Saturday, January 3, 2009

ANG ALON NG BUHAY PATUNGO SA MAGANDANG KAPALARAN

ANG ALON NG BUHAY PATUNGO SA MAGANDANG KAPALARAN



“There is a tide in the affairs of men,

Which, taken at the flood, lead on to fortune;

Omitted, all the voyage of their life

Is bound in shallows and in miseries”

--- Julius Caesar, Act IV, Scene 3


Sa pagkakataong ito tinalakay ni Maestro Honorio Ong kung paanong ang pangit na karanasan tulad din ng "agos ng buhay" ay humahantong din "sa dalampasigan ng tagumpay."


Palad – Jan 6

Katanungan:

  1. Ayaw ko naman sumama sa tita ko para lumuwas ng Maynila at mamasukan sa kanila bilang kasambahay. Pareho po kasi silang nagta-trabaho ng mister nya, pero napilit nila ako sa pangakong pag-aaral daw po ako sa college.
  2. Ang kaso magdadalawang taon na po akong naninilibihan sa kanila at sa tuwing darating ang pasukan puro pangako na lang, hindi naman tinutupad na pag-aaralin ako.
  3. Sa ngayon balak ko na pong bumalik sa probinsiya, kasi hindi ako masaya dito at lagi pa akong pinagsusungitan ng tita ko kasi buntis siya, habang ang tito ko naman ay nawalan ng trabaho at nararamdaman ko pong nagkakagusto siya sa akin at pinagnanasaan niya ako, madals ko kasing mahuling bonobosohan nya ako. Kaya sa ngayon, kinakabahan akong lagi kapag kaming dalawa lang ang naiiwan sa bahay.
  4. Tama po ba ang gagawin kong desisyon na umuwi na lang sa aming probinsiya at wag ko ng asahan pa na pag-aaralin nila ako.
  5. May isa pa akong plano pero natatakot akong ipatupad ito, kung mamasukan na lang kaya ako sa ibang pamilya, o kaya’y mamasukan ako bilang sale lady magiging maayos kaya ang kalagayan ko at makapag-aaral kaya ako sa gabi pagkatapos ng work ko.
  6. Itatanong ko na rin po kung nakaguhit ba sa aking palad na ako ay makakatapos ng pag-aaral?

Kasagutan:

  1. Sinasabing higit na malakas ang “intuition” ng mga babae o sagap ng kanilang “pandama” kung ikukumpara sa mga lalaki, kaya kung kinakabahan ka sa tito mo sa panahong kayong dalawa lang ang madalas na naiiwan sa bahay, tama ang binabalak mo, sabihin mo sa iyong tita na gusto mo ng umuwi sa inyong probinsiya.
  2. Mas makabubuting magpahinga ka duon ng isa o dalawang buwan, pagkatapos, wag mo na lang ipapaalam sa kanila, pumasok ka sa ibang trabaho sa Maynila higit lalo kung may alam o koneksyon ka na. Tunay ngang ng huminto ang Fate Line na tinatawag din nating Career Line (Drawing A. at B. F-F arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad, bahagya lang itong tumigil, dahil matapos na huminto agad din itong nagpatuloy (F-F arrow b.) hanggang sa tuluyang makasampa sa Mount of Saturn na tinatawag din nating Bundok ng Tagumpay (arrow c.). Tanda na nakatakda na nga sa iyo ang magpahinga muna, at pagkatapos ng nasabing pamamahinga, parang isang buwelo lamang, pagbabalik mo sa Maynila muli kang magkakaroon ng trabaho, at dahil nag-doble at naging dalawa ang dating iisa lang na Fate Line (F-F arrow d.) ang posibleng mangyari, habang nagta-trabaho ka, makapagwo-working student ka pa, hanggang sa tuloy-tuloy na matapos ang kurso inaambisyon mo, bilang isang guro na kinumpirma at pinatunayan din ng malinaw at mahabang Effort Line (Drawing A. at B. E-E arrow e.) na agad sumampa at nakatuntong sa Mount of Jupiter na tinatawag din nating Bundok ng Katuparan (arrow e.). Ibig sabihin, kaunting diskarte lamang at dagdag na lakas ng loob, sa malapit na hinaharap, sa iyong matindi at masigasig na pagsisikap na kinumpirma ng zodiac sign mong Capricorn, walang kaduda-duda makakamit mo rin ang tagumpay na makatapos ng pag-aaral, hanggang sa tuloy-tuloy na maging isang lesensiyado at propesyunal na guro.

