Wednesday, June 18, 2008

PAGHANDAAN ANG PAGTANDA




SA PAGKAKATAONG ITO SA KANYANG ARTIKULO AYON SA GUHIT NG INYONG PALAD SA PAHAYAGANG BULGAR TINALAKAY NI MAESTRO HONORIO ONG ANG NALALAPIT NA PAGTANDA NG BAWAT INDIBIDUAL.

Nilinaw din niya kung ano ang dapat gawin upang hindi dapuan ng malulubhang karamdaman sa panahon ng middle age to old age at kung ano ang mga dapat pag-handaan pagdating ng panahon ng pagtanda.




PAGHANDAAN ANG PAGTANDA

Palad – June 20, 2008

Katanungan:

  1. Paki-analisa nga po ang aking kalusugan ayon sa aking palad. Kasi sa edad kong 52 years old na sa ngayon para bang ang dami-dami kong nararamdaman sa aking katawan gayong bata pa naman ako.
  2. Sa palagay nyo aabutin pa kaya ako ng edad 80 or 90 na siyang target age ko o hangga’t maarri ay kahit na 100 years pa kung ako ay mananatilig malakas at hindi alagain ng aking mga anak. Ayaw ko naman kasing pahirapan pa sila kung hindi na nga ako makatayo sa aking higaan at wala ng silbi.
  3. Sa palagay mo Maestro hanggang anong edad ang itatagal ng buhay ko?

Kasagutan:

  1. Iyan ang walang kuwenta sa buhay ng mga mayayaman, kapag umaedad na sila ng 50 and above or 60’s at wala naman silang gaanong responasablidad na sa buhay. What I mean ay napagtapos na nila ng pag-aaral ang mga anak, at may sari-sarili ng pamilya, ang mga bata e para bang nawawala na sila ng gana o silbi sa buhay.
  2. Ang totoo ang kawalang gana at kawalang sibling ito ay unconsciously o di nila namamalayan, kaya nga dahil feeling ng inner self nila ay successful na sila at na-attain na nila ang lahat, unti-unti na ngayong hihina ang kanilang kalusugan.
  3. Tulad ng naipaliwanag na, unconsciously o hindi namamalayan ang lahat ng prosesong ito ng may katawan, dahil consciously sino ba namang tao ang gugustuhing manghina siya at mawala na ng silbi sa buhay?
  4. Ikumpara mo namang ngayon ang buhay ng mga naghihirap silang umabot ng edad 60 pataas, pero malakas pa sa kalabaw at kahit anong sakit ang dumapo ay parang hindi iniinda ng kanilang katawan.
  5. Unconsciously o hindi nila namamalaya, humaba ang buhay nila dahil ang dami-dami pang responsablidad ng pamilya na dapat niyang tugunan. Handiyang si Lola Loreta na nagaalaga pa ng mga apo, nangyari simula ng pumisan sa kanilang lumang bahay ang baganmundo at wala nilang sibling anak. Dahil nagkaroon ng bagong alagain o responsabiliad si lola, obligado ngayong pahabain nila ang kanilang buhay, unconsciously o hindi nga nila namamalayan.
  6. Minsan naman humahaba ang buhay ni lolo Damian, na mahirap na angkan, kasi may mga anak pa siyang dalaga at binata na patuloy na umaasa sa kanya. Sa isip-isip ng matatanda, paano kaya ang tamad o walang pamilya na anak ko na ito kapag ako ay nawala, sino kaya ang mag-aasikaso sa kanya?
  7. Dahil sa mga natitirang responsablidad na ito o mga tungkulin sa pamilya ng lolo at lola na naghihirap ang pamilya, unconsciously obligado silang pahabain ang kanilang buhay.
  8. Kaya nga minsan parang tamang si Jesus ng kanyang sabihing “higit na mapalad ang mga mahihirap kung ikukumpara sa mayayaman!” E kasi nga ang mga mayayaman kapag wala ng magawa, obligadong sila ay manghina at magkasakit, samantalang ito ngang mahihirap dahil sa sobrang dami ng dapat pang tapusin at ipaglingkod sa kanyang pamilya, uugod-ugod na si lolo o si lola, nagta-trabaho pa.
  9. Samantala, Mrs. Capricorn nakatutuwa namang makitag na humaba pa naman ang Life Line (Drawing A. at B. L-L arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ibig sabihin (arrow a.), mararating mo pa ang ideal age na 85 to 90, kung ngayon palang ay magiisip ka na ng mapaglilibangan, tulad ng maliit na negosyo o kaya naman’y isang public service or civic organization project na may layuning tumulong sa mga taong mahihirap, kung anoman ang sector ng lipunan na nais mong tulungan. Sa ganyang paraan nagkaroon ka uli ng responsablidad sa iyong buhay, pupuwede ding mag-lingkod ka sa inyong simbahan o kung anomang relhiyon ang iyong kinaaniban, o kaya naman’y ampunin o ikaw na ang mag-pa-aral at mag-alaga sa iyong apo, duon naman sa parting iyon, tulad ng naipaliwanag na, may nagagawa pa ang unconscious na sarili o may silbi ka pa sa mundo, tuloy-tuloy hahaba pa ang buhay mo, hanggang abutin mo ang edad 85 hanggang 90 plus.

Mga Dapat Gawin:

  1. Ngayon palang ay bumili na ako ng magara at magandang tungkod, ayaw ko kasing matulad sa Tatang Sucing ko na hindi pinahandaan ang kanyang pagtanda, kaya ang nagsilbing tungkod niya nuong halos iika-ika nasiyang lumakad dahil sa sobrang katandaan ay isang patpat na kawayan.
  2. Iyong mga personal kong gamit at agimat, tulad ng Biblia Mystika, baol na minana ko pa sa aking mga kanununuan, bolang kristal, mga lumang-lumang aklat, at iba pang mga gamit na mahihiwaga ay nilagyan ko na ng pangalan kung kanino ko ipamamana sa aking pagpanaw, upang kung dumating na wala na ako maiwasang magaway-away si King, Jacob at Regine sa mga naiwang munting kayamanan ng kanilang ama.
  3. Inaayos ko na rin ang aking “multi-million for-old-age insurance” para pagtanda o ay hindi na ako hihingi-hingi sa aking mga anak ng pera na ang nangyayari ay mukha kang kaawa-awa na umaasa ka na lang sa iabot ng iyong mga anak na nagkataong madadamot pala ang iyong naging mga manugang.
  4. Habang ayon sa iyong mga datos Mrs. Capricorn, bagamat hahaba pa ang iyong buhay dapat isa alang-alang mo rin na ngayon palang at paghandaan mo na rin at iplano ang iyong pagtanda kasabay nito mag-isip ka ng mga gawaing magkakaroon ka ng panibagong responsablidad sa iyong pamilya, sa iyong sarili o sa kumunidad na iyong ginagalawan, upang habang nagkaka-edad ka, humaba pa ng humaba pa ang iyong buhay, nangyari dahil unconsciously at consciously batid mong kailangan ka pa ng inyong lipunang ginagalawan, kaya hindi ka pa dapat pumanaw.

--------30-------------