Monday, August 4, 2008

ANG TAONG KUWATRO, Silang Isinilang sa Petsang 4, 13, 22, at 31

ANG KAPALARAN NG MGA TAONG KUWATRO NA NAIIMPLUWENSIYAHAN DIN NG PLANETANG URANUS

Sa pagkakataong ito ipinaliwanag ni Maestro Honorio Ong ang napaka-garang kapalaran ng isang taong kuwatro, sa kanyang artikulong Itexk Mo Kay Mho, sa pahayagang BULGAR na nailabas at naipblished nuong August 6, 2008

Itext – August 6

Dear Mho,

May 13, 1987 ang birthday ko at February 23, 1984 naman ang boyfriend ko. Compatible po ba kami? Code name: Taurus ng 9295822611

SAGOT:

Positibo ang tugon: ”Compatible kayo!”

****

Dear Mho,

April 19, 1988 ang birthday ko. What year po kaya makakapasa sa nursing board exam? Code name: Aries ng 9208018252

SAGOT:

Ayon sa iyong Career Calendar significant at favorable years mo sa pagkuha ng nursing board exam ang taong 2008, 2011, 2012 at 20013.

*****

Dear Mho,

Lagi po akong nagbabasa ng mga column nyo, at minsan ay nabasa ko na ang taong 4 ay walang kapalaran. Ibig sabihin po ba nito, isa na rin ako duon? Code name: Cancer ng 9293498857

SAGOT:

Hindi naman ganon ka-simple iyon, nuong sabihin nating “ang mga taong kuwatro ay walang kapalaran”, sa halip, dapat ianalisa mo parin ang iyong buhay at mga datos.

Ano ang ibig sabihin nating ianalisa mo parin ang iyong buhay, karanasan at mga datos?

Halimbawa, katulad mo na ang birthday ay June 22, 1977, tanungin, masdan, obserbahan o pag-aralan mo ang iyong sarili: “Wala ka bang kabuhay-buhay at napapansin mong wala kang career, love life o talagang wala kang kapalaran?”

Kung Oo, ang iyong sagot, ibig sabihin ay mas nanaig sa tadhana mo ang numerong 22 o numerong kuwatro, kaysa sa destiny number mong 7, o kaysa sa zodiac sign mong nasa pagitan ng Gemini at Cancer?

Kung ang nangyari naman sa iyo sa loob ng humigit kumulang ay 31 years mo na sa mundo, ay nakatikim karin naman ng tagumpay, ng karangalan ng kaligayahan, ng mga pagpapala ng buhay at iba pa, sa tulong ng mga dating kaibigan, kasamahan sa trabaho, kamag-anak, kapamilya, o kung sinoman ang dati mong kasama na naranasan mong gumanda talaga ang career mo, ibig sabihin lang nito higit na nanaig sa iyo ang impluwensiya ng numerong 7.

Samantala, kung sa pagaaral mo sa sarili mong buhay, karanasan at kapalaran ay sadyang kay gulo, o sabihin na lang nating walang direksiyon at hindi stable, ibig sabihin lang nito mas nanaig sa tadhana mo ang impluwensiya ng zodiac sign mong under sa “cusp” na tinatawag, dahil nasa pagitan ka ng dalawang zodiac sign, sadyang naging magulo tuloy ang kapalaran at tadhana mo.

Sa matuling salita, hindi madaling mag-analisa ng kapalaran ng isang tao at magsabi kung ano ang magaganap at mangyayari sa kanya, sa halip, kailangan din ang tulong ng indibdiual na nagmamay-ari ng sarili nyang kapalaran, upang mapag-aral at masuring mabuti kung ano ba talaga ang nananaig sa kayan, impluwensiya ba ng kanyang birth date, impluwensiya ba ng kanyang destiny number o impluwensiya ba ng kanyang zodiac sign? At may pang huli pa nga, iyong impluwensiya ng numerong hindi nakikita, pero nababakas sa kilos, porma, itshura ng katawan at asta ng isang indbidual.

Sa matuling salita, inaanalisa natin ang inyong kapalaran, hindi sasabihin lang natin ang ganito at ganong tadhana, bagkus pilit natin itong nilalagyan ng dahilan o bakit nagkaganon ang kapalaran, upang pagkatapos, maalwan o mas madali nating masusulusyunan ang problema sa buhay, at mabibigyan ng bagong direksiyon ang isang indibidual patungo sa isang matagumpay, masagana at maligayang karanasan.

Halimbawa, tulad mong isinilang nuong June 22, 1977, siguradong-sigurado ang mga taong makaka-impluwensiya sa iyo ay silang may birth date na 3, 12, 21, 30, 8, 17, 26, 1, 10, 19 at 28. At kapag nakatagpo ka ng isang taong isinilang sa ispesipik na petsang December 3, or 12, o kaya’y December 21, siya ang may malaking maitutulong sa iyo, patungo sa isang matagumpay at aliwalas na pamumuhay.

