Saturday, June 13, 2009

TRUE LOVE WAITS


Makapaghihintay kaya ang pag-ibig o higit na iiral ang libog sa katawan?


Sa pagkakataong ito pinayuhan at inanalisa ni Maestro Honorio Ong kapalaran ng magkasintahang 16 years old at 18 years old na kabataan na kasalukuyang nagugumon sa love making...tunghayan natin ang pag-aanalisa ng kapalaran ni Maestro Honorio Ong sa pamamagitan ng guhit ng palad.



Palad – June 15, 2009

Katanungan:

  1. Nuong ko pa sa inyo gustong sumulat kaya lang nahihiya po ako. Pero kailangan na kasi kaya naglakas loob na po ako. Sixteen years old lang po ako habang eighteen years old naman ang boyfriend ko.
  2. Sa ngayon po ay madalas na kaming magtalik, halos isang beses isang linggo. Nag-love making po kami sa mga sumusunod na petsa nitong buwan ng May 5, 11, 19, at 27. Nagtataka po ako kung bakit hindi ako dinatnan nitong last week o May, na supposed to be tuwing last week of the months or first week of the months ako nagkakaroon, pero nitong last week o May, until second week na po ng June ay di parin ako nagkakaroon. Ibig sabihin po ba nito ay buntis ako?
  3. Paano ko po ba malalaman kung ako ay buntis, kasi po ang boyfriend ko sa tuwing magla-love making kami ay palaging sa loob ko nagpapa-putok?
  4. Pakitingnan na din po sa guhit ng aking palad kong ang kasalukuyan ko nap o bang boyfriend ang aking makakatuluyan.
  5. Salamat po! Pakitago na lang ang email add ko at Ms. Tweety Bird ng Quezon City na lang po ang gamitin nyong pangalan at address ko.

Kasagutan:

  1. Dyos ko Dhay! Napaka-bata mo pa para abalahin ang iyong isip at sarili sa madalas na pakikipag-sex sa iyong boyfriend.
  2. Sa edad mong 16 years old palang ay 18 years old naman ang boyfriend mo, pihado kong kapwa pa kayo nag-aaral.
  3. Kaya ang dapat nyong gawin pag-aaral muna ang asikasuhin nyo, bago ang walang patumanggang love making.
  4. Sa tinatanong mong paano mo ba malalaman kung ikaw ay buntis o hindi? More or less 150 pesos lang ang katapat nyan, depende sa brand na bibiling mong pregnancy test (PT) sa botika. At napakadali lang ding gamitin. Nakabalot ito sa isang paketeng plastic na may kit sa loob. Dalawang patak lang ng iyong ihi, sa indicator, malalaman mo na kung negative or positive ka. Sa sandaling napatakan mo na ng ihi mo ang indicator, kapag dalawang guhit na pula ang nagmarka, “patay ka” - positive ka. Ibig sabihin, buntis ka. Kapag isang guhit na pula ang nagmarka, suwerte mo, negative ito na nangangahulugang hindi ka buntis.
  5. Kung ikakatuwiran mo namang paano ka makakabili nito sa botika, gayong 16 years old ka lang, siyempre nakakahiya, dahil sasabihin ng sales lady, “naku kay bata-bata pa nito bumibili na ng PT?”
  6. Isa lang ang masasabi ko sa iyo bruha ka, hindi ka nahihiyang makipagtalik linggo-linggo sa boyfriend mo pagkatapos ay mahihiya kang bumili ng pregnancy test?
  7. Samantala, buti na lang at iisa lang ang malinaw at makapal na Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ito ay malinaw na tanda na anoman ang mangyari sa kasalukuyan, mabuntis ka man o hindi dahil sa ginagawa nyong palihim na pagtatalik ng iyong boyfriend, magpasalamat kaparin kay Lord dahil kayo na nga ang itinakdang magkakatuluyan, kung saan ang nasabing samahan ay may pangako parin ng isang maligaya at pang habang buhay na relasyon.

