Saturday, June 13, 2009

PAANO MO MALALAMAN KUNG SINO ANG IYONG KA-COMPATIBLE?

ANG TUNAY NA KA-COMPATIBLE NG ISANG CANCER AT KUNG PAANO MO MALALAMAN KUNG SINO ANG IYONG KA-COMPATIBLE.

Ang matutunghayan nyo ngayon ay ang kasagutan ni MAESTRO HONORIO ONG mula sa isang text sender sa Pahayagang BULGAR, nagtatanong tungkol sa kung sino ang ka-compatible ng zodiac sign na CANCER. Ipinablished ang artikulong ito sa pahayagang BULGAR nuong June 16, 2009.

Tunghayan natin ang kasagutan ni Maestro Honorio Ong

Dear Mho,

Compatible po ba ang may parehong zodiac sign? Kung hindi, sino-sino po ba ang ka-compatible ng Cancer? Code name: Cancer ng 9079587984

SAGOT:

Alam mo Cancer, ang ibig sabihin o saktong katumbas na salita ng compatible ay “magkatugma.” Maaaring itanong mo, ano ba ang dapat pagtugmain upang matiyak na maging maligaya at magtagumpay ang isang relasyon?

Dalawang uri ang ibig sabihin ng salitang “tugma.” Una, katulad ng pangkaraniwan nyong nalalaman, ito ang tinatawag na magkakaparehong bagay. Ibig sabihin ay “similar or the same” katulad ng mga liquid o likidong bagay, magkakatugma sila, kaya sila ay magkakasundo o laging matatagpuang magkasama. Katulad din ng mga bulalak, sila-sila ang magkakasama, gayon din ang mga prutas, kung mapapansin mo sa mga pamilihan.

Sa tao ay ganon din at sa zodiac sign, kapag sinasabing Cancer, Pisces, at Scorpio, pare-pareho sila ng elementong tinataglay – ito ay ang elementong tubig. Kaya ang kapwa mo Cancer, o kung halimbawa naman ay kapwa mo Pisces o kapwa mo Scorpio. Katulad mo ang zodiac sign, awtomatiko, walang duda magkakatugma kayo, dahil nga pare-pareho kayo ng inner at outer traits, o sa ibang salita halos makakatulad kayo ng pangunahing temperaments at ugali.

Sa pag-aaral ng Astrology, hindi lang ang elementong ng zodiac sign ang pinagtutugma, kung minsan kasi hindi nga magkatugma ng elemento, pero magkapareho naman ng ruling planet na tinatawag. Sa kaso mo ikaw ay isang Cancer na may ruling planet na Moon at Neptune, kaya katugma mo rin ang Pisces na may ruling planet ding Neptune, at Scorpio may ruling Planet din na Moon.

Pero ang Virgo, isa lang ang katugma nya kung ruling planet ang pagbabasehan, ito ay ang Gemini – pareho sila na pinaghaharian ng planetang Mercury.

Ang Libra, isa lang din ang katugma nya kung ruling planet ang paguusapan, ito ay ang Taurus – pareho silang pinaghaharian ng planeteng Venus.

Samantala, may isa pang uri ng pagkakatugma, ito ay ang tinatawag na complimentary compatible. Hindi sila magkamukha, pero magkatugma din sila. Halimbawa ay ang garapon ng asukal. Hindi kamukha ng garapon ng asul, ang takip, pero kailangan mong itugma ang talik sa garapon upang ang asukal ay hindi langgamin. Magkaiba ang plastic na takip ng garapon sa babasaging garapon, pero magkatugma sila, at hindi nga puwedeng paghiwalayin dahil lalanggamin ang asukal.

Isa pang uling halimbawa ng complementary compatibility ay ang obvious o kitang-kitang example sa buhay ng tao, ito ay ang lalaki at babae. Ang babae ay may malaking dibdib at may vagina, pero ang lalaki ay may maliit lang na dibdib at may penis. Hindi pupuwedeng hindi mo sila pagsamahin, dahil kapag laging magkahiwalay ang lalaki at babae, isipin mo na lang di hindi dadami ang tao, at maaaring hindi ka rin isinilang sa mundo?

Kaya nga may isa pang katugma ang Cancer, na tinatawag nating complimentary compatibility, hindi mo siya kamukha, pero kailangan mo siyang makasama, upang ang lahat ng kakulangan mo sa iyong pagkatao ay pupunan niya, habang ang mga kakulangan naman niya ay ikaw ang magpupuno. Sa puntong ito katugma ng Cancer na may elementong tubig ay ang isang Capricorn na may elementong namang earth o lupa.

Bukod sa Astrology, upang ma-perfect ang isang relasyon, dapat din namang suriin ang birth date at destiny number, upang malaman kung magkatugma din sila sa hawak nilang numero. Sapagkat sa sandaling tugma sa Astrology at tugma pa sa Numerology, masasabi nating ang relasyon ito ay mahirap ng masira, mabuwag o mawasak, dahil nga hindi lang Astrology nagkatugma ang dalawang nagmamahalan, bagkus nagkatugma din sila sa hawak na mga numerong kanilang tinataglay.

