyong iba ngang mag-asawa diyan, inip na inip ng magka-baby, ngunit nanatili paring baog.

Sa mga sanggol na may nadedede pa, kahit na mumurahing gatas lang magpasalamat kayo sapagkat iyong ibang sanggol diyan, sabaw na lang ng kanin at kung minsan ay purong tubig na lang ang dinedede sa maghapon.

Kung malusog ang inyong pangangatawan, pero laging gulay at mumurahing pagkain lang ang kinakain, magpasalamat parin kayo dahil iyong iba nga diyan, kahit sabihin pang mayaman, nakaratay sa banig ng karamdaman at iyong iba naman ay may taning na ang buhay dahil sa mga sakit na walang kagalingan.

Sa mga may buo at maayos na pamilya, kahit na naghihirap at kung minsan ay walang makain, magpasalamat parin kayo dahil iyon iba nga diyan, walang pamilyang dadatnan pag-uwi ng kanilang bahay.

Lagi tayong magpasalamat, kahit naghihirap ang ating bansa, di tulad sa Iraq at Afghanistan, patuloy na nagsu-suicide ang mga panatiko nilang kababayan upang maibalik lamang ang kalayaan na winasak ng mga walang hiyang dayuhan.

Magpasalamat tayong lagi sa Diyos, sa pagsikat ng bagong silahis ng araw ngayong umaga, sapagkat sa ibang panig ng mundo, sa tuktok at sa ilalim nito, sa loob ng isang taon minsan lang sumikat ang araw!

--------30---------

FORMULA UPANG SUWERTEHIN SILANG ISINILANG SA PETSA 2, 11, 20, 29 7, 16 at 25

SA PAGKAKATAONG ITO TINALAKAY NI MAESTRO HONORIO ONG ANG FORMULA UPANG SUWERTEHIN ANG MGA TAONG ISINILANG SA BITH DATE NA 2, 11, 20, at 29, gayon din silang may weak number na 7, 16 at 25.


Numero – June 3

Dear Maestro,

April 29, 1985 po ang birthday ko. Ang problema ko ay ang kawalan ko ng trabaho. Iyon pong pang-matagalan at masasabi kong regular na po talaga. Masipag naman akong maghanap ng trabaho pero bakit kaya pulos contractual lang ang natatagpuan ko. Mas mahaba pa nga ang buwan na natatambay ako kaysa sa may trabaho ako. Ano po sa palagay mo Maestro may pag-asa ba akong makatagpo ng trabahong pang-matagalan? Pagod na pagod na po kasi akong mag-aplay bukod sa gatos na sa pamasahe gastos pa sa mga requirements. Sige po Maestro sana sa pagkakataong ito masagot nyo na ako, sumulat na po ako dati at walang palya akong bumibili ng BULGAR pero talaga yatang hindi pa ako sinuswerteng inyong mapagbigyan, sana sa pagkakataong ito masagot nyo na ako.

Umaasa,

Green Emerald ng Parola, Tondo, Manila

Dear Green Emerald,

Sabi ko naman sa inyo, kailangan ng mga taong may weak number na tulad mo, 2 kasi ang birth date mo sa destiny number na 2 din, ay “backer” upang mas madali silang hindi lang magka-trabaho kundi mapanuto ang karanasan nila sa lahat ng aspeto ng buhay.

Ayaw mo kasi yatang manila na “backer, kapit padrino, taong maimpluwensiya, kaibigang kakilala na nagta-trabaho na,” o kung sino pamang makakatulong sa iyo ang kailangan mo at hindi “walk in” ka lang ng “walk-in” sa pag-aaplay o lakas loob na wala ka namang backer, ay ganon nga ang mangyayari, kahit na matanggap ka, hindi karin magtatagal sa anomang trabaho.

