Thursday, May 22, 2008

MGA SUWERTENG BAGAY SA ISANG ARIES


aries clip art

The Sun is in this sign from
March 21 to April 21


ANG KAPALARAN NG ISANG ARIES

Ang artikulong ito ay pinablished sa pahayagang BULGAR nuong May 25 or 26, 2008, dipende sa ipinapadalang "advances" ni Maestro Honorio Ong.

Tungkayan natin ngayon, kung paano niyang tinalakay ang mga ka-compatible at suwerteng bagay na pang-display sa mga"taong Aries".

***


Itext – May 26, 2008

Dear Mho,

April 11, 1991 ang birthday ko. Sino-sino po ba ang mga ka-compatible ko? Code name: Aries ng 9205277457

SAGOT:

Ka-compatible ng zodiac sign mong Aries ang isang Leo, Sagittarius, Libra at kapwa mo Aries, lalo na silang isinilang sa petsang 7, 16, 25, 2, 11, 20, 29, 7, 16, 25, 5, 14, 23, 9, 18 at 27.

****

Dear Mho,

April 18, 1987 ang birthday ko. Paano po kaya ako susuwertehin? Code name: Aries ng 9294421660

SAGOT:

Para suqwertehin ang isang Aries kailangang may naka-display kang teddy bear o kaya’y kulay asul o kaya’y kulay pulang stuff toys sa loob ng inyong bahay, kuwarto o sala. Ang mga laruan kasing kagaya niya ang unconsciously na nagpapasulok ng dugo ng mga Aries upang sila ay maging masigla at maging on the go sa kanilang buhay. Kung bagay, hindi nila alam sa tuwing nakikita nila ang nasabing mga stuff toys, nagiging buo ang araw nila at masayang-masaya sila.

Kaya nga ang kadalasang ang nangyayari kung sinoman ang lalaking mag-regalo ng stuff toys sa isang babaing Aries, unconsciously, sinasadaya o hindi man sinasadya, iyon ang posibleng sagutin o magustuhan ng isang babaing Aries hanggang kapag sinusuwerte-suwerte ay iyon narin ang mapangasawa niya.

Kaya nga ang kadalasang nama-magnet o napapangasawa ng isang Aries halimbawa ay babae, ay iyong ang mukha ng lalaki ay “kumekero” o medyo nakakatawa, maaaring din namang napaka-taba, na parang kumedyante sa pelikula, o kaya naman’y bilugan ang tiyan, At sa totoo lang iyon din ang kanilang suwerteng kasama basta’t pormang “three stogies” ang dating o kaya’y “tatlong itlog.”.

Kung lalaki naman ang isang Aries ang suwerte nyang pang-display ang may kaugnayan sa mga baril, tangke, sunda-sundaluhan, puwede din iyong mga laruang super heroes, tulad ni Batman, Superman, Spider Man at iba pang kauri nito. Kaya nga kapag nagtatampo ang isang lalaking Aries sa kanyang asawa, regaluhan mo lang siya ng nasabing laruan, siguradong magkakasundo kayong muli. Kasi nga unconsciously ang mga bagay na iyon ang kumikiliti sa kaluluwa ng mga lalaking Aries, upang sila ay muling sumigla, maging on the go at maging masigasig at maging maligaya uli sa kanilang buhay.

Kung bagay ang mga stuff toys na laruan tulad ng teddy bear ang bumubuhay ng espirito ng babaing Aries, habang sunda-sundaluhan naman at mga super heroes ang bumubuhay ng espirito ng mga lalaking Aries. At dahil iyon ang bumubuhay ng kanilang natutulog na enerhiya kapag namamasdan nila iyong lalakay ang sinag ng kanilang AURA na siya namang sasakap ng marami pang mas magaganda at positibong kapalaran.

Bukod nga pala sa mga laruan nakapag-papasigla din sa buhay ng mga Aries ang pag-alalaga ng mga hayop, tulad ng mga ibon, kagaya ng mga kalapati at love birds at iba pang kauri nito.

Kaya nga ang buod ng tinurang pag-aanalisa sa itaas, “magpunta ka sa bahay ng isang Aries at nakakita ka ng alagang love birds ibig sabihin nuon, sa panahong iyon naka-peak at masigla ang kanyang kapalaran.”

Puwede din namang “magpunta ka sa silid ng isang babaing Aries at nakakita ka ng mga teddy bears o stuff toys na nakadisplay sa kanyang silid pero ang gulo-gulo at di naman niya laging inaayos, ibig sabihin nuon, magulo ang mundo ng babaing Aries na nabanggit sa kasalukuyan. Subalit kung ayos na ayos at magandang-maganda ang pagkaka-display ng mga stuff toys at teddy bears sa silid ng babaing Aries, ibig sabihin lang nito nasa peak ang kanyang kapalaran ng mga panahong iyon.