Mga Dapat Gawin:

  1. Sa mura at bata pang edad ng mga kabataan, tunay ngang hindi pa dapat sirain ang sarili sa walang patumanggang pagse-sex, dahil anomang oras, maaari kayong mabuntis, at kapag nabuntis, hahantong sa hindi pinaghandaang pag-aasawa. At alam naman nating lahat na kapag hindi pinaghadaan ang isang bagay, lagi itong nauuwi sa sakripisyo, mahirap na karanasan at kabiguan.
  2. Kaya nga kung magagawa nyo lang ng boyfriend mo Ms.Tweety Bird, mula ngayon, iwasan o lubayan nyo na ang pagse-sex. Sa ganyang paraan, paraan matutuwa ang inyong mga magulang, maiiwasang mabuntis ka agad at bigla kang mahinto sa pag-aaral hanggang sa tuluyang hindi mo na matapos ang iyong kurso.
  3. Dagdag dito, kung iiwasan nyo na ang pagse-sex, maiiwasan ding dumating ang puntong sa gulang mong 16 years old ay nabuntis ka agad, na magiging dahilan upang palayasin at murahin ka ng iyong mga magulang dahil sa ginawa mong kalanturan.
  4. Habang ayon sa iyong mga datos, kahit na positibo o negatibo ang gagawin mong pagpe-pregnancy test, ang kasalukuyan mo na ngang boyfriend ang iyong makakatuluyan, paulit-ulit lang ang ating paalaala, iwasan nyo parin ang walang patumanggang pagtatalik, sapagkat sabi nga ng Simbahan, “true love waits!”

-------30--------

9 comments:

  1. dear maestro,
    ang kaibigan ko pong si Lourdes Q.Alejandro Dollente ay ipinanganak Nov.25,1978 nais po nyang malaman kung ano ang magiging kaugnayan nya kay Benjie Hayag na ipinanganak noong Dec.09,1978.Nais din po nyang malaman kung makakapagabroad daw po uli sya at kailan po ito?
    salamat po sana po ay matulungan nyo po ang aking kaibigan.

    ReplyDelete
  2. Dear maestro Honorio Ong,
    ako po si alma orquita federico ipinanganak noong may 21,1978,nais ko pong malaman kung suwerte po ba ako sa pagnenegosyo?at sa love life ko po nais ko pong malaman kung kelan ko po makikilala c mr.right?makakapag asawa po ba ako?
    salamat po...

    ReplyDelete
  3. dear mr.ong ako po ay isang OFW...ipinanganak po ako sa taong marso 18,1988...gusto ko pong malaman kung magkatuluyan po ba kami sa karelasyon ko ngayon na arabo....

    ReplyDelete
  4. January 10, 1983 po ang birthday ko at may ka chat po ako taga canada pakakasalan daw po niya ako dito sa abu dhabi.seryoso po ba talaga siya at mahal niya po ba kaya ako? Birth day niya po july 23, 1977.maging maganda po ba kaya ang buhay namin ng dalawa kong anak sa kanya at ituturing po ba kaya niya na parang tunay niyang anak ang mga anak ko?

    ReplyDelete
  5. Dear mr.ong makakapag-asawa pa ba kaya ako ? birth-day ko po january 10, 1983.taga saan po bang bansa ang magiging kapalaran ko at anong taon at buwan po ba ako makakapag-asawa? Andito po ako sa United arab emerates makakapunta po ba kaya ako sa canada or united state? May ka chat po ako taga canada leo po siya bagay po ba kaya siya skin at maging maganda po ba kaya buhay ko sa kaniya?

    ReplyDelete
  6. Maestro aq po si gemma ipinanganak ng 10,10,1978

    ReplyDelete
    Replies
    1. Naguguluhan po aq sa kalive in q kasi po lagi m lang po sya galit.at pag hindi mo lang sya mareply sa txt nya qng ano ano n sinasabi nya tulad ng maghanap k na ng iba.at qng ano ano pa na mkkasakit sa loob q.mahal q po sya kaso parang wala p sya tiwala sa akin...ipinamgak po sya ng june 21,1975...at aq po 10,10,1978

      Delete