Kaya ngayon palang maghanap ka hindi ng trabaho kundi ng isang tao na tutulong sa iyo upang magkaroon ng trabaho, at ang taong nasabi ay puwedeng isinilang sa zodiac sign na Libra, Virgo, Capricorn, Scorpio, Cancer o kaya’y kapwa mo Taurus. Sa particular malaki ang maitutulong sa iyo ng mga taong isinilang nuong October 6, 15, 24, 9, 18 at 27 o kaya naman’y ng isang taong isinilang nuong November 2, 11, 20, 29, o kaya naman’t isinilang nuong July 7, 16, 25, September 7, 16, 25, o kaya naman’y isinilang nuong May 1, 10, 19, 28, o kaya naman’y isinilang nuong January 1, 10, 19, at 28.

Pagkatapos kapag nakakita ka ng taong tutulong sa iyo, ngayon pala mag-pratice ka na ng mas magandang lagda. Wag mo kasing bilugin na parang koretng irregular shape na puso ang letrang “C” sa unahang bahagi ng iyong pirma. Mano bang isulat mo ng maayos ang letrang “C” idugtong mo ang iba pang mga letra at pagkatapos, okey na iyong gitnang bahagi ng iyong lagda, habang iyong ending ay tapusin mo sa isang “straight line” sa halip na masyadong pinasibat sa pagkataas-taas na kalawakan ang nasabing ending ng lagda. Ayos na ang striaght line na ending upang mas mapanuto ang karanasan mo sa paghahanap ng regular na trabaho.

Pagkatapos dapat mo ring malaman ang pinaka-favorable month mo sa paghahanap ng trabaho at sigurado din namang sa mga buwang ito ka magkakaroon ng trabaho, sa buwan ng Mayo, sa buwan ng Oktubre, sa buwan ng Enero, sa particular mapalad ka rin mula sa ika-20 ng Agosto hanggang ika-25 ng Setyembre, mula sa ika-20 ng Disyembre hanggang ika-25 ng Enero at mula sa ika-20 ng Abril hanggang ika-25 ng Mayo.

Habang ang pinaka-masuwerte mo namang kulay ay ang kulay na pula, asul, berde at itim. Lagi kang magsuot ng nasabing mga kulay upang mas madali mong maakit ang mabuti at magagandang kapalaran.

Kapag nagawa mo ang mga simpleng rekomendasyong nabanggit na sa itaas, tiyak ang magaganap sa taong kasalukuyan (2008) 2011, 2012, at 2013 magkakaroon ka na ng isang maganda at regular na trabaho na magdadala sa iyo sa tuloy-tuloy na pag-unlad at tagumpay.

-----30--------

MARS AT VENUS: SUWERTE KAPAG NAGSAMA











SUWERTE ANG PLANETANG MARS PARA SA MGA VENUSIAN PERSONALITY


Sa pagkakataong ito, tinalakay ni MAESTRO HONORIO ONG kung paano susuwertehin silang isinilang sa zodiac sign na Taurus at Libra, gayon din silang mga taong tinatawag na “venusian personality”.

Tunghayan natin ang kanyang paliwagan, sa artikulong KAPALARAN AYON SA INYONG NUMERO (Ipinablished sa Pahayagang BULGAR nuong June, 1, 2008)

ANG IMPLUWENSIYA NG PLANTENG MARS SA BUHAY NG ISANG TAONG ISINILANG SA ZODIAC SIGN NA TAURUS AT LIBRA


Numero – June 1

Dear Maestro,

Sumulat po ako sa inyong upang humingi ng advice, tulong o gabay. Ako po ay isang lesbian. Ako po ay may ka-live in for more than three years, po kaming nagsama. Ang birthday kop o ay October 22, 1973, siya naman po ay mayc 6, 1979 at ang anak niya po na inako ko na rin bilang tunay na anak ay October 14, 12001. Nagkahiwalay po kami kamakailan lang. Nais ko pong malaman kung kami po ba ay magkakabalikan pa at may pag-asa bang magkasasama kaming muli habang buhay. Nalilito po kasi ako sa ngayon kung bakit nagawa niyang kaming ipagpalit sa mga bagong kakilala niyang mga kaibigan. Turuan po ninyo ako upang maayos po ang buhay ko at maging maligaya.