Habang ayon sa Decadens ng Kapalaran kapag sinusunod mo ang simpleng pagdidisplay ng nasabing mga suwerteng bagay sa mga Aries tiyak ang magaganap sa taong 2013 magsisimula ng umunlad, hindi lang uunlad kundi magsisimula ng umunlad at mas magiging maligaya at pang-araw-araw mong karanasan.

****

Dear Mho,

May 11, 1978 ang birthday ko. Kailan kaya ako magkaka-trabaho ng regular? Code name: Taurus ng 9273874688

SAGOT:

Ayon sa iyong Career Calendar sa taong 2009 hanggang 2012 magkakatrabaho ka na ng regular.

****

Dear Mho,

November 28, 1976 at January 6, 1976 ang birthday namin.Kailan po kaya kami magkaka-anak? Code name: Sagittarius ng 9195992050

SAGOT:

Ayon sa inyong Children Calendar sa taong 2009 hanggang 2010 magkaka-baby na kayo!

-------30--------


BASAHIN SI MAESTRO HONORIO ONG ARAW-ARAW SA KANYANG MGA ARTIKULONG KAPALARAN AYON SA INYONG PALAD, KAPALARAN AYON SA INYONG NUMERO at ITEXT MO KAY MHO, sa PAHAYAGANG BULGAR.

17 comments:

  1. hello ako po ay isang aries na babae tanung ko lang kung makapagtapus ba ako ng pag-aaral at magkarun ba ko ng trabaho at maging maunlad ba buhay ko..? at pati na sa health ko kung ok ba ako sa panahon ko

    ReplyDelete
  2. hi! im aries12.. ask ko lang po kung kelan kaya kami magkakababy ng asawa ko saka masuwerte po ba ang taong 2010 sa amin march18 po sya...

    ReplyDelete
  3. psycho_ms.wemi@yahoo.comDecember 31, 2009 at 5:22 PM

    hi im aries,,tatanong ko lng po kung anu ang maswerte bilang arians,yr of the snake,,,,,,april 15 po ang bday ko.mswerte po ba ako ngayong taon?compatible po ba ang yr of the tiger at yr of the snake?

    ReplyDelete
  4. dear mho;
    hi ako po ay isang babae aries....april 19 ang b-day ko....mswerte po ba ako ngayon taon??compatible po ba yung sagitaurus at leo???

    ReplyDelete
  5. hello po! compatible ba ang aries at pisces?

    ReplyDelete
  6. hello ako po ay isang babaeng aries ang bday ko po ay april 13 1998 yayaman po ba ako?

    ReplyDelete
  7. hellow po ako po ay isang babaing aries anuh poe bah magiging kapalaran q sa darating pag araw at anu po ang magiging buhay q??

    ReplyDelete
  8. aries po horoscope ko,,,girl pa ako na married sa isang koreano,,now dto ako sa korea.praying na sana mabuntis na ako,,kelan po kya ako mabuntis?please help me,,

    ReplyDelete
  9. isa po akong virgo at year of the rat,makapasa po b aq sa board exam for Teachers.,kung hindi po.,ano po b ang kapalaran ang nghihintay sa akin.,hanggang ngayon di pa rin po ako nagkakaroon ng trabaho ako po ay ipinanganak noong september 14, 1984.,pki tulungan nmn po ako,gusto q rin po malaman ang masuwerteng kulay at araw pra sa akin.........

    ReplyDelete
  10. ang asawa q po ay ipinanganak noong november 30, 1980,ano po ba ang mgandang negosyo itatayo niya at ano po ang masuwerteng araw at kulay niya salamat po

    ReplyDelete
  11. Paano po ba sususwertihin sa buhay ang isang year of the rat at isng virgong katulad q

    ReplyDelete
  12. Dear: Mho
    paano po ako? April 17, 1994

    ReplyDelete
  13. dear mho,march 22,1987 po ako..aries kilan po kaya ako makapagasawa single po ako ngaun 2 taon ako single..tama po kayo mahilig ako teddybear binigay bf ko dati hiwalay pa din kami

    ReplyDelete
  14. ako po pwede po ba akong swertehen ngaun 2013 ang birthday ko ay april 12 1994

    ReplyDelete
  15. Dear MHO,ano po ang swerteng negosyo para sa kin March 1,1968 po ako pnanganak.Salamat po

    ReplyDelete
  16. dear mho..ipinanganak po ako ng april 8.1969 may pag asa po bang maging maginhawa ang pamilya ko.salamat po


    ReplyDelete
  17. dear mho..january 30 1970 po ang aking kapanganakan makakamit ko po kaya ang mga pangarap ko para sa pamilya ko..so swertihin po ba kaya ako sa pag tatrabaho.. maraming salamat po..

    ReplyDelete