Tandaang kailangang magkatugma at nagmamahalan, upang mapanatili ang isang matibay, wagas, maligaya at pang habang buhay na relasyon.

Kapos na tayo ng espasyo, sa susunod na mga araw, muli nating ipapaliwanag ang tunay na lundo ang kahulugan ng salitang “tugma at compatibility” upang sa pagahanap nyo ng girlfriend o boyfriend ay hindi kayo maligaw ng landas, at magkabigo-bigo pa, sa halip, sa pakikipag-relasyon ay masumpungan nyo na agad ang isang maligaya pag-ibig at pang habang buhay na samahan.

*****

NAIS MO BANG MAKASAMA SI MAESTRO HONORIO ONG? 🏩🏩Pwede! Makakasama mo si Maestro Honorio Ong.. kung bibili ka ng kanyang ika-4 na AKLAT.... para kahit saan... sa sasakyan, sa pananghalian, sa CR, sa madaling araw, sa ibayong dagat, sa iyong pag-gising at maging sa iyong pagtulog ay makatabi nyo si Maestro Honorio Ong sa pamamagitan ng kanyang ika-4 na aklat IBINULGAR... ANG SIKRETO NG IYONG KAPALARAN. (may espesyal din topic tungkol sa mga anting-anting, agimat at talisman sa nasabing aklat at compatibility o tungkol sa maligayang pakikipag-relasyon) :)😻😻😻🏩

Ang ika-4 na Aklat ni Maestro Honorio Ong ay esklusibong mabibili lamang sa tanggapan ng pahayagang Bulgar sa 538 Quezon Avenue, Quezon City sa harap mismo ng Sto. Domingo Church sa murang-murang halagang P415 only.

At kung nais nyo ng on line delivery i-add at makipag-friend kay Maestro Honorio Ong sa kanyang FB or FACEBOOK account na Maestro Honorio Ong  para sa iba pang detalye. Maraming salamat po :)




THE INNER PARTNER: FORMULA NG ISANG MALIGAYA AT PANG HABANG BUHAY NA PAG-AASAWA

PAANO MAKAKATAGPO NG PERFECT PARTNER? AT
SINO ANG MAPAPANGASAWA NG ISANG TAO UPANG MATIYAK NIYA NA SIYA AY MAGIGING MALIGAYA SA PAPASUKING PAKIKIPAG-RELASYON?

ANG DALAWANG TANONG NA ITO AY MALINAW NA IPINALIWANAG NI MAESTRO HONORIO ONG ANG KASAGUTAN,SA PAMAMAGITAN NG THEORY NG PSYCHOLOGIST NA SI CARL JUNG.

ANG MATUTUNGHAYAN NYO NGAYON AY MULA SA NA-IPABLISHED NG ARTIKULO NI MAESTRO HONORIO ONG SA PAHAYAGANG BULGAR, SA KOLUM NYANG ITEXT KAY MHO, NA IPINABLISHED NUONG JUNE 15, 2009.

TUNGHAYAN NATIN ANG KANYANG KASAGUTAN:

Dear Mho,

February 16, 1986 ang birthday ko. Makapag-aasawa pa ba ako ng matinong lalaki? Code name: Pisces ng 9294390114

SAGOT:

Naghahanap ka ng matinong lalaki, e kung hindi ka naman matinong babae, hindi ka nga makapag-asawa ng matinong lalaki. Naghahanap ka ng matinong relasyon, pero kung hindi naman kayo matinong dalawa ng ka-relasyon mo, walang matinong relasyong masusupungan. Ganon iyon!

Sapagkat sabi ng psychologist na si Carl Jung, “Like attracts like and the inner reflects the outer.” Ibig sabihin kung “ano ka o kung sino ka, iyon din ang mapapangasawa at makakasama mo habang buhay.” Sa isa pang paliwanag, “kung ano ang mga katangiang nasa inner self mo na kadalasang hindi mo matanggap sa bandang huli ipapatanggap din sa iyo ito ng tadhana sa pamamagitan ng isang lalaki o isang babae na iyong mapapangasawa.”

“Although we seek these inner partners outside ourselves, but in reality they live within us and propel us into precisely those experiences which are opposed to our conscious desires…the quest for the inner partner is responsible for our embrace of life.”

Ibig sabihin, iyong inner partner na binabanggit, siya din ang iyong mapapangasawa na ang totoo pala kaya mo siya napangasawa siya pala ang tunay na repleksiyon ng iiner self mo na hindi mo nakikita.

Ito rin ang sinasbai sa Bible na si Eva ay hinugot lang sa tadyang ni Adan, na ibig sabihin ang esensiya ni Eva, ay siya ring esensiya ni Adan. The “same matter” o “iisang bagay lang sila” na nagkahiwalay, pero sa ating pag-aasawa, ang “the same matter” o ang akala nating magkaibigan bagay na ito, ay muling pag-iisahin. Ito ang tinatawag sa wikang Tagalog na “pinag-isang dibdib.” Ika nga ni Father sa araw ng kasal, “hindi na kayo dalawa kundi isa na lang, ang pinagsama ng Diyos ay wag ngang paghiwalayin ng tao.”