Umaasa,

Ms.Lonely ng Bahay Pare, Meycauyan, Bulacan

Dear Ms. Lonely,

Ang hindi nya alam at hindi mo rin alam, pero ipapa-alam ko na ngayon sa inyo ay suwerte kayong tatlo na magkakasama.

Oo, suwerte ka sa kanya, suwerte siya sa iyo, at suwerte rin ang anak niya o ang anak-anakan mo kapag kayong tatlo ay magkakasama.

Kaya kung talagang ayaw na nya sa iyo, pilitin mong buuing muli ang inyong relasyon hindi na bilang mag-lovers kung hindi ka na nga niya talagang mahal, kundi bilang mag-bestfriend na lang, bilang magkakapatid, bilang pamilya na parang walang nangyari.

Sa ganyang paraan, kapag nagkasama-sama muli kayong tatlo, ikaw na may birth date na October 22, 1973, siya na may birthday na May 6, 1979 at ang anak niya na may birthday na October 14, 2001, makikita mo, yayaman kayo at isa na lang ang kulang para kayo ay yumaman – ang magkaroon kayo ng kahit na anong uri ng sasakyan (mas maganda kung kotse) na may kulay pulang kulay.

Alam mo kung bakit suwerte kayong tatlong magkakasama, ang zodiac sign mo kasing Libra na nasapagitan ng Scorpio ay “very favorable o sabihin na nga nating very lucky” sa isang Taurus na may birth date na 6.

Ang ruling planet nyo kayong tatlo, kasama na ang anak niya na may zodiac sign na Libra na may birth date pang 14 ay Venus.

Ang planting Venus na ito ang palaging gagabay sa inyong tatlo na magbibigay ng mas madami pang magagandang kapalarang hindi nya inaasahan.

Ang nakatutuwa, itong Venus na ito ay mapalad na inaalayayan ng planeta Mars na siya namang ruling planet ng mga taong naiimpluwensiyahan ng Scorpio at siya ring ruling planet ng mga taong “immoral”. Wag na nating sabihin immoral, bagkus ang planetang Mars ay siyang ruling planet ng mga taong “may abnormal sexul life”. Wag na nating sabihing “abnormal sexual life or act” sabihin na lang nating ang Mars ay siyang ruling planet ng mga taong may “kakaibang panlasang sexual at kakaibang mag-appreciate ng beauty at sex.”

Sa makatuwid kapag laging magkasama si Venus na ruling planet nyo ngang tatlo at lagi din nilang kasama si Mars, walang kamali-mali, o walang kamintis-mintis, suwabeng-suwabeng uusad ang isang masigla, masaya at maunlad na pagsasama habang buhay.

Ang nakatutuwa pa nito, ay nasamahan ang planetang Venus at Mars, ng isa pa uling napaka-suwerteng planetang Mercury, mapalad sa salapi at materyal na bagay at gayon din sa negosyo na siyang ruling planet ng anak-anakan mo o ng anak ng girlfriend mo na may birth date na 14.

Sa matuling salita, tulad ng nasabi na sa itaas, napaka-simple ng gabay na dapat mong isagawa sa inyo, kung bagay na sa “right track” na kayo dati, nuong kayong tatlo’y magkakasama pa, ibabalik mo na lang at makikita mo, tuloy-tuloy na kayong uunlad at habang buhay na magiging maligaya.

Sa kabilang banda kung ayaw na niya uli sa iyong makisama, o sabihin na nating “naluka na siya sa ibang grupo o daigdig” ang pinaka-mabuti mong magagawa, ay abangan mo na lang ang kanyang pagbabalik, dahil sa “depth astrology” na tinatawag o iyong malalimang pag-aanalisa ng mga planetang umiimpluwensiya sa buhay ng bawat isang indibidual, “ang hindi alam ng isang Taurus, wag na nating sabihing Taurus, bagkus puwede din kasi ng isang Libra, kaya sabihin na lang nating ang hindi alam ng isang indibidual na naiimpluwensiya ng planetang Venus tulad ng girlfriend mo, hindi siya mabubuhay ng maligaya, hindi siya mapapanuto, hindi siya mapapakali, hindi niya makakamit ang pag-unlad, hindi niya masusumpungan ang kapahingahan at kampante at satisfied na buhay, hanggang hindi niya nami-meet ang kanya “animus or animan” o iyong “the self with in” na matatagpuan lamang niya iyon sa isang indibidual na naiimpluwensiyahan ng ruling planet na Mars – at ikaw iyon.

