Saturday, July 26, 2008

FORMULA UPANG LUMIGAYA



ISINILANG BA ANG TAO UPANG MABIGO, LUMUHA AT MAG-ISA?


Ang tanong na ito ang tinalakay ni Maestro Honorio Ong sa kanyang artikulong Kapalaran Ayon sa Inyong Palad.

Ayon kay Maestro, hindi isinilang ang tao upang malungkot at lumuha sa larangan ng pag-ibig, pakikipag-relasyon at pagaaasawa, bagkus, isinilang ang tao upang lumigaya.

Palad – July 3

Katanungan:

  1. Wala na po akong mapaglibangan sa ngayon sa buhay ko kundi pagkikipag-text at minsan ay pagi-internet. Nagkahiwalay na po kasi kami ng asawa ko pero aaminin kong hanggang ngayon ay mahal na mahal ko parin siya. Kaya lang ano pa ang magagawa ko simula ng nag-abroad siya, umuwi lang siya ng isang beses pagtapos non ay nawala na hanggang sa mabalitaan kong nasa iba na pala siyang kandungan.
  2. Nuong una, masakit at parang hindi ko matanggap at parang gusto ko siyang ipaglaban at habulin sa babaing sinamahan nya, pero ng bandang huli, natama din ako ng desisyon, bakit ko pa guguluhin ang buhay ng isang tao kung hindi nya na ako mahal, kahit sabihin pang asawa ko siya.
  3. Nasa akin naman ang aming tatlong anak at masasabi kong sila na lang ang nagiging inspirasyon ko upang magpatuloy, magtrabaho at mabuhay.
  4. May trabaho naman po ako sa ngayon at may mataas na posisyon sa isang company kaya pa-easy-easy lang ako, at laging walang ginagawa na siya namang pinagpapasalamat ko kay Lord, binigyan ako ng isang maganda at matatag na trabaho upang mabuhay kong mag-isa ang aking mga anak at minsan ay pinapadalan pa sila ng mga kapatid ko na tilungan ko naman na makapag-abroad dati, kaya dapat lang ding tulungan naman nila ako para naman sa kanilang mga pamangkin.
  5. Kung bagay, isa na lang talaga ang problema ko, kung paano titiisin ang grabeng kalungkutan kapag sumasagi sa isip ko ang labis na pagngungulila.
  6. Sa edad kong 33 years old Maestro aaminin ko na nga sa iyo na gusto ko pa sana uling mag-asawa, pero nagtatalo naman ang isip ko baka makakuha na naman ako ng lalaking lolokohin lang ako higit lalo kung iisiping hindi na ako dalaga at may tatlong anak pa.
  7. Naisip ko ikaw lang ang makakatulong sa akin upang malaman ko kung ano ba talaga ang aking magiging kapalaran. Makapag-aasawa pa ba akong muli o habang buhay na ba akong mag-iisa na magtataguyod ng aking mga anak, kung ganon ang mangyayari kahit na malungkot titiisin ko na lang kung sadyang ito ang itinakda sa akin ng kapalaran?

Kasagutan:

  1. Nuong ko pa sinasabing hindi kalungkutan ang itinakda sa tao kaya siya isinilang o ipinanganak sa mundong ito, dahil kung ganon ang mangyayari, lalabas namang walang kakuwenta-kuwenta ang sa kanya ay lumikha.
  2. Isipin mong mabuti, kung ikaw ang lumikha, gagawa ka ng mga tautauhan, ipapatong mo sa mesa at gagawin mong laruan, pagkatapos, hahayaan mo bang ang mga tauhan mong ginawa ay umiiyak at lumuluha?
  3. Siyempre hindi! Bagkus ang gusto mo, tulad mo rin sila ay maging masaya, habang sila ay pinaiiral, binubuhay at binibigyan mo ng karansan, sa lamesa ng buhay na ikaw din ang may gawa.
  4. Pero ang napaka-kritikal na tanong ay bakit nga ba mas maraming tao ang naluluingkot, ang naghihirap, ang nagdurusa, ang walang masayang buhay at walang masayang pamilya, kung ikukumpara sa mga taong biniyayaan ng mga materyal na bagay at kaligayahan ng pagkakaroon ng isang masaya at pang habang buhay na pamilya?
  5. E kasi ang totoo n'yan, ang tao din ang gumagawa ng kanyang kapalaran kapag pinag-uusapan na ang kalungkutan. Tulad mo Ms. A. bakit ayaw mong imibig muli at magmahal, gayong iyon pala ang hinahanap ng malalim na humbak sa iyong puso at isipan?
  6. Alam ko naman ang sagot at sinabi mo na, "natatakot ka!" Natatakot kang muling mabigo at lumuha. At dahil sa takot na iyan, ano ngayon ang nangyayari saiyo, hindi ba't kulang na lang na lumuha kang muli at humagogol sa iyong silid kapag ikaw ay nagiisa dahil sa sobrang kalungkutang nadarama.
  7. Kaya nga gising! Buksan mong muli ang iyong puso, umibig kang muli at magmamahal sa ganyang paraan lamang, nawala na ang takot at napalitan ng sigasig at ligaya na muling magmahal tiyak ang magaganap – makakasumpong karin ng karapatdapat na lalaking sa iyo ay sadyang inilaan, na siya rin namang sinasabi ng ikalawa at mas malinaw na Marriage Line (Drawing A. at B. 2-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong puso. Tanda na ang dating kabiguan sa pag-aasawa ay hindi na muling mauulit pa, upang minsan pa ay muli na namang mapatunayan ang tunay at talagang konsepto ng buhay sa mundong ito – ang mag-mahal at pagkatapos ay ang lumigaya.

Mga Dapat Gawin:

  1. Iyon ang nakaka-asar na karanasan ng tao sa mundong ito lalo na ng mga babae na basta-basta na lang nai-in love sa maling nilalang. Imbis na ang mangyari ay magmahal at lumigaya, ang nagiging ending ay baliktad: "ang mag-mahal at pagkatapos ay habang buhay na lumuha at mangulila!"
  2. Habang ayon sa iyong mga datos Ms. A. hindi ka nilikha para malungkot, para mangulila, parang manghinayang sa mga nagdaang kabiguan at pagkakamali, bagkus nilikha ka upang limigaya. Gawin mo na ngayon, muli kang mag-mahal at umibig upang pagsapit ng taong 2010, sa buwan din ng Disyembre habang lumalamig ang panahon, kasabay nito muling mabubuo ang isang bago at mas masayang pamilya

-------30---------

(ANG ARTIKULONG ITO AY LUMABAS AT NAPABLISHED SA PAHAYAGANG BULGAR NUONG JULY 3, 2008).

No comments:

Post a Comment