Mga Dapat Gawin:

  1. “There is a tide in the affairs of men,

Which, taken at the flood, lead on to fortune;

Omitted, all the voyage of their life

Is bound in shallows and in miseries”

--- Julius Caesar, Act IV, Scene 3

  1. Iyan tula na iyan, na sinulat ni William Shakespeare, ang pinaka-popular sipiing quotation ng mga libro sa fortune telling, na minsan ding sinipi ng dakilang Palmist na Cheiro sa kanyang aklat na Language of the Hand.

  1. May dalawang pinatutungkulan ang pahayag na iyan ni Shakespeare, Una, “May mga masasalimuot na relasyong nagaganap sa buhay ng tao, na kahit na immoral kung minsan ay nararating parin nito ang mangandang kapalaran. Tanggalin mo ang mga kahibangang ito, ang buhay ng tao ay lalamunin ng kalungkutan!”

  1. Ang isa pang paliwanag sa nasabing quotation na mas simple, “iyong mga pangit na kapalaran mo sa ngayon, kusa ka nyang aanurin patungo sa isang maaliwalas at suwerteng kinabukasan!”

  1. Natutulad sa ganyang pangyayari ang nakatakda sa iyong kapalaran Ms. Capricorn, ayon sa iyong mga datos ang pang-aapi sa iyo ngayon ng iyong tita at pangmomolestiya sa iyo ng iyong tito ay siya pang magiging daan, upang sa kinabukasan, na magsisimula na sa taon ding ito ng 2009, sa buwan ng Abril magkakaroon ka ng ibang trabaho na magiging daan upang mararating mo ang mas maganda at maunlad pang karanasan patungo sa katuparan ng iyong mga pangarap sa buhay.

  1. Magaganap sa taong 2015, sa edad mong 24 pataas, habang nagwo-working student maluwalhati kang makakatapos sa college bilang isang teacher, makakapasa sa board exam, hanggang sa maging isang mahusay at matumpay na guro.

---------30--------



5 comments:

  1. Maestro paki lathala nmn po ang email ko s inyo...gusto ko po mlman ang kasagutan .. Maraming Salamat po!

    ReplyDelete
  2. Maestro pwede po bang yung sa akin naman po yung talakayin nyo gusto ko pong malaman yung kapalaran ko,
    course na bagay sakin, kung sino po yung mga taong magbibigay sakin ng suwerte pag kasama ko,at iba pa po.
    December 31,1991 po ang birthday ko
    nais ko pong tulungan nyo ako dahil wala pa po akong nababasa sa bulgar tungkol sa mga taong kaparehas ko ng birthday at destiny number.... salamat po
    Aasahan ko po ang inyong sagot

    Rhenz36
    of Valenzuela city

    ReplyDelete
  3. Dear Maestro,

    Avid reader nyo po ako sa pahayagang bulgar. Nagtetext po ako at nag aabang sa bulgar pero mukahang di ko pa po nabasa dun ang tnxt ko at talagang inaabangan ko po dun ang inyong kasagutan pero hindi ko pa nababasa. Kaya nagbakasakali na naman ako d2 sa internet. In fact kahit papano may natutunan po ako mula sa iyong mga sagot sa mga ibat-ibang letter sender. Gaya nang sa akin na june 17, 1970 ang bday. Taong otso po ako di po ba at sabi moy dadaan muna ako sa matinding pagsubok bago magtagumpay. kuatro din ang destiny number ko at kulay dilaw ang secondary color ko samantalang kulay berde naman kung bdate ko ang pagbabasihan. Maestro, sa kasalukuyan may sari2x store at maliit na net cafe ako d2 sa QC, tama po ba o angkop po ba ito sa akin althoug gisto kong magbigasan kc sabi mo maswerte po ako sa butil? Tama po ba?

    Natatakot po kc akong mabakante sa work if ever kc sa ngaun po humina talaga ang cmpany namin. Maestro, gusto ko pong ianalisa mismo ang aking kaarawan at ano pa po ang maidagdag mo sa aking natutunan sa mag naging sagot mo sa ibang mga letter sender sa bulgar. Plz maestro aanbangan ko po ang iyong kasagutan. Pwede po bang sa email add ko po nyo ipapadala ang iyong kasagutan?

    Salamat po at nawa’y pagpalain po kayo sa ating Maykapal.

    Lubos sa gumagalang,
    Gemeni 1970

    ReplyDelete
  4. Dear MHO,
    alfielora@ymail.com po pala ang email add ko.

    thank you po.
    Gemeni 1970

    ReplyDelete
  5. ay nako wg kana umasa dami kx ng eemeil e

    ReplyDelete