Kaya nga ang siguradong mangyayari sa inyong relasyon kung matututo kang magtiyaga at maghintay-hintay lang ay mauuwi sa ganitong kasabihan: “ang bahay na nilasayan ay siya ring palang tahanang muling uuwian na magdudulot ng kapanatagan at pang habang buhay na kaligayahan!”

----30--------

Thursday, May 22, 2008

MGA SUWERTENG BAGAY SA ISANG ARIES


aries clip art

The Sun is in this sign from
March 21 to April 21


ANG KAPALARAN NG ISANG ARIES

Ang artikulong ito ay pinablished sa pahayagang BULGAR nuong May 25 or 26, 2008, dipende sa ipinapadalang "advances" ni Maestro Honorio Ong.

Tungkayan natin ngayon, kung paano niyang tinalakay ang mga ka-compatible at suwerteng bagay na pang-display sa mga"taong Aries".

***


Itext – May 26, 2008

Dear Mho,

April 11, 1991 ang birthday ko. Sino-sino po ba ang mga ka-compatible ko? Code name: Aries ng 9205277457

SAGOT:

Ka-compatible ng zodiac sign mong Aries ang isang Leo, Sagittarius, Libra at kapwa mo Aries, lalo na silang isinilang sa petsang 7, 16, 25, 2, 11, 20, 29, 7, 16, 25, 5, 14, 23, 9, 18 at 27.

****

Dear Mho,

April 18, 1987 ang birthday ko. Paano po kaya ako susuwertehin? Code name: Aries ng 9294421660

SAGOT:

Para suqwertehin ang isang Aries kailangang may naka-display kang teddy bear o kaya’y kulay asul o kaya’y kulay pulang stuff toys sa loob ng inyong bahay, kuwarto o sala. Ang mga laruan kasing kagaya niya ang unconsciously na nagpapasulok ng dugo ng mga Aries upang sila ay maging masigla at maging on the go sa kanilang buhay. Kung bagay, hindi nila alam sa tuwing nakikita nila ang nasabing mga stuff toys, nagiging buo ang araw nila at masayang-masaya sila.

Kaya nga ang kadalasang ang nangyayari kung sinoman ang lalaking mag-regalo ng stuff toys sa isang babaing Aries, unconsciously, sinasadaya o hindi man sinasadya, iyon ang posibleng sagutin o magustuhan ng isang babaing Aries hanggang kapag sinusuwerte-suwerte ay iyon narin ang mapangasawa niya.

Kaya nga ang kadalasang nama-magnet o napapangasawa ng isang Aries halimbawa ay babae, ay iyong ang mukha ng lalaki ay “kumekero” o medyo nakakatawa, maaaring din namang napaka-taba, na parang kumedyante sa pelikula, o kaya naman’y bilugan ang tiyan, At sa totoo lang iyon din ang kanilang suwerteng kasama basta’t pormang “three stogies” ang dating o kaya’y “tatlong itlog.”.

Kung lalaki naman ang isang Aries ang suwerte nyang pang-display ang may kaugnayan sa mga baril, tangke, sunda-sundaluhan, puwede din iyong mga laruang super heroes, tulad ni Batman, Superman, Spider Man at iba pang kauri nito. Kaya nga kapag nagtatampo ang isang lalaking Aries sa kanyang asawa, regaluhan mo lang siya ng nasabing laruan, siguradong magkakasundo kayong muli. Kasi nga unconsciously ang mga bagay na iyon ang kumikiliti sa kaluluwa ng mga lalaking Aries, upang sila ay muling sumigla, maging on the go at maging masigasig at maging maligaya uli sa kanilang buhay.

