Saturday, July 26, 2008

HANDA NA BANG MAKIPAGTALIK?


SEX ang hangad o pangunahing motibasyon ng bawat indibidual ayon kay Sigmund Freud. Maaaring tama si Freud, sa panahon ngayon ito rin ang usong-usong hanap ng mga kabataan - ang makipag-talik!



Ngunit dapat ba itong gawin at paano kung magbunga ang gagawing pakikipagtalik sa iyong boyfriend?

Sa pagkakataong ito sa kanyang artikulong Kapalaran Ayon sa Inyong Numero malinaw na pinaliwanag ni Maestro Honorio Ong, ang pratikal na dahilan kung bakit hindi dapat makipag-sex ang mga inosenteng teenagers.


****

ANG IKA-11 UTOS: “WAG KANG MAGPAPA-BUNTIS!”

MAINIT na pinag-uusapan at pinagdedebatehan sa ngayon ng Simbahan Katoliko at ng mga Mababatas ang hinggil sa batas na nagsa-sa-legal ng abortion at iba pang contraceptives.

Sa pagkakataong ito, lumundag pabalik ang topic ni Maestro Honorio Ong sa nasabing isyu. Kung saan, tama lang na bago pag-debatehin ang “contraceptives at abortion” ang dapat munang ipalianag sa mga kabataan ay kung “paano maiiwasan ang pagbu-buntis, habang nage-enjoy sa premarital sex.”

Tunghayan natin ang tugon ni Maestro Honorio Ong sa isang letter senders na “handa ng makipag-sex sa kanyang boyfriend.”


******


Numero – July 18, 2008

Dear Maestro,

Kumusta na po! Handa na po akong ibigay ang pagkababae ko sa aking boyfriend kaya naisipan kong sumulat sa inyo.

Wala lang po! hindi naman po ako masyadong nagmamadali o naiinitan! Kaya lang gusto ko na syang itry anu pong masasabi nyo? Compatible po ba kami ng boyfriend ko at kami na po ba ang magkakatulyan? February 23, 1989 po ako at July 7, 1989 naman po ang boyfriend ko.

At anu po bang pinakada best na safe sex para sa inyo except sa abstinence at masturbation?

Umaasa,

Ms. Precious Secret ng Pasay City

Dear Ms. Precious Secret,

Kung compatibility ang tatanungin, tunay ngang magka-compatible kayo ng boyfriend mo, dahil ang zodiac sign mong Pisces at Cancer naman siya ay kapwa pinaghaharian ng elementong water o tubig, gayon din naman ang inyong mga numero, kung saan, ang destiny number mong 7 ay tugma-tugma naman sa birth date ng boyfriend mo na 7. Habang ang destiny number niyang 5 ay nagkataong sakto din naman sa birth date mong 23 o 5. Ibig sabihin, ano’t-anoman ang mangyari, possible at maaaring kayo na nga ang magkatuluyan. Pero bago bumigay ang pinaka-safe parin hindi para wag kang mabuntis, kundi para magkaroon kayo ng isang maligaya at pang habang buhay na pagpapamilya ay iyon nga – magtapos muna kayo ng pag-aaral.

Regarding sa safe medthod, ganito iyon! Alam mo maraming "safe method" kaya lang sa bandang huli kapag nawili ka na sa sex, sasabihin mo o kaya sasabihin ng ka-partner mo, "hindi masarap kapag naka-safe method".

Halimbawa iyong condom, bandang huli aalisin nya rin iyon kaya may tsansa na bigla kang mabuntis.

Kapag naman naka-calendar method, iyong binibilang ang arawr ng regla para malaman ang "safe period", puwede din iyon, kaya lang minsan kapag lagi kayong mag-kasama ng boyfriend mo at naginit kayong dalawa, hindi maiwasang kahit "hindi safe period" magse-sex kayo, dala ng pangangailangang katawan at pang-emosyonal. Sa senaryong iyon, may tsansa ka paring mabuntis.