Tandaang bagamat tila walang kapalaran ang mga taong kuwatro, kung minsan ay sila rin ang may pinaka-magarang kapalaran kapag sila ay sinusuwerte, ngunit kapag naman minamalas, sila rin ang isa sa pinaka-walang kakuwenta-kuwenta ang nagiging kapalaran.

Kaya nga kailangan o sadyang napakahalaga ng tinatawag na “guide”, kung bagay bata palang ang karanasan o kasalukuyan palang tumatahak sa landas ng buhay, kailangang iayos na agad ang dapat iayos, upang sa ganon ang isang taong kuwatro ay magkaroon ng isang napakagarang kapalaran.

“Magara” ang ginagamit nating salita, sapagkat ito ang pinaka-angkop na salita para sa kapalaran ng mga taong kuwatro, kung maganda, hindi lang maganda, kung mabuti hindi lang mabuti, ubod gara at ubog ganda talaga, na sadyang napakahirap ipaliwanag.

Kung mapangit naman o malungkot, hindi lang pangit o malungkot, sadayang ubod pangit at ubog lungkot, na pupuwede ding hindi ganon, bagkus, magara at ubod gara lang talaga na napakahirap ngang ipaliwanag.

Iyan ang mga taong kuwatro na naiimpluwensyahan ng magulong planetang Uranus, Saturno at Pluto at kung minsan ay may kasama pang Sun, ang kanilang uulitin na naman natin, - ang kanilang napakagarang kapalaran.

--------30-------


10 comments:

  1. ang asawa ko po march 13,1965 ang alam ko po ay kwatro ang bitbit nyang numero..s tagal po ng 10 taon nming pagsasama ay biniyayaan po kmi ng dalawanga ank.ni minsan po ay hnid ko ndinig s knya n sya any may pngarap s buhay..or hndi nmin npaguusapan dko po alam..may ktamaran po sya s trabaho gusto nya instant pera ng wlang khirap hirap .madlas sytang manalo s mga raffle at ibang sugal..mero pa po bng swerteng darating s knya s mga susunod n taon?at ako po ay pinangank s bwan ng dec 8,1964 alin po b sa mga ank ko ang gaganda at mgtatagumpay ang buhay eldest ko po dec 18,1982 2nd april 8,1990 nxt oct 29,2003 at bunso sept 27,2007..ay naku sana po ay swertehin nman ako s mga ank ko.. mraming salamat po maestro god bless..

    ReplyDelete
  2. dear maestro ong ako po si clarita yamori
    sinilang noong april 11 1975.ano po bang kapalaran ang naghihintay sakin.at dapat kopo bang pagkatiwalaan ang sinilang noong june 5 1971 para maging kaibigan,sana po ay mapaunlakan po ninyo ako..salamat po

    ReplyDelete
  3. hi maestro..tanong ko lang po kung may chance ba ako manalo sa lotto at kung anu ano po ang numero na masuwerte na posible kong mapanalunan,.,at kung makakaalis pa po ba ako abroad

    ReplyDelete
  4. Helo poh,ako ay pinanganak noong january 3,1980.ano po ang mga kacompatible ko.kailan ko po makikilala ang lalaking makakasama ko habang buhay?

    ReplyDelete
  5. Magandang araw po sa inyo. Sa araw araw na pagbabasa ko po ng inyong mga nasasagot na katanungan mula sa mga tulad kong naghahanap ng magandang kapalaran, ako po ay nahikayat.Kung kaya nais kong malaman kung anu po ba ang maari kong gawin upang makaalwan alwan kmi sa buhay. at nais ku rin pong malaman kung anu ang maari kong gawin o isuot upang lumakas ang benta ng tindahan aking pinagtatrabahuhan?Ako pa ay pinanganak ng February 22 1994.

    ReplyDelete
  6. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  7. Compatible po ba ang petsa june 24 1992 at ang bf kona October 31 1989 at kailan kaya at magandang petsa kami ikasal?

    ReplyDelete
  8. Ang birthday KO po ay march 18,1978 at ang asawa KO po ay april 24,1976. Ano po ang naghihintay na kapalaran sa among pamunuhay at sa akibg career. . Mapromote po ba ako ngayong taon? Salamat po. Beth ng midsayap

    ReplyDelete
  9. Ang birthday KO po ay march 18,1978 at ang asawa KO po ay april 24,1976. Ano po ang naghihintay na kapalaran sa among pamunuhay at sa akibg career. . Mapromote po ba ako ngayong taon? Salamat po. Beth ng midsayap

    ReplyDelete
  10. Ang anak ko po ay isang taong kwarto julyy 22 2019 ang kanyang kapanganakan. Ang aming birthday ng asawa ko ay april 28,1993 at sya naman po feb 26 1983 , magagabayan po ba namin sya at magkakaroon ba siya ng masaganang buhay kapag dating ng araw
    O dahil kwarto siya magiging walang kwenta ang kanyang buhay

    ReplyDelete