Kung bagay ang mga stuff toys na laruan tulad ng teddy bear ang bumubuhay ng espirito ng babaing Aries, habang sunda-sundaluhan naman at mga super heroes ang bumubuhay ng espirito ng mga lalaking Aries. At dahil iyon ang bumubuhay ng kanilang natutulog na enerhiya kapag namamasdan nila iyong lalakay ang sinag ng kanilang AURA na siya namang sasakap ng marami pang mas magaganda at positibong kapalaran.

Bukod nga pala sa mga laruan nakapag-papasigla din sa buhay ng mga Aries ang pag-alalaga ng mga hayop, tulad ng mga ibon, kagaya ng mga kalapati at love birds at iba pang kauri nito.

Kaya nga ang buod ng tinurang pag-aanalisa sa itaas, “magpunta ka sa bahay ng isang Aries at nakakita ka ng alagang love birds ibig sabihin nuon, sa panahong iyon naka-peak at masigla ang kanyang kapalaran.”

Puwede din namang “magpunta ka sa silid ng isang babaing Aries at nakakita ka ng mga teddy bears o stuff toys na nakadisplay sa kanyang silid pero ang gulo-gulo at di naman niya laging inaayos, ibig sabihin nuon, magulo ang mundo ng babaing Aries na nabanggit sa kasalukuyan. Subalit kung ayos na ayos at magandang-maganda ang pagkaka-display ng mga stuff toys at teddy bears sa silid ng babaing Aries, ibig sabihin lang nito nasa peak ang kanyang kapalaran ng mga panahong iyon.

Habang ayon sa Decadens ng Kapalaran kapag sinusunod mo ang simpleng pagdidisplay ng nasabing mga suwerteng bagay sa mga Aries tiyak ang magaganap sa taong 2013 magsisimula ng umunlad, hindi lang uunlad kundi magsisimula ng umunlad at mas magiging maligaya at pang-araw-araw mong karanasan.

****

Dear Mho,

May 11, 1978 ang birthday ko. Kailan kaya ako magkaka-trabaho ng regular? Code name: Taurus ng 9273874688

SAGOT:

Ayon sa iyong Career Calendar sa taong 2009 hanggang 2012 magkakatrabaho ka na ng regular.

****

Dear Mho,

November 28, 1976 at January 6, 1976 ang birthday namin.Kailan po kaya kami magkaka-anak? Code name: Sagittarius ng 9195992050

SAGOT:

Ayon sa inyong Children Calendar sa taong 2009 hanggang 2010 magkaka-baby na kayo!

-------30--------


BASAHIN SI MAESTRO HONORIO ONG ARAW-ARAW SA KANYANG MGA ARTIKULONG KAPALARAN AYON SA INYONG PALAD, KAPALARAN AYON SA INYONG NUMERO at ITEXT MO KAY MHO, sa PAHAYAGANG BULGAR.

Friday, May 9, 2008

FORMULA NG PAGYAMAN





FORMULA NG PAGYAMAN

Ang Mga Taong Yayaman

SA PAGKAKATAONG ito pinagkumpara ni MAESTRO HONORIO ONG ang Kapalaran ng Taong Otso (8), Tong Capricorn at Taong Singko, hinggil sa particular na paraan ng pagyaman.

Numero – May 12 -08

Dear Maestro

Maaari nyo po bang talakayin ang kapalaran ng isang Capricorn? January 17, 1965 ang birthday ko.

Umaasa,

Momoy ng San Jose Del Monte City, Bulacan

Dear Momoy,

Ang zodiac sign na Capricorn tulad din ng numerong otso (8), kabilang dito silang may bitbit ng numerong 17 at 26 ay halos may iisang kapalaran, sapagkat ang numerong otso at ang zodiac sign na Capricorn ay may iisang ruling planet na tinataglay ang Planetang Saturno.