In short, kung ako lang ang tatanungin o sa sarili o personal ko lang na opinyo, sa sandaling nakipag-sex na ang isang babae sa isang lalaki, sa totoo lang "walang safe-safe" dahil mas matindi ang init ng katawan, ang pag-ibig, ang pagpupuyos ng damdamin at laman. Ang sarap na nararanasan, at higit sa lahat, ang sex ay parang iyong pinakamasarap na nakain mo, kung anoman iyon, kapag nakaranas ka na, uulit-ulitin mo na at sa bandang huli, siyempre kung may mga babaing madaling mabuntis mabubuntis ka.

Minsan nga ay may naka-halikan akong babae, tinanong ko siya kung ano ang na-feel nya, sabi nya: “Habang siya’y nakapikit para daw nakatingkayad at may gustong-gusto siyang pilit na inaabot sa ibabaw ng aparador pero hindi niya maabot-abot, pero nakakapa at nahahawakan na nya pero di parin niya maabot-abot.”

Ganon iyon! Lips to lips palang iyon, halos hindi nya na ma-explains ang dulot na sarap ng napaka-garang sensasyon, paano pa kaya kung aktuwal na sex na ang kanyang matitikman? Paano nya kaya ito ilalarawan?


Ano ngayon ang buod o summary ng sinasabi natin?

E di iyon nga, kapag ibinigay mo na ang iyong pagkababae, okey paring gumamit ka ng mga contraceptives at iba pang safe method, pero dapat aware ka ring anomang oras, anomang sandali ay baka mabuntis ka!

Sa matuling salita, hindi safe method ang dapat mong isipin sa ngayon, (pero gagawin mo parin iyon at obligado ngang gawin iyon hanggang hindi ka kayo nakakatapos ng pag-aaral), bagkus ang mas dapat isipin ay "iplano ang pagpapakasal" ika nga "expect for the worst".

Kung saan, "dahil expect for the worst" sa sandaling bigla kang nabuntis, hindi ka mako-caught in the act ng kapalaran, dahil hindi nya alam, matagal mo na iyong pinaghandaan.

Na-get mo ba?

Kung baga sa giyera o barirlan, nakikipag-barilan ka, at alam mong hindi ka tatablan o tatamaan kasi nga may bullet proof ka, pero ang hindi alam ng kalaban mo, bale wala sa iyo ang bullet proof mo, kasi nga, handa ka naman kung sakaling dumating ang sandali na tinablan ka na ng bala.

Sasabihin ng kabarilan mo, "patay ka na ngayon dahil tinamaan na kita sa katawan", sa isip isip mo naman, "mali ka don" kasi nuon ko pa pinaghadaan na darating din ang panahon tatamaaan mo ko, kaya sabay hugot ng isa mo pang baril, "pratatattttt....." patay uli ang iyong kalaban.

Ang bullet proof ay ang contraceptives, habang kahit na sumablay pa ang contraceptives, tulad ng naipaliwanag na, "hindi nila alam, kahit mabuntis ka, matagal ka ng nakahanda sa senaryong iyon!"

Ganon iyon! Kailangang ang isang tao ay laging nakahanda sa anomang mangyayari sa kanyang kapalaran kahit na iyon ang pinaka-worst pang senaryo.

Sa ganyang paraan lamang, hindi ka mabibigo at magiging maligaya ka habang buhay!

Kasi nga, malayo palang ang kaganapan, alam mo na ang susunod na mangyayari at may nakahanda kana agad solusyon, kapag dumating na ang pangyayaring iyon!

Naalala ko tuloy iyong sinasabi nilang may 10 utos, at ang pang-labing isa daw ay “huwag ka raw pahuhuli!” Sa pagtatalik o sa pure sex na tinatawag may 10 Utos din, at ang ika-labing isa na siya ring pinaka-mahalaga sa lahat, “wag kang magpapa-buntis!”