Tunay ngang muling nagiisa ang babae at lalaki, sa sandali na sila ay nagtatalik ang tawag naman dito sa Tagalog ay “nag-iisang laman” at kapag naganap ang pagtatalik o pagniniig, na ang esensiya ay pinagiisang muli ng dahil sa pag-ibig, ang dati namang magkasama ng babae at lalaki, ang akala lang natin ay magkaiba kasi sila, ay iyon nga kapag nag-isang laman uli sila, - isang bagong nilalang o isang baby o bata ang mabubuo.

Ito ang hiwaga o misteryo ng pag-aasawa, maraming naghihiwalay na mag-asawa, hindi nila matanggap na ang napangasawa nila ay ang inner partner nila o ang sarili din nila. Tinatakasan nila ang kanilang sariling kahinaan at mga pagkukulang na nagre-replek sa lalaki o babae nilang napangasawa, at sa pagkatakas nilang iyon, maghahanap uli sila ng bagong asawa, akala nyo ba ay matatahimik na ang lalaki o babaing nang-iwan sa kanyang asawa? Hindi parin! Dahil hahabulin at hahabulin siyang lagi ng “sarili niya o ng inner partner niya” na nag-anyo lang na asawa niya, pero ang totoo iyon iyong mga negative sides ng pagkatao nya, kaya sa muling pakikipag-relasyon o pag-asawa mahihilway uli siya.

Ang totoo kasi tulad ng nasabi na, “relationship is a necessary catalys for self awareness” na ang ibig sabihin, kapag natanggap mo na ang walang kuwentan mong napangasawa, kasabay nito, natanggap mo na rin ang walang kuwentang bahagi ng iyong pagkatao, at sa puntong iyon magiging mature ka na, iyon iyong tinatawag natin sa itaas na “embrace of life” kung saan niyakap mo na ang sarili mong kahinaan at pagkukulang, dahil natanggap mo na ang akala mong walang hiyang asawa mo, pero ang toto ikaw din iyon, at sa bandang huli, dahil tinanggap o natanggap mo na ang negative side ng iyong inner self, sa muli mong pag-aasawa, magiging maligaya ka na.

Sa matuling salita, nag-aasawa ang isang tao hindi para lumigaya lang, bagkus nag-aasawa ang isang tao upang matutunan niyang makisama sa isang tao o sa kanyang asawa na sarili din pala niya, na habang nagaganap ang pagsasamang iyon, natutunang tanggapin ng bawat isa ang kanikanilang kahinaan o mga negative side ng kanilang personalidad, kaya nga habang lumago ang relasyon, lumalago, nagma-mature din ang pagkatao ng mag-asawa, patungo sa tunay nilang journey – muling pag-iisang laman, pag-iisang dibdbib, pagniniig may kasamang pagtanggap at dalisay na pag-ibig na hahantong sa isang napakaligaya at pang habang buhay ng pagsasama.

Kaya sa susunod kapag naghahanap ka ng matinong kapareha, boyfriend, girlfriend o asawa, tanungin mo muna ang iyong sarili, “matino ba ako?” Kapag “Oo” ang sagot ng iyon sarili, tiyak ang magaganap, 99% makakatagpo ka ng matinong kapareha, kasabay nito magkakaroon ka ng isang matino, at maligayang pag-aasawa.

****

TRUE LOVE WAITS


Makapaghihintay kaya ang pag-ibig o higit na iiral ang libog sa katawan?


Sa pagkakataong ito pinayuhan at inanalisa ni Maestro Honorio Ong kapalaran ng magkasintahang 16 years old at 18 years old na kabataan na kasalukuyang nagugumon sa love making...tunghayan natin ang pag-aanalisa ng kapalaran ni Maestro Honorio Ong sa pamamagitan ng guhit ng palad.



Palad – June 15, 2009

Katanungan:

  1. Nuong ko pa sa inyo gustong sumulat kaya lang nahihiya po ako. Pero kailangan na kasi kaya naglakas loob na po ako. Sixteen years old lang po ako habang eighteen years old naman ang boyfriend ko.
  2. Sa ngayon po ay madalas na kaming magtalik, halos isang beses isang linggo. Nag-love making po kami sa mga sumusunod na petsa nitong buwan ng May 5, 11, 19, at 27. Nagtataka po ako kung bakit hindi ako dinatnan nitong last week o May, na supposed to be tuwing last week of the months or first week of the months ako nagkakaroon, pero nitong last week o May, until second week na po ng June ay di parin ako nagkakaroon. Ibig sabihin po ba nito ay buntis ako?
  3. Paano ko po ba malalaman kung ako ay buntis, kasi po ang boyfriend ko sa tuwing magla-love making kami ay palaging sa loob ko nagpapa-putok?
  4. Pakitingnan na din po sa guhit ng aking palad kong ang kasalukuyan ko nap o bang boyfriend ang aking makakatuluyan.
  5. Salamat po! Pakitago na lang ang email add ko at Ms. Tweety Bird ng Quezon City na lang po ang gamitin nyong pangalan at address ko.