Itong si Saturno ay siya ring si Cronus (Kronos) sa Mitolohiyang Griego, kung saan, ang anak niya ay si Zeus na siya ring si Jupiter sa mitolohiyang Romano o ang makapangyarihang Diyos ng mga Diyos, kaya lang malungkot ang nangyari sapagkat inagaw ni Jupiter sa kanyang tatay na si Saturno ang kapangyarihan, kaya ng bandang huli si Zeus o Jupiter na ang naging ruler of the universe.

Kung bagay medyo may kamalasan ang nangyari kay Saturno dahil mismong anak niya ang kanyang nakalaban.

Ganon din ang magiging kapalaran ng mga taong isinilang sa zodiac sign na Capricorn at Taong Otos, magkakaroon sila ng kayamanan at karangalan tulad ni Saturno, subalit isa sa kanilang anak ang magrerebelde o hindi naman siguro makaka-away sa panahon ngayon, kundi sabihin na lang nating isa sa kanilang mga anak ang makakasamaan niya ng loob.

Bakit ba pangkaniwan na nating sinasabing yumayaman ang mga Saturnian personality, tulad nga ng zodiac sign na Capricorn at Taong Otso?

E kasi nga ang nangyayari talaga sa buhay nila ay ganito. Binibira sila ng mga pagsubok, pasakit, hirap at kalungkutan sa buhay particular sa kanilang murang edad ng tadahana dahil iyon ang nakatakda sa kanila, kung saan, handiyan ang taong otso o isang Capricorn, na ulila sa mga magulang, o kaya’y produkto ng broken family, may kakaibang kapansanan, o kaya naman ay stow away. Ngunit pagkatapos ng tila napakahirap na senaryo ng buhay, o sabihin na nating ang kalungkutan at kahirapang iyon ang pumanday na lubos upang sila ay matutong magtiis at magsikap sa buhay, hanggang sa sila ay yumaman.

May isang istorya ng taong otso na mahirap lang sila ngunit dahil masipag at matiyaga siya, pinag-aral siya ng ibang tao sa halip na pag-aralin siya ng kanyang mga magulang. Para siyang kaawa-awa sa simula, pero ng nakatapos na siya ng pag-aaral, umunlad at yumaman din siya.

May isa ring taong otso na ulila sa ina, kaya nuong musmos siya para siyang kaawa-awa, kung sino-sinong kamag-anak niya ang kanyang napuntahan upang magpa-ampon o makitira. Subalit natuto siyang magsikap at magpakahirap, kaya umunlad at yumaman din siya.

Nandiyan din ang istorya ng isang taong otso na galing sa malayong probinsiya at ng napunta sa Luzon inapi-api siya ng mga taong nakakasama niya. Subalit natuto siyang magsikap, magtiis at magpakahirap, yumaman din siya at nakapag-paaral ng mga anak.

Ang nakatutuwa sa Taong Otso o taong Capricorn ay may pattern matapos na sila ay yumaman, lagi silang nakakabili ng mga bukirin, lupain o mga ari-arian, gayon din nakapagpapatayo sila ng square o kaya’y rectangle na building.

Iyon kasi ang nakatakda sa kanila, pagkatapos magtiis ng hirap, ng pang-aapi ng mga tao, pambubusabos, o lahat na ng salita upang mayurak-yurakan mo ang pagkatao ng isang tao, ay nangyayari sa taong otso, pero pagkatapos naman ng pangyayaring iyon, dahil ang susui nga ay inapi sila kaya sila nagsikap ng todo-todo, ika nga ay down to earth, iyon naman ang kanilang nagiging premyo sa dakong huli – ang pagyaman.

Saktong-sakto sa mga taong otso at taong Capricorn ang kasabihang “from rugs to riches” o mula sa basahan o mukhang basahan sa simula, pero kagulat-gulat ang tinamong pagyaman.

Kaya nga kung ang isang taong otso at taong Capricorn ay hindi naman nakaranas ng pang-aapi sa buhay, ang todo-todong hirap, ng pagaaglahi, ng pagyurap sa pagkatao, iyon nga, malabo o maaaring hindi siya yumaman.