Ingat... at hangad kong bago ka mabuntis, sana kapwa mo na kayo makatapos ng pag-aaral ng iyong pinaka-mamahal na boyfriend, upang sa ganon kapag kayo ay nagpakasal na at nagkaroon ng sariling pamilya, makatitiyak ng isang maunlad, maligaya at pang habang buhay na pagsasama.

--------30----------


(Ang artikulong ito ay na-ipablished at inilabas sa Pahayagang Bulgar nuong 18, 2008).

16 comments:

  1. HWAG KANG MANIWALA DYAN,.ALAM MO NAPAKASARAP MAKIPAGSEX KAYA KUNG AKO SAYO SUBUKAN MO NA.

    ReplyDelete
    Replies
    1. MAS MAGANDA KUNG PINAGHAHANDAAN NO!!!!!! AKO NUNG KINASAL VIRGIN PAKO.... KAYA MAGHINTAY KA

      Delete
  2. masarap nga ang sex pero isipin mo ang ang kinabukasan ng maging anak mo gusto mobang maketa na nag hihirap nagugutom at na oohaw
    tama nga naman na gumamet ng condom or kung gusto mong walang sagabal gumamit kanang pills

    ReplyDelete
  3. ccrain mo lng ang buhay mo!

    ReplyDelete
  4. sige magiyutan nlng kau kung yan ang gusto nio

    ReplyDelete
  5. mai point naman c Mr.Maestro un sa knya lan aman un iniisip nya un pdenq maqinq manyari sa inyunq dalawa .. kc kau wala akunq ibanq iniisip kundi SEX kaqad palibasa maliliboq kau ..

    ReplyDelete
  6. .ang SEX ay sagradong bagay , anu ba kayo. Dapat pinapahalgahan nyo ang inyong virginity wala sa generation yan nasasayo yan bakit ka tutulad sa iba jan na ang babata pa eh ang dami nang alm tungkol sa sex ,hindi totoong d kyang pigilan yan ,ako may ngng 2yirs bf ako ,gusto na nya pero nde ako pumayg.nkipagbreyk sya.ok lang yun atleast mag dangal akong maipagmamalaki .. e kayo?

    ReplyDelete
  7. Mag sex nalang kayo masrap un tutal malibog ka ....

    ReplyDelete
  8. Ako openion ko jan, tingin ko masarap ngang makipagsex kahit 14 ako gusto ko rn subukan kasu pinipigilan ko kasi iniicp ko rn ang kapakanan ko at ang dangal ng pamilya ko ,, jaka depende naman sa inyo yan kung gagawin nyo e. But 4 me maghihintay na lng ako ng aking kapalaran. ∩_∩

    ReplyDelete
  9. Isipin mo ang kinabukasan mo. Ako nga 18 palang nabuntis na tama c maestro.. sa una ggamit ng CONDOM ang kapareha mo sa susunod sasabihin sayo mas masarap ang balat sa balat .. ittry nyo hanggang sa makalimutan niyo ng gumamit ng safe method gang sa mabuntis ka! Be aware. Tas sasabihin mo hindi kapa handa! Ay leche pag isipan. Malaking pagsisisi yan. Makinig kay maestro ok?!

    ReplyDelete
  10. hindi ko pa alam kung ano ang mga sinasabi nya pro gusto ko lang malaman kung ano nga ba ang pre marital sex at saan nga ba nag simula ang kasaysayan nito. kasi pi irto po ang napili kung paksa para sa teses namin kasi po gusto kung malaman ang tungkol dito,. thank you...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Magandang Araw ...paki-friend na lang po si Maestro Honorio Ong sa kanyang Facebook account, upang makapag tanong po kayo ng maayos....lalo na kapag nagkataong "on line po siya". Maraming salamat po!

      Delete
  11. Masarap ang sex. pero mas masarap gawin pag mag asawa na kayo. alam mo yun, iba kasi pag `1st time. kapag ginawa nyo na tapos mag asawa na kayo, wala ang excitement. yun lang :D

    ReplyDelete