Kasagutan:

  1. Dyos ko Dhay! Napaka-bata mo pa para abalahin ang iyong isip at sarili sa madalas na pakikipag-sex sa iyong boyfriend.
  2. Sa edad mong 16 years old palang ay 18 years old naman ang boyfriend mo, pihado kong kapwa pa kayo nag-aaral.
  3. Kaya ang dapat nyong gawin pag-aaral muna ang asikasuhin nyo, bago ang walang patumanggang love making.
  4. Sa tinatanong mong paano mo ba malalaman kung ikaw ay buntis o hindi? More or less 150 pesos lang ang katapat nyan, depende sa brand na bibiling mong pregnancy test (PT) sa botika. At napakadali lang ding gamitin. Nakabalot ito sa isang paketeng plastic na may kit sa loob. Dalawang patak lang ng iyong ihi, sa indicator, malalaman mo na kung negative or positive ka. Sa sandaling napatakan mo na ng ihi mo ang indicator, kapag dalawang guhit na pula ang nagmarka, “patay ka” - positive ka. Ibig sabihin, buntis ka. Kapag isang guhit na pula ang nagmarka, suwerte mo, negative ito na nangangahulugang hindi ka buntis.
  5. Kung ikakatuwiran mo namang paano ka makakabili nito sa botika, gayong 16 years old ka lang, siyempre nakakahiya, dahil sasabihin ng sales lady, “naku kay bata-bata pa nito bumibili na ng PT?”
  6. Isa lang ang masasabi ko sa iyo bruha ka, hindi ka nahihiyang makipagtalik linggo-linggo sa boyfriend mo pagkatapos ay mahihiya kang bumili ng pregnancy test?
  7. Samantala, buti na lang at iisa lang ang malinaw at makapal na Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ito ay malinaw na tanda na anoman ang mangyari sa kasalukuyan, mabuntis ka man o hindi dahil sa ginagawa nyong palihim na pagtatalik ng iyong boyfriend, magpasalamat kaparin kay Lord dahil kayo na nga ang itinakdang magkakatuluyan, kung saan ang nasabing samahan ay may pangako parin ng isang maligaya at pang habang buhay na relasyon.

Mga Dapat Gawin:

  1. Sa mura at bata pang edad ng mga kabataan, tunay ngang hindi pa dapat sirain ang sarili sa walang patumanggang pagse-sex, dahil anomang oras, maaari kayong mabuntis, at kapag nabuntis, hahantong sa hindi pinaghandaang pag-aasawa. At alam naman nating lahat na kapag hindi pinaghadaan ang isang bagay, lagi itong nauuwi sa sakripisyo, mahirap na karanasan at kabiguan.
  2. Kaya nga kung magagawa nyo lang ng boyfriend mo Ms.Tweety Bird, mula ngayon, iwasan o lubayan nyo na ang pagse-sex. Sa ganyang paraan, paraan matutuwa ang inyong mga magulang, maiiwasang mabuntis ka agad at bigla kang mahinto sa pag-aaral hanggang sa tuluyang hindi mo na matapos ang iyong kurso.
  3. Dagdag dito, kung iiwasan nyo na ang pagse-sex, maiiwasan ding dumating ang puntong sa gulang mong 16 years old ay nabuntis ka agad, na magiging dahilan upang palayasin at murahin ka ng iyong mga magulang dahil sa ginawa mong kalanturan.
  4. Habang ayon sa iyong mga datos, kahit na positibo o negatibo ang gagawin mong pagpe-pregnancy test, ang kasalukuyan mo na ngang boyfriend ang iyong makakatuluyan, paulit-ulit lang ang ating paalaala, iwasan nyo parin ang walang patumanggang pagtatalik, sapagkat sabi nga ng Simbahan, “true love waits!”

-------30--------

Monday, March 9, 2009

ANG HIWAGA NG NUMERONG OTSO (8)

SA PAGKAKATAONG ITO, kumpletong ipinaliwanag ni Maestro Honorio Ong ang hiwaga ng Numerong Otso at ang tatahaking kapapalaran ng mga taong isinilang sa petsang 8, 17 at 26.


Pakinggan natin ang kanyang diskusyon, hinggil sa hiwaga at sikretong bumabalot sa numerong 8.


Numero – March 12, 2009

Dear Maestro,

Ako po ay isinilang noong Dec. 8, 1985. Isa po akong otso at ang alam ko po dati sinasabi na maswerte ang 8. Pero dun po sa huling labas ng inyng mga kolum nabasa ko na hard to get ang success ng 8, di tulad ng 5 or 1. Ang akin pong boyfriend ay 5, ang birth date. Isinilang siya noong June 14, 1985. Anu po kayang buhay ang naghihintay samin. Kami na po kaya ang magkakatuluyan? Marami pong salamat sa inyong panahon at inaasahan ko po ang inyong tugon.

Umaasa,

Helen of Troy ng Diliman, Quezon City

Dear Helen of Troy,

Hindi suwerte ang mga taong otso, bagkus ang katotohanan, minamalas muna sila bago suwertehin. Akala lang ng iba suwerte ang mga taong otso, dahil ang numerong otso ay pinaniniwalaang suwerte, ayon sa mga Chinese Astrologers.

Tatlong matibay na dahilan ang inilahad nila kung bakit pinananilawaan ng mga Chinese na suwerte nga raw ang numerong otso.