Pero iyon ngang inapi-api at sinipa-sipa ng tadhana na parang tele-nobela na Babangon Ako at Dudurugin Kita (si Salve kasi ang saktong ehemplo ng taong otso), e tiyak na sa bandang huli ay makapaghihigati, sisikat at yayaman.

Teka muna, bago ko makalimutan, halos iyang ding inilarawang pangyayari na iyan sa buhay ng taong osto at taong Capricorn, ay siya ring nangyayari sa kapalaran ng isang taong mataba na may well pronounced na nunal sa mukha, regardless kung Caprciorn ba o otso ang bibit nilang numero. In short, iyong taong matataba na may well pronounced na nunal sa mukha ay yumayaman din at inaapi ng tadhana, pero pagkatapos ng sobrang hirap at pagtitiis, tulad ng nasabi na, yumayaman din sila.

Ganito pala ang mas angkop na salita, “ang magara ay tinadaan sila ng tadhana, upang makilala ang taong otso o taong Capricorn nilagyan sila ng malaking nunal sa mukha!”

Samantala, minsan naman, iyong mga taong otso ay maunlad sa simula o mayaman na. Pero dahil tulad ng nasabi nakatakda sa kanilang buhay ang apiapihin ng tadhana, bigla ngayong naghirap ang buhay nila, kaya natutunan din niyang magsikap, magpurisgi, magpakahirap at magtiis ng pagaaglahi sa kanyang pagkatao, pero kapag nalusutan niya ang lahat ng iyon, hindi imposibleng ang nasabing tao ay muling yumaman.

Kaya nga kung ikaw ay taong otso o taong Capricorn ay sa ngayon ay inaapi-api ka ng mga nasa paligid mo, inaaglahi ang iyong pagkatao, na sa tingin mo ay para bangmasyado kang kinawawa, at sa kaibuturan ng iyong puso ay batbat ka ng pasakit at kalungkutan, sa totoo lang dapat kang matuwa, dahil ang kailangan mo na lang ay ang pagsisikap, at pagpupursigi, at kapag nagawa mo iyan, tulad ng nassabi sa itaas, “pagkatapos api-apihin at malugmok sa sobrang kahirapan ng buhay, ang taong otso o ang taong Capricorn na ito ay nakatkada ngang yumaman, hindi lang yumaman, tulad din ng taong singko, ubod ng yaman at talaga namang kaiinggitan ng kanyang mga kapit bahay, sa sobrang gara o sa sobrang taas ng isang malaking building na kanyang naitayo na talaga namang dahil sa kanyang pinuhungang pawis at dugo sa sobrang sikat at pagtitiis na naranasan niya sa buhay.

----------30--------

Numero – May 13

Ituloy na natin iyang usapang pagyaman, na tinalakay natin kahapon hinggil sa taong otso at taongCapricorn kung paano sila yumayaman. Sa pagkakataong ito paano naman yumayaman ang mga taong singko, kabilang dito silang may bitbit na numerong 5, 14 at 23.

Hindi naman sila inaapi ng tadahana, para lang yumaman, iyon ang masaya sa buhay ng taong singko. Sa halip ang hinihingi lang sa kanila ng kapalaran ay patuloy na kumilos ng kumilos o kung baga sa bolang bato, ay umikot ng umikot mula sa tuktok ng bundok papa-hulog o papadausdos sa ibaba, at habang patuloy na umiikot at gumugulong ang taong sikong (ibig sabihin ay kilos ng kilos), madaming alikabok at sari-sariling kalat o putik ang kusang kukulapol sa kanilang pagkatao, at ang putik, o alikabok o yagit na naipon ay siya ring sasabihin nating kayamaman.

Ganon ang nangyayari sa isang taong singko, kilos lang siya ng kilos, mantras mabilis at may konsentrasyon sa iisang bagay, siguradong yayaman siya. Kung bagay, larawan ng isang taong singko ang pendulum, walang tigil sa pagpapanhik-manaog sa sandaling nasaling o nahipan ng hangin, at dahil sa walang tigil na pagalaw at pagkilos lalo’t na;t ang nakagaguhang ikilos ay pagkakaperahan, puwedde rin ang pag-aabroad, puwede rin ang isang tumbok na negosyo, magugulat ka pa, bigla na lang yumayaman, o sabihin nating hindi akalain ng isang taong singko na sa puntong iyon ng kanyang buhay “vast empire na pala ng kayamanan o mga ari-arian ang kanyang tinatangkilik!”