Una, ang pigurang otso (8) ay karaniwang isinusulat na nagsisimula sa itaas, at hahanga ka, kung saan nagsimula sa itaas na bahagi, duon uli sa itaas na bahaging iyon matatapos ang pagsulat ng pigurang otso. Pansalamantala, bilang patunay, itigil mo muna ang pagbasa ng artikulaong ito. Sumulat ka sa hangin, gamit ang iyong daliri ng pigurang osto. Napansin mo ba, kung saan ka nagsimula, duon din natapos upang mabuo o makumpleto ang numerong otso (8). Ito ay isang dahilan kung bakit hindi mapapasubaliang suwerte talaga ang numerong otso ayon sa mga Chinese.

Iyong iba kasing mga numero, kapag isinulat mo, hindi duon magtatapos sa pinagsimulan, kaya walang tinatawag na “completeness”. Sa matuling salita, “completeness” ang key word, kaya suwerte ang pigurang otso. Sa lahat ng numero, (maliban sa zero), ang otso lamang ang naisusulat ng “complete” talaga, dahil tulad ng nasabi na, kung saan ka nag-simula duon karin matatapos.

Pero ang zero (0) ganon din. Bagamat wala siyang bilang, (kaya nga tinawag na zero), pag-sinulat mo ang pigurang zero, kung saan ka nagsimula dun ka rin matatapos. Subukan mo uling isulat ang numerong zero sa hangin. Hindi ba’t kung saan, ka nagsimula, duon karin natapos? Ibig sabihin, bukod sa numerong otso ang zero ay nangangahulugan din ng “completeness”.

Walang nakaka-alam, pero ipapa-alam ko na sa inyo ngayon, sa aklat ng Mystic Bible, bukod sa ang God ay kinakategorya bilang “All-Knowing, All-Beautiful, All-Holy, All-Just, All-Good, All-Merciful, at All-Powerful”, siya rin ay ang “completeness” o ka-kumpletuhan ng lahat ng bagay.

Ano ang ibig sabihin nito? Lagi kasing may kulang sa buhay ng tao, kahit makamtan mo man ang lahat ng kayamanan sa mundo, may kulang ka paring mararamdaman sa iyong maka-mundong katawan. Halimbawa namang minahal mo ang lahat ng babaing magaganda at sexy sa buong mundo, o inibig mo ang lahat ng mga guwapo at machong lalaki sa buong mundo, hindi parin matitighay ang humbak o void sa iyong puso, lagi paring may kulang.

At anoman ang gawin, ambisyunin at pangarapin mo sa mundong ito, kahit na makamit mo ang lahat ng iyan, fame, power o kung anoman ang gusto mo, laging may kulang. At ang kakulangang iyan sa buhay ng tao ay mapupuno lamang sa pamamagitan ni God, at sa sandaling natagpuan mo siya, duon lamang mararamdaman ng iyong pagkatao ang “completeness” na hahantong sa isang kalagayan ng buhay na kung tawagin sa pag-aaral ng mysticism ay “state of blissfulness”. Buhay ka, perong maligayang-maligaya ka, punong-puno ng pag-ibig ang iyong puso, lumulutang ka sa galak, at hindi mailarawan ang harmony at saya na naguumapaw sa iyong puso. Sa puntong ito ng iyong buhay, “nalagot mo na ang tali na naglalayo sa iyo sa Diyos, natawaid muna ang dagat na pumapagitan sa inyo ng Diyos, naging ganap kana, at nakumpleto na ang buhay mo.

By the way iyon ang ibig sabihin ng numerong otso at zero, kaya mula one (1) hanggang nine (9) ang numerong otso (8) at zero (0) lamang ang naisusulat na unconsciously o hindi mo namamalayan nage-express ng completeness. Sa ibang salita, nagi-express ng God.

Pero ang hahanga ka sa numerong otso (8), kapag isinulat mo naman ito sa ibang paraan. Iyong hindi mo sinimulan sa itaas at tinapos sa itaas, ang magiging paraan ng iyong pagsulat ay siguradong pagdudugtungin mo ang dalawang “zero” (0). Isang zero sa itaas at isang zero (0) sa ibaba, upang makabuo ng pigurang otso (8).

Sa matuling salita, daig ng otso (8) ang zero (0) kung completeness ang pag-uusapan, dahil sa pagsulat ng numerong otso “dalawang completeness’ ang inihahayag ng iyong unconscious na damdamin. “Double-completeness” na kung ikakategorya sa pang-materyal na aspeto, “double success” at maaari ding “double happiness” ang mapapasa iyo, sa sandaling natuklasan mo kung paano gamitin ang hiwaga ng numerong otso. At siya namang ituturo ko sa inyo sa susunod na mga araw, advance course nating Mystic Numerology.

Bukod sa technical na paliwanag na pang-numerology na inilarawan na sa itaas, sinasabi din ng mga Chineses na suwerte ang numerong otso, dahil ang bigkas ng eight (8) sa wikang Chinese ay “ba” na siya ring tunog ng “fa” na ngangahulugang kasaganaan o “prosperity”. Kaya nga ayon sa mga Chinese ang sinomang gagamit ng numerong otso ay magkakaroon ng masaganang pamumuhay.