Hindi tulad ng taong otso, o taong capriconr, aware o mulat siya na siya ay nagpapayaman, pero iyong taong singko, gulat at di pa nga siya makapaniwala sa nangyari sa kanyang buhay, isang araw, habang naglalakad siya sa karsada o kaya’y nagda-drive ng kanyang sasakyan, masasabi pa nga niya sa kanyang sarili, “hindi ko akalain mayaman na pala ako!”

Kabaliktaran naman ng taong otso, habang nanungungaw siya sa terahe ng kanyang kongkretong bahay, masasabi nya sa kanyang sarili, “sa wakas mayamkan na ako, at ang kayamamang ito ay hindi na sa aking mababawi pa ng tadhana kailan man!” At minsan pa nga, dahil sabi ko naman sa inyo, sobrang hirap ang pinagdaanang buhay ng taong otso, hindi nila sinasadya, pero minsan ay sinasadya niya, iyong tinamo nilang kayamanan at karangalan sa lipunan, ay ginagamit nilang kasangkapan, upang sila naman ang mang-api at mangyurak ng pagkatao ng kanilang kapwa.

Kaya nga kung masasabing mas mabait ng kaunti ang taong singko na yumaman, dahil hindi naman sila masyadong inilublob ng tadhana sa sobrang kahirapan, itong taong otso ay masasabi nating kung minsan, hindi nga pala minsan, bagkus madalas, kapag yumaman na sila ay nagiging walang hiya sila. Minsan, hindi nila alam na naging walang sila, bagkus ang tawag nila dito sa ginagawa nilang pang-aapi sa mga mahihirap ay “nasa tama lang ang aking ginagawa!”

Bukod nga pala sa konsentrasyon sa pagkilos o kilos lang ng kilos at galaw lang ng galaw ay yayaman na ang isang taong singko, may mga taong singko din na yumayaman, sa pamamagitan ng pag-aasawa o bigay, handog, o natisod na kayamanan ng iba, handiyan ang taong singko na napamanahan ng malaking halaga o sabihin na nating bata palang siya, mayaman na sila, handiyan din ang taong singko na nakapangasawa ng mayaman o nagkaroon ng isang kaibigan o tagapagtangkilik na mayaman.

Ang masakit nga pala sa taong singko kapag yumaman, minsan ay nalulong sila sa sugal o bisyo, hanggang sa sila ay maging talamak, na kadalasan ay nagiging dahilan kaya bumabagsak ang kanilang kabuhayan, iyong sinasabi kong sugal, kabilang din dito iyong mga gawaing panlibangan, nahihirati ang taong singko sa ganoong gawain, kaya minsan nauubos sa gawaing ito, pagpapasarap ang kanilang kabuhayan, pero sa taong otso taong Caprciorn, hindi mangyayari iyon, dahil batid niyang dugo at pawis ang naging puhunan niya sa pagyaman, kaya tulad ng nasabi, kung baga sa isang pelikula, tatawa-tawa ang isang taong osto habang nakatayo sa mataas na terahe ng kanyang bahay kinakausap ang sarili: “Ha….ha…ha…ha… ha….mayaman na ako, lalo ko pang palalaguin ang aking kayamanan, upang kailaman may hindi na ito mababawi pa sa akin ng kapalaran...ha…ha…ha…ha…ha….!”


Kaya kung minsan, sa rurok ng kanilang kabaliwan, puro pantutuso at panlalamang sa kapwa ang iniisp ng mga taong otso, ng hindi niya namamalayan, pero ang totoo nito, nangyayari talaga iyon sa buhay niya, dahil takot na takot at ayaw na ayaw na nga niyang maghirap pang muli at bumalik sa pagiging isang basahan.

-----30-------