Pero kapag ang birth date mo ay eight (8) sa numerology parin, ito ay kaakibat ng planeteng Saturn, na ibig sabihin lamang bago ka lubusang magtagumpay dadanas ka muna ng maraming pagsubok at kasawian. Kapag napaglabanan mo ang mga pagsubok at dagok na ito ng buhay, saka ka palang magkakaroon ng malaking tagumpay at walang sukat na kasaganaan. Kaya nga karamihan sa mga taong otso na yumayaman ng ubod ng yaman ay nagdadaan muna sa kahirapan.

Kaya nga ang kahirapan at pagsubok sa buhay ng mga taong otso tunay ngang kaakibat na talaga ito ng kapalaran. Ang diskarte na lang ay kung paano nila ito ihaha-handle o paglalabanan, upang sa bandang huli ay makamit nila ang malaking tagumpay.

Sa kaso mo Ms. Helen of Troy, kung sadyang nababagot ka na sa buhay, at puro kabiguan na lang ang iyong nakakamit, mas mainam na mag-asawa ka na, dahil ka-compatible ng zodiac sign mong Sagittarius ang iyong boyfriend na Gemini, gayon din naman sa Numerology, tugma ang pagsasama ng taong otso at taong singko, kaya nga sa sandaling nagsama kayo, tiyak ang magaganap, kayo ay uunlad, magiging maligaya, magtatagumpay hanggang sa tuluyan nyo naring makamit ang kasagaaang ipinapangako ng numerong otso (8).

-------30----------

Friday, February 13, 2009

EPEKTIB NA PARAAN PARA MAGKA-GIRLFRIEND


SA PAGKAKATAONG ITO IPINALIWANAG NI MAESTRO HONORIO ONG ANG TAMANG DISKARTE PARA SA ISANG EPEKTIBO AT MABISANG PANLILIGAW. SIYEMPRE PA, DAPAT MONG GAWIN NG MGA BINATANG WALANG NOBYA PARA MAGKA-GIRLFRIEND NA!


Palad – Feb 16, 2009

Katanungan:

  1. Bakit po kaya marami naman akong nililigawan, pero hanggang ngayon ay wala parin akong mapasagot. Ang nangyari tuloy sa aming limang magkaka-barkada ako lang ang walang nobya.
  2. Maestro ano po ba ang nagugustuhan ng mga babae sa isang lalaki. Kasi nagtataka na nga rin ako sa aking sarili, ligaw ako ng ligaw, kay Sheila Mae, kay Kristine at kung kanikanino pa, pero parang wala naman sa aking pagtingin ang nasabing mga babae. Bakit kaya, samantalang may isthura naman ako kung ikukumpara sa mga kaibigan kong may mga girlfriend.
  3. Minsan tuloy naiisip kong hindi rin siguro gandang alaki ang sikreto para magka-girlfriend ka, kaya lang hindi ko naman alam kung ano nga ba ang dapat kong gawin para magkapagpasagot ng nililigawan.
  4. Ano po ba talaga ang nagugustuhan ng mga babae sa lalaki at kailan kaya ako magkaka-girlfriend. Sa edad ko po kasing 23 years old, sabik na sabik na akong magka-girlfriend.

Kasagutan:

  1. Iyong tanong na “ano ba ang nagugustuhan ng babae sa isang lalaki?” Mahirap sagutin iyan ng ispesipik, sapagkat alam naman nating lahat, tulad din ng paboritong pagkain, at paboritong musika, may kanya-kanya ng taste o panlasa ang mga babae. Kaya nga sa pagpili ng lalaking magugustuhan nila, siyempre maaari ding iba-iba sila ng panlasa.
  2. Pero iyong tanong na ganito: “Ano ba ang ayaw ng isang babae sa isang lalaki?” Iyan ang tanong na masasabing halos pare-pareho ang magiging sagot ng mga babae. At iyan ang dapat mong malaman para hindi ka ayawan ng iyong mga nililigawan.
  3. Ang unang-unang ayaw ng mga babae sa isang lalaki ay iyong maraming nililigawan. Kaya sa unang criteria palang, bagsak ka na, kasi nga ang dami-dami mo palang nililigawan.
  4. Alam mo ang mga babae, ang gusto nila siya lang ang nasa puso mo. Ayaw na ayaw din ng mga babae, na ikinukuwento mo pa sa kanila iyong mga dati mong nililigawan o kasalukuyan mong nililigawan o kaya naman’y pinapaalam mo pa sa kanila na may iba ka pang nililigawna bukod sa kanya. Iyan ang isa sa pinaka-ayaw na ayaw ng babae sa isang lalaki, kahit sabihin pang ubod mo ng guwapo.
  5. Ang gusto nga ng mga babae, siya lang mag-isa sa buhay mo, at handa kang ipagpalit ang lahat alang-alang sa kanya. Sabi nga siya lang ang tinitingnan mo at hindi ka na tumitingin pa sa iba kapag kasama mo siya.
  6. Katulad din ng ipinaliwanag na sa itaas, dahil nga gusto ng babae na siya lang ang katangitanging mahal mo, ayaw din ng isang babae na hindi ka seryoso.
  7. Saan ka naman dapat maging seryoso? E di saan, pa sa panliligaw at pagmamahal mo sa kanya.
  8. “Mahal na mahal ako ng lalaking iyan!” Iyong salita na iyon, ang gustong-gustong malaman, matuklasan, maramdaman at maranasan ng isang babae sa kanyang manliligaw. At kapag nagawa mo iyan, makikita mo, madali ka ng magkaka-girlfriend.
  9. Ang pangawala pang ayaw ng babae sa lalaki ay iyong lalaking ubod ng yabang na kung umasta, kung magsalita at kung pumorma, ay akala mong napakagandang lalaki, pero hindi naman. Mas gusto kasi ng mga babae ay iyong style ni FPJ sa kanyang mga movie, na tahimik lang ang dating, pero magalang, at sa kabila ng pagiging tahimik, nasa loob ng lalaking ito ang pagiging gentleman at maaasahan sa lahat ng bagay at handa siyang ipagtanggol sa anomang oras. Isa lang ang kulang ni FPJ na gusto rin ng mga babae, iyong may sense o humor ka paminsan-minsan.
  10. Iyong talino, bagamat gusto rin ng babae iyon sa isang lalaki, pero sa totoo lang walang kuwenta kahit alam ng babaing matalino ka, kung hindi mo naman maipapadama sa kanya na mahal na mahal mo siya at siya lang ang tanging babae sa buhay mo - wala ng iba.
  11. Kaya sa susunod mong panliligaw, wag na wag kang magyayabang. Kunwari, tahimik ka, kunwari magalang ka, kunwari maaasahan ka, kunwari, may sense o humor ka at kunwari matalino ka. At pagkatapos, kunwari, siya lang ang kaisa-isang babaing nililigawan mo at liligawan mo sa buong buhay mo, wala ng iba.
  12. Kapag ganyan lagi ang style ng panliligaw mo sa mga babae, (wag na wag mong ipapaalam na may iba ka pang nililigawan dahil demerit na agad iyon sa iyo), tiyak ang magaganap, kahit hindi na tingnan ang guhit ng kaliwa at kanan mong palad, awtromatikong sa taon ding ito, abot na abot pa sa Mahal na Araw, sa Flores de Mayo, at sa iba pang mahahalagang okasyon sa taong ito ng 2009, magkaka-girlfriend ka na. Ang pag-aanalisang magkaka-girlfriend ka na, basta’t ibahin mo lang ang style ng iyong panliligaw, ay madali namang kinumpirma ng kaisa-isang mahaba at makapal na Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na ang unang magiging girlfriend mo, dahil narin sa iyong kasabikan, ang siya na ring mapapangasawa mo at makakasama habang buhay.

Kasagutan:

  1. Kaya pala nuong kasagsagan ng aking pagbibinata, puro busted ang napala ko sa mga babaing nililigawan ko, ang yabang ko kasi nuong mga panahong iyon, at hindi lang mayabang ubod ko pa ng yabang. Iyon bang akala mo feeling ko ang guwapo-guwapo ko talaga, -- na totoo naman!
  2. Habang ayon sa iyong mga datos Ivan, itigil mo na ang panliligaw mo sa iba mo pang nililigawan, magtira ka na lang ng isa na pinaka-ka-compatible mo, sila ang mga babaing nasa zodiac sign na, Virgo at Taurus, pagkatapos, ibuhos mo ang lahat ng time, concentration, panahon, at oras mo sa babaing napili mo. Ipakita mo sa kanya at ipadama, na siya lang mag-isa ang kaisa-isang babaing minahal mo, at mamahalin mo habang ikaw ay nabubuhay. Makikita mo sa ganyang paraan, naging seryoso ka na kasi, tulad ng nasabi na, sa taon ding ito ng 2009, sa buwan ng Abril hanggang Mayo, sa edad mong 23 pataas, magkaka-girlfriend ka na rin hanggang sa tuluyang makapag-asawa.

----------30-------------

Saturday, January 3, 2009

ANG ALON NG BUHAY PATUNGO SA MAGANDANG KAPALARAN

ANG ALON NG BUHAY PATUNGO SA MAGANDANG KAPALARAN



“There is a tide in the affairs of men,

Which, taken at the flood, lead on to fortune;

Omitted, all the voyage of their life

Is bound in shallows and in miseries”

--- Julius Caesar, Act IV, Scene 3


Sa pagkakataong ito tinalakay ni Maestro Honorio Ong kung paanong ang pangit na karanasan tulad din ng "agos ng buhay" ay humahantong din "sa dalampasigan ng tagumpay."


Palad – Jan 6

Katanungan:

  1. Ayaw ko naman sumama sa tita ko para lumuwas ng Maynila at mamasukan sa kanila bilang kasambahay. Pareho po kasi silang nagta-trabaho ng mister nya, pero napilit nila ako sa pangakong pag-aaral daw po ako sa college.
  2. Ang kaso magdadalawang taon na po akong naninilibihan sa kanila at sa tuwing darating ang pasukan puro pangako na lang, hindi naman tinutupad na pag-aaralin ako.
  3. Sa ngayon balak ko na pong bumalik sa probinsiya, kasi hindi ako masaya dito at lagi pa akong pinagsusungitan ng tita ko kasi buntis siya, habang ang tito ko naman ay nawalan ng trabaho at nararamdaman ko pong nagkakagusto siya sa akin at pinagnanasaan niya ako, madals ko kasing mahuling bonobosohan nya ako. Kaya sa ngayon, kinakabahan akong lagi kapag kaming dalawa lang ang naiiwan sa bahay.
  4. Tama po ba ang gagawin kong desisyon na umuwi na lang sa aming probinsiya at wag ko ng asahan pa na pag-aaralin nila ako.
  5. May isa pa akong plano pero natatakot akong ipatupad ito, kung mamasukan na lang kaya ako sa ibang pamilya, o kaya’y mamasukan ako bilang sale lady magiging maayos kaya ang kalagayan ko at makapag-aaral kaya ako sa gabi pagkatapos ng work ko.
  6. Itatanong ko na rin po kung nakaguhit ba sa aking palad na ako ay makakatapos ng pag-aaral?

Kasagutan:

  1. Sinasabing higit na malakas ang “intuition” ng mga babae o sagap ng kanilang “pandama” kung ikukumpara sa mga lalaki, kaya kung kinakabahan ka sa tito mo sa panahong kayong dalawa lang ang madalas na naiiwan sa bahay, tama ang binabalak mo, sabihin mo sa iyong tita na gusto mo ng umuwi sa inyong probinsiya.
  2. Mas makabubuting magpahinga ka duon ng isa o dalawang buwan, pagkatapos, wag mo na lang ipapaalam sa kanila, pumasok ka sa ibang trabaho sa Maynila higit lalo kung may alam o koneksyon ka na. Tunay ngang ng huminto ang Fate Line na tinatawag din nating Career Line (Drawing A. at B. F-F arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad, bahagya lang itong tumigil, dahil matapos na huminto agad din itong nagpatuloy (F-F arrow b.) hanggang sa tuluyang makasampa sa Mount of Saturn na tinatawag din nating Bundok ng Tagumpay (arrow c.). Tanda na nakatakda na nga sa iyo ang magpahinga muna, at pagkatapos ng nasabing pamamahinga, parang isang buwelo lamang, pagbabalik mo sa Maynila muli kang magkakaroon ng trabaho, at dahil nag-doble at naging dalawa ang dating iisa lang na Fate Line (F-F arrow d.) ang posibleng mangyari, habang nagta-trabaho ka, makapagwo-working student ka pa, hanggang sa tuloy-tuloy na matapos ang kurso inaambisyon mo, bilang isang guro na kinumpirma at pinatunayan din ng malinaw at mahabang Effort Line (Drawing A. at B. E-E arrow e.) na agad sumampa at nakatuntong sa Mount of Jupiter na tinatawag din nating Bundok ng Katuparan (arrow e.). Ibig sabihin, kaunting diskarte lamang at dagdag na lakas ng loob, sa malapit na hinaharap, sa iyong matindi at masigasig na pagsisikap na kinumpirma ng zodiac sign mong Capricorn, walang kaduda-duda makakamit mo rin ang tagumpay na makatapos ng pag-aaral, hanggang sa tuloy-tuloy na maging isang lesensiyado at propesyunal na guro.

Mga Dapat Gawin:

  1. “There is a tide in the affairs of men,

Which, taken at the flood, lead on to fortune;

Omitted, all the voyage of their life

Is bound in shallows and in miseries”

--- Julius Caesar, Act IV, Scene 3

  1. Iyan tula na iyan, na sinulat ni William Shakespeare, ang pinaka-popular sipiing quotation ng mga libro sa fortune telling, na minsan ding sinipi ng dakilang Palmist na Cheiro sa kanyang aklat na Language of the Hand.

  1. May dalawang pinatutungkulan ang pahayag na iyan ni Shakespeare, Una, “May mga masasalimuot na relasyong nagaganap sa buhay ng tao, na kahit na immoral kung minsan ay nararating parin nito ang mangandang kapalaran. Tanggalin mo ang mga kahibangang ito, ang buhay ng tao ay lalamunin ng kalungkutan!”

  1. Ang isa pang paliwanag sa nasabing quotation na mas simple, “iyong mga pangit na kapalaran mo sa ngayon, kusa ka nyang aanurin patungo sa isang maaliwalas at suwerteng kinabukasan!”

  1. Natutulad sa ganyang pangyayari ang nakatakda sa iyong kapalaran Ms. Capricorn, ayon sa iyong mga datos ang pang-aapi sa iyo ngayon ng iyong tita at pangmomolestiya sa iyo ng iyong tito ay siya pang magiging daan, upang sa kinabukasan, na magsisimula na sa taon ding ito ng 2009, sa buwan ng Abril magkakaroon ka ng ibang trabaho na magiging daan upang mararating mo ang mas maganda at maunlad pang karanasan patungo sa katuparan ng iyong mga pangarap sa buhay.

  1. Magaganap sa taong 2015, sa edad mong 24 pataas, habang nagwo-working student maluwalhati kang makakatapos sa college bilang isang teacher, makakapasa sa board exam, hanggang sa maging isang mahusay at matumpay na guro